Stream

About

Masbate Community Broadcasting Company

The Masbate Community Broadcasting Company (MCBC), a holder of a congressional franchise under Republic Act No. 7510, is now on its 3rd decade of fruitful existence and continues to uphold the vision of service to the people.

With the vision to serve Masbateños, the late Cong. Moises Espinosa Sr. founded the   Masbate Community Broadcasting Co. (MCBC) and incorporated year 1979 with him serving as the president of the board.  The original members of the board include: Moises R. Espinosa Jr. (Vice President), Ludivina K. Espinosa (Treasurer), Maloli K. Espinosa (Assistant Treasurer) and Mario K. Espinosa (Secretary).  MCBC is registered with the Securities and Exchange Commission.  MCBC was registered as a broadcasting company with DYME-AM 783 kHz with an initial power of 1kW.

In the year 1984, DYME-AM increased its power to 5kW and continued to operate with the utmost goal of serving the public. To honor the vision and legacy of the late Cong. Moises R. Espinosa Sr., the family decided to expand MCBC’s operation in 1990 to include an FM station operating at 1KW(DYME-FM 95.9 MHZ) and the first affiliate TV Station of ABS-CBN in the Bicol Region (DYME-TV Channel 10) operating at 250W.

COVERAGE

DYME-AM 783 Khz 3KWMasbate Province, Samar Province, Romblon, Panay Island, Part of Bicol- Bulan, Pilar, Matnog, Magallanes, Donsol, Sorsogon, Part of Quezon Province

DYME-FM 95.9 MHz 1 KWMasbate City, Milagros, Baleno, Aroroy, Mandaon, Balud, Mobo, Uson, Dimasalang, Ticao Island

DYME-TV10 1kWAffiliate of ABS-CBN

MASBATE (A profile)

Masbate is an island province of the Philippines located in the Bicol Region.  Its capital is Masbate City.  It is a flourishing province consisting of three major islands, Masbate, Ticao and Burias  that are sprawled with verdant rolling hills and green landscapes, bounded with clean and fine beaches, and sea waters abound with exotic fishes, corals and many other marine life.

Labels like “The Wild Wild West”, The Malboro Country” were coined for the island because of the yearly festival called Rodeo Masbateño .  Every summer, the island comes alive when local and international guest cowboys flock to the capital city of Masbate to display their power over untamed cattles in a series of cattle/rodeo games. In this fair, the arena burst with the uproar of thrilled spectators having their adrenalin boosts from the unique line up of exciting rodeo events.

The Province of Masbate’s literacy rate is 95.90%. Its educational institutions consist of effective public and private schools.

The Province of Masbate has a population of 902,589 as of the end of 2009. It consists of 20 municipalities, 1 component city and 550 barangays.

Its mainland also takes pride of its underground rivers, unexplored caves and green landscapes.

Station Info

MASBATE COMMUNITY BROADCASTING COMPANY, INC.

COMPANY PROFILE
Masbate Community Broadcasting Company

The Masbate Community Broadcasting Company (MCBC), a holder of a congressional franchise under Republic Act No. 7510, is now on its 3rd decade of fruitful existence and continues to uphold the vision of service to the people.

With the vision to serve Masbateños, the late Cong. Moises R. Espinosa Sr. founded the   Masbate Community Broadcasting Co. (MCBC) and incorporated year 1979 with him serving as the president of the board.  The original members of the board include: Moises R. Espinosa Jr. (Vice President), Ludivina K. Espinosa (Treasurer), Maloli K. Espinosa (Assistant Treasurer) and Mario K. Espinosa (Secretary).  MCBC is registered with the Securities and Exchange Commission.  MCBC was registered as a broadcasting company with DYME-AM 783 kHz with an initial power of 1kW.

In the year 1984, DYME-AM increased its power to 5kW and continued to operate with the utmost goal of serving the public. To honor the vision and legacy of the late Cong. Moises R. Espinosa Sr., the family decided to expand MCBC’s operation in 1990 to include an FM station operating at 1KW(DYME-FM 95.9 MHZ) and the first affiliate TV Station of ABS-CBN in the Bicol Region (DYME-TV Channel 10) operating at 250W as well as a sister AM station operating at 1KW (DYCM) located at Bogo, Cebu.

COVERAGE/Market Reach

DYME-AM  783 KHz 5KW
AREAS OF COVERAGE :

Masbate province, Samar Province, Romblon, Panay Island, Part of Bicol – Bulan, Pilar, Matnog, Magallanes, Donsol, Sorsogon, Albay, Part of Quezon Province; Lucena

DYME-AM783 KHZ/TVRadyo – MCI Cable Channel 5
AREAS OF COVERAGE:

City wide coverage on Channel 5 MCI Cable Inc.

DYME-FM  95.9 MHz 1KW
AREAS  OF COVERAGE:Masbate City, Milagros, Baleno, Aroroy, Mandaon, Balud, Mobo, Uson, Dimasalang, Ticao Island, Part of Bicol, Bulan, Pilar

DYME-TV10  300W – affiliate of ABS – CBN
CHANNEL 10

News Break

Balitang Masbate

DOLE at LGUs sa Masbate, may summer jobs para sa 600

LUNGSOD NG MASBATE, Peb. 18 (PIA) – Anim-na-daang kabataan na mahirap subalit disedidong magpatuloy ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo sa susunod na pasukan ang bibigyan ng trabaho ng pamahalaan ngayong tag-araw.

Sa ilalim ng Special Program for Employment of Students na magkasamang itinataguyod ng Department of Labor at ng local government units, ang mga estudyante na mula sa kapus-palad na pamilya ay bibigyan ng trabaho sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan sa loob ng 20 araw hanggang 52 araw.

Magtatapos ang kanilang paninilbihan bago magbukas ang pasukan upang may sapat na panahon para sila’y makapag-enrol sa kolehiyo.

Sa kanyang pagharap sa Sangguniang Panlalawigan, sinabi ng bagong talagang DOLE provincial field officer na si Arturo Corbe na ang sahod na matatanggap ng mga estudyante ay magmumula sa DOLE at LGUs.

Ayon kay Corbe, labing-apat na pamahalaang bayan na ang lumahok sa Special Program for Employment of Students kaya segurado na aniya ang trabaho para sa 450 estudyante.

May pondo aniya ang DOLE para sa karagdagang 150 estudyante kaya’t aabot sa 600 ang magiging benipisaryo ngayong taon kung ang nalalabing pitong bayan at ang pamahalaang panlalawigan ay makikibahagi sa programa.

#

Balitang Masbate

Disaster managers’ summit, binabalak idaos sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Peb 5 (PIA) – Nasa drawing board na ang plano ng Masbate na magdaos ng summit on disaster preparedness.

Ayon kay Masbate Vice Governor Vicente Homer Rivel, naiparating na ng Sangguniang Panlalawigan ang panukala nitong grand conference kay Masbate Governor Rizalina Lanete at sa mga chief executives ng mga bayan sa lalawigan.

Ang summit, ayon kay Revil, ay lalahukan ng mga disaster risk reduction and management officers ng lalawigan at mga bayan.

Kailangan anyang matupad ang summit dahil hanggang sa ngayon ang Masbate ay hindi pa rin umano nakakabuo ng disaster management plan.

Sa harap ng mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan, inamin ng operations officer ng Masbate Provincial Disaster Risk Management office na hanggang sa kasalukuyan ay tanging apat na motorsiklo pa lang ang equipment na maari nilang i-preposition sa banta ng kalamidad.

Ayon kay Bise Gobernador Revil, ang walong casualties sa Masbate bagama’t hindi ito nasapul ni bagyong Yolanda ay nagpapahiwatig kung handa ba o hindi ang Masbate sa pagharap sa kalamidad.

Kung matutuloy ang summit, hihilingin anya ng Masbate sa Albay Climate Change Academy na magsilbing resource speakers.

#

Balitang Masbate

School canteens na nagbebenta ng softdrink at junk foods sa Masbate, ipapasara

LUNGSOD NG MASBATE, Peb. 3 (PIA) – Inaasahang lalong sisigla ang pagsisikap sa Masbate na makontrol ang malnutrisyon matapos suhayan ito ng bagong ordinansa na nagbabawal sa school canteens na magbenta ng mga inumin at kakanin na salat sa sustansya.

Batay sa “Anti-Junk Foods and Softdrinks Ordinance” na isinabatas sa lungsod ng Masbate kamakailan, pagmumultahin ang school canteens na mahuhuling nagbebenta ng mga inumin at kakanin na hindi nakakabuti sa kalusugan ng mga mag-aaral.

Inaatasan din ng ordinansa ang school canteens na magpaskel ng mga kalatas hingil sa masamang epekto sa kalusugan ng mga pagkain na ipinagbabawal ng ordinansa.

Inuugnay umano ng mga pag-aaral na ang pagkain ng junk foods at pag-inom ng softdrinks sa mababang academic achievement ng mga mag-aaral.

Nangunguna sa umano’y maaaring idulot ng madalas na pag-inom ng softdrinks ang pagtaas ng blood glucose level dahil sa mataas na sugar content nito at pagkakaroon ng cardiovascular disease.

Lumulobo din umano ang timbang ng konsumedor ng softdrink na nagiging sanhi ng obesity at calcium depletion at pagbagsak ng calcium absorption ng katawan.

Sa madalas na pagkain ng junk foods, nagdudulot umano ito ng panghihina at kawalan ng pukos. Dahil sa idinudulot nitong katabaan, ang mga bata ay magkakasakit sa diabetes, high blood pressure at stroke na ikamamatay ng maaga.

At dahil kulang sa sustansya ang katawan, madaling mapagod at may mood swings, at hindi makatulog ng mahimbing kaya mababa ang academic performance ng bata.

Minamandahan ng ordinansa ang pangasiwaan ng mga paaralan na ipaalam hindi lamang sa school canteen operators kundi maging sa mga bata at kanilang magulang ang kamalayan hinggil sa kalusugan ng mga mag-aaral.

#

Balitang Masbate

Minimum wage earners sa Masbate, matatanggp ang P8 na karagdagang sahod ngayong Enero

LUNGSOD NG MASBATE, Enero 23 (PIA) – Makakaasa ang minimum wage earners sa pribadaong sektor sa lalawigan ng Masbate at sa iba pang bahagi ng Bikolandia sa dagdag na P8 sa kanilang arawang sahod simula ngayong Enero.

Ayon kay Masbate Provincial Field Officer Arturo Corbe ng Department of Labor and Employment, napagpasyahan ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board sa Bicol na dagdagan ng P8 ang minimum wage sa rehiyon.

Tinukoy ni Corbe ang wage order na inaprubahan ng nakaraang Disyembre 5 at nagkabisa noong Enero 10.

Dulot nito, ang minimum wage ay magiging P260 na para sa mga establisyementong may mahigit sa sampung manggagawa, at P236 naman para sa hindi hihigit sa sampu ang manggagawa.

Sa mga nagtatrabaho sa agrikultura, P236 na rin ang kanilang dapat na matanggap.

Batay sa Wage Order No. RBV-16 na inilabas ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board, ang bagong minimum wage ay may bisa sa lahat ng minimum wage workers sa pribadong sektor sa Bikolandia, at walang kinalaman ang kanilang posisyon, designasyon, o status sa trabaho at sa paraan ng pagbabayad sa kanila.

Ayon kay Corbe, hindi sakop ng bagong wage order ang mga kasambahay, mga taong naglilingkod ng personal kabilang ang family drivers, at mga manggagawa ng rehistradong Barangay Micro Business Enterprise.

Ang bagong wage order ang sagot ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board sa petisyon na inihain noong Agosto ng Alliance of Progresive Labor at dalawang iba pang labor groups sa Bikol.

#

Balitang Masbate

Masbate, nais matanyag bilang sentro ng produksyon ng organic beef

LUNGSOD NG MASBATE, Enero 13 (PIA) – Itataguyod sa Masbate ang mga patakaran upang matanyag ang lungsod bilang sentro ng production ng organic beef.

Ayon kay Mayor Rowena Tuason, ang pagyabong ng organic beef industry sa Masbate ang bagong punong adhikain sa medium term development plan ng pamahalaan panlungsod.

Itinanghal ang Masbate bilang rodeo capital ng bansa dahil sa taunang pagtatanghal nito ng rodeo festival bilang promotion ng cattle industry nito.

Ang karneng baka sa Masbate ay mula sa bakang pinalaki sa traditional na grazing kaya itinuturing itong organic beef na popular sa Europe at Estados Unidos.

Sa kanyang pagdalo sa workshoop kung saan binuo ang medium term development plan ng lungsod, sinabi ni Board of Investment governor Oliver Butalid na ang bagong vision ng Masbate ay mahirap tularan ng ibang lokalidad.

Dahil dito, makakamit ng Masbate ang adhikaing matanyag bilang sentro ng production ng organic beef.

#

Balitang Masbate

Coastal management program ng Masbate City template sa ibang coastal localities sa bansa

LUNGSOD NG MASBATE, Enero 8 (PIA) – May matutunan sa lungsod ng Masbate ang ibang coastal communities kung paano alagaan ang kanilang yamang dagat.

Mismong ang Department of Environment and Natural Resources ang nagbigay pugay sa nagawa ng Masbate at ipinabatid nito ang pagkilala sa pamamagitan ng pagdaos kamakailan sa lungsod ng isang malaking pagtitipon ng mga opisyal mula sa Luzon at Mindanao upang magsanay sa “participatory monitoring and evaluation mechanism for coastal communities.”

Nanggaling sa rehiyong 1, 2, 3, 4B, 5, 7 at 11 ang mga oipsyal ng DENR at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na dumating at lumahok sa tatlong araw na pagtitipon na kaunaunahang ginanap ng DENR sa Masbate.

Layunin ng workshop na maitakda ang benchmark para sa monitoring and evaluation mechanism ng local government units sa coastal localities. Ang benchmark o panukat ay ipapatupad sa lahat ng dako sa bansa na saklaw ng Integrated Coastal Resource Management Program o ICRMP.

Sa kanyang pahayag kung bakit ang Masbate City ang venue ng pagtitipon ng ICRMP implementers, sinabi ni ICRMP consultant Ninette Lasola na ang siyudad ay may pinaka-epektibong coastal management at ang local government unit nito ay pinaka-supportive at cooperative sa ICRMP.

Katuyanan, sa nakaraang panahon ay umani ng sunod-sunod na pagkilala mula sa iba’t ibang government at non-government organizations ang dalawang marine protected areas ng Masbate – ang Buntod Reef Marine Sanctuary at Bugsayon Marine Sanctuary.

Sa 2012 assessment sa marine protected areas na isinagawa ng ICRMP sa rehiyon 5, 7 at 11, ang Buntod Marine Sanctuary ang nanguna at ang Bugsayon Marine Sanctuary ang pumangalawa.

Sa 2011 assessment naman na isinagawa ng Siliman University-Angelo King Foundation, ang Bugsayon Marine Sanctuary ang nanguna at Buntod Marine Sanctuary ang pumangalawa bilang pinaka-resilient o elastiko sa climate change.

Dahil dito, sinabi ng ICRMP consultant na mapapabuti ng mga ICRMP leaders ang pag-aalaga sa kanilang yamang-dagat gamit ang kanilang natutunan sa Masbate City.

#

Balitang Masbate

Mahigit 160 nurses, idi-deploy ng DOH sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Enero 7 (PIA) – Magdi-deploy ang Department of Health ng 168 nurses sa lalawigan ng Masbate sa ilalim ng Nurse Deployment Project o NDP ng pamahalaan ngayong buwan.

Ayon kay Cesar Logronio ng DOH-Field Unit sa Masbate City, ang 168 ay itatalaga sa lungsod ng Masbate at 20 bayan ng lalawigan sa madaling panahon.

Sinabi ni Logronio na ang 168 ang matagumpay sa selection process isinasagawa ng DOH kabilang ang pagsusulit na sinalihan ng 365 aspirante nang nakaraang buwan.

Layunin ng proyekto na mapabuti ang local health systems at maitaguyod ang pagkamit ng Universal Health Care or “Kalusugang Pangkalahatan” sa bansa.

Pakay din nito na mabigyan ng pagkakataon ng makapagtrabaho sa tumataas na bilang ng mga narses na walang pinapasukan.

Sinabi ni Logronio na ang 168 ay itatalaga sa rural health units, birthing centers, barangay health stations, at local government unit hospitals kung saan may mga benepisaryo ng Conditional Cash Transfer ng Department of Social Welfare.

Ang mga narses na makakumpleto sa proyekto ay gagawaran ng DOH ng certificate of employment.

#

Balitang Masbate

5 birthing centers, itatayo sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Enero 6 (PIA) – Hindi pa naorder ang rocking chairs, birthing tubs at changing tables ngunit nasasabik na ang health workers na ayusan ang kanilang limang birthing centers na itatayo sa lungsod ng Masbate.

Kailangang dumaan sa proseso ang pagtatayo ng birth centers katulad ng permit at bidding. Subalit ang ganito ay mabilis na maisasagawa dulot ng pagtaguyod ni Mayor Rowena Tuason sa karapatan para sa mga Masbatenyang low-risk ang pagbubuntis.

Dalawang birth centers na ang pinatatakbo ng pamahalang lungsod sa Barangay Malinta at Barangay Bapor. Ang karagdagang lima ay itatayo sa Barangay Kinamaligan, Barangay Nursery, Barangay Bolo, Barangay Bayombon at Barangay Bantigue.

Dating walang birth centers sa Masbate kaya dalawa lang ang napagpipilian ng mga kababaihan: ang manganak sa bahay o sa isang hospital. Dumating ang turning point noong taong 2007 nang ituring ng noon ay alkalde ng lungsod na si Socrates Tuason bilang prayoridad ang pagbawas sa maternal and child mortality rate.

Halos maluha sa galak ang midwives o mga komadrona na matagal nang umaasam na tugunan ng pamahalaan ang kagipitan ng pagbubuntis.

Nagmumukhang mga tahanan o klinika ang birthging centers mula sa labas. Sa loob, ang kababaihan ay makakakuha ng prenatal care at iluwal ang kanilang mga sanggol sa setting na parang tahanan.

Sanay na midwives, sa halip na mga doktor, ang karaniwang sumusubaybay sa pag- labor at panganganak, upang maiwasan ang mga posibleng medical interventions tulad ng droga at cesarean sections at sa halip ay nag-aalok ng mga alternatibo tulad ng water births.

Hindi nag-eendorso ang Department of Health ng panganganak sa tahanan, ngunit kinikilala nito ang accredited birth centers bilang kapantay sa mga ospital para sa kaligtasan.

Ayon sa mga alituntunin ng DOH, ang alinman sa mga ospital o free- standing birth centers na nakakatugon sa mga pamantayan ng accreditation ang “pinakaligtas na setting” para sa panganganak.

Higit pa dito, nagbibigay ang birthing centers ng pag-aalaga
na higit na mura kaysa sa maaaring igawad ng mga ospital- sa average na P1,000 kumpara sa P10,000.

Marami sa mga nanganganak sa birthing centers ay “uninsured” o hindi sakop ng PhilHealth.

Ayon kay Mayor Tuason, ang pagtayo ng limang birthing centers ay tutustusan ng Department of Budget and Management sa ilalim ng Local Poverty Reduction Project ng administrasyong Aquino.

Batay sa timeline ng Department of Public Works and Highways, ang mga bagong birthing centers ay mabubuksan sa first quarter ng taong 2014.

#

Balitang Masbate

Masbate City, ginawaran ng paranggal ang outstanding barangays

LUNGSOD NG MASBATE, Dis. 19 (PIA) – Nagningning ang bituin ng ilang barangays sa lungsod ng Masbate nang matanggap nila ang pagkilala na iginawad sa barangays na katangi-tangi ang accomplishments sa taong 2013.

Natanggap ng mga barangays ang kanilang gawad-pagkilala kahapon mula sa pamahalaang panlungsod ng Masbate sa seremonya na ginanap sa Mayor’s compound sa lungsod.

Ang mga parangal ay ibinatay sa panukatan ng Department of the Interior and Local Government sa paggawad nito ng seal of good housekeeping sa local government units.

Ang barangays na pinarangalan ay outstanding sa pagpapatakbo ng kanilang anti-drug abuse council, disaster council, lupon tagapamayapa, environment and waste management council, peace and order council, at pagiging most child-friendly at most disaster-resilient.

Ang barangay chairmen ng outstanding barangays ay ginawaran din ng parangal.

Sa kanyang mensahe, hinimok ni Mayor Rowena Tuason ang barangay officials na harapin ang hamon ng taong 2014 upang mas lalo pa aniya mapabuti ang paglilingkod sa publiko.

#

Balitang Masbate

Price freeze sa Masbate, minomonitor ng DTI

LUNGSOD NG MASBATE, Dis. 16 (PIA) – Patuloy na sinusubaybayan ng DTI ang mga bahay kalakal sa Masbate sa gitna ng pinapairal na price freeze o walang paggalaw sa presyo ng pangunahing mga bilihin sa lalawigan na hinagupit ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Venus Bayaga ng regulatory unit ng DTI-Masbate, ang price freeze ay epekto ng deklarasyon ng national state of calamity.

Maari anya itong tumagal ng 60 araw at imomonitor nila kung sumusunod ang mga negosyante sa lalawigan.

Kabilang sa mga bilihin na sakop ng price freeze ang gatas, asukal, instant noodles, bigas, kape na ang presyo anya ay dapat pareho sa umiiral na halaga bago isailalim sa state of calamity ang lalawigan.

Ilan sa mga pangunahing bilihin ay karaniwang sangkap o bahagi ng simpleng noche buena ng typhoon victims.

#

Balitang Masbate

Patiribayan Festival, ginaganap sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 28 (PIA) – Binuksan ngayong umaga ng Masbate Schools Division ang Patiribayan Festival, kung saan magpapamalas ng kanilang kasanayan ang mga estudyante.

Daan-daang estudyante mula sa 110 mataas na paaralan o hayskul ang sasabak sa paligsahan sa sining sa komunikasyon.

Gamit ang wikang Filipino, magtatagisan ang mga kalahok sa sabayang pagbigkas at inihandang talumpati.

Gamit naman ang wikang English, magtatagisan ang mga kalahok sa oration, jazz-chant o speed choir, at smart talking-speech.

Sa kanyang pambungad na pangungusap, sinabi ni Schools Division Superintendent Danilo Despi na ang Patiribayan Festival ay isang platform para sa iba’t-ibang mga kasanayan at mga talento sa pampanitikan at kultural ng mga estudyante sa hayskul.

Ayon sa mga kalahok, matagal at puspusang paghahanda ang kanilang dinaanan sa pagsisikap na world-class na kasanayan ang kanilang maipamalas.

Bukas ihahayag ng lupon ng inampalan ang mga magwawagi at gagawaran ng parangal. (EAD-PIA5/Masbate)

#

Balitang Masbate

Relief at medical team ng Masbate, tumulong sa Estancia, Iloilo

LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 27 (PIA) – Isang team ng Masbate City ang pumunta sa bayan ng Estancia, Iloilo para sa isang medical at relief operations sa mga biktima ng paghagupit ng monster typhoon Yolanda.

Pinamunuan ni Masbate City Vice Mayor Ruby Sanchez-Morano ang team na binubuo ng relief workers ng Red Cross Masbate Chapter at medical personnel at social workers ng Masbate City government.

Bukod sa pamamahagi ng relief goods at paggamot sa mga nadisplace na pamilya, tumulong din ang ilan sa kasapi ng grupo sa pagsagawa ng stress debriefing sa mga biktima..

Ipinahayag naman ng Estancia ang pasasalamat sa isang tarpaulin na isinalubong sa relief team at nagsasaad ng “Dahil sa inyong tulong, ang Estancia ay hindi nag-iisa.”

Ang Estancia na may populasyong 42,600 ay nasapul ng hagupitin ng monster typhoon na Yolanda ang Central Visayas dalawang lingo na ang nakalipas.

#

Balitang Masbate

Expats, hinimok na sumali sa 2015 grand homecoming sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 26 (PIA) – Nagsimula nang makipag-ugnayan ang organizers ng ‘Duaw Masbate? 2015′ (Visit Masbate), isang grand homecoming sa Filipino expatriates na nagmula sa lalawigan ng Masbate.

Isang text brigade ang binuo ng isang people’s organization para makipag-ugnayan sa Masbate natives na naninirahan na sa ibayong dagat at upang hikayatin silang dumalaw sa Masbate sa tag-araw sa taong 2015.

Inilunsad rin ng non-government orgnization na Masbate Advocates for Peace ang isang online campaign na puntirya ang mga Masbateño expats at professionals sa ibang bansa na gumagamit ng email at social networking sites katulad ng Facebook.

Ang panawagan na magbakasyon sa Masbate ay ilalagay din sa news websites na madalas na binibisita ng Masbateños sa ibayong dagat.

Suportado ng mga namumuhunan sa industriya ng turismo at tourism councils ng local government units ang grand homecoming.

Itinakda sa Abril 10-12, 2015 ang isang malaking pagdiriwang bilang pagkilala at pagbunyi sa mga nakamit ng mga Masbateños bilang dayuhan sa ibang lupain.

Hindi pa malinaw kung ilan ang puntirya ng kampanya, subalit ang pangunahing target countries ay Estados Unidos, Canada, at Australia.

Sa pulong ng Masbate Advocates for Peace, sinabi ng convenor na si municipal trial court Judge Igmedio Camposano na bukod sa hitik sa kasayahan ang pasasalamat na hindi pa naranasan ng expats, ang 2015 summer homecoming ay bonding experience at lasting memories din para sa expats at kanilang kamag-anak at kaibigan sa Masbate.

Ito ang dahilan aniya kung bakit bagaman naakit na sila sa ibang bansa sa pamamagitan ng mataas na sinasahod o kinikita mahahalina pa rin silang dumalaw sa kanilang lupang tinubuan. )

#

Balitang Masbate

2ND ON- THE- SPOT BICOL ESSAY WRITING COMPETITION, 
GAGANAPIN SA MASBATE CITY SA DEC. 5

LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 25 (PIA)—CASH prizes bukod sa sertipiko ang naghihintay sa mga magwawagi sa “2nd Bicol Essay Writing Competition” na gaganapin sa rehiyon sa susunod na buwan ng Disyembre.

May temang “Towards Achieving Socio-Economic Development: The Competitiveness of Bicol Cities and Municipalities,” ang isasagawang patimpalak ay pangungunahan ng Bicol Harvest Magazine (BHM) at ng National Competitiveness Council (NCC) at lalahukan ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan at kolehiyo sa Masbate at iba pang lalawigan sa Bicol.

Ang patimpalak ay “on-the-spot” at ang sanaysay ay isusulat sa wikang English. Ito ay may Category I para sa ikatlo at ika-apat na taon sa hayskul at Category II para sa una hanggang ika-apat/ika-limang antas sa kolehiyo.

Ang patimpalak sa mga lalawigan o “provincial eliminations” ay idadaos sa Disyembre 5 sa Masbate, Catanduanes at Sorsogon samantalang sa Disyembre 9 naman sa Camarines Norte, Camarines Sur at Albay.

Ang mga mananalo ng unang gantimpala sa mga lalawigan ay magiging kalahok sa “regional finals” na gaganapin sa Disyembre 14 sa Daet, Camarines Norte.

Ang mga mananalong sanaysay ay ilalathala sa BHM at sa websites ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan na katuwang ng BHM.

Ang mga magwawagi sa lalawigan ng unang gantimpala ay tatanggap ng P5,000; ikalawang gantimpala, P3,000; ikatlong gantimpala, P2,000; at sa pitong consolation prizes, P500 bawat isa. Bukod sa cash, igagawad din ang sertipiko at Tai-Chi products.

Ang mananalo ng unang gantimpala sa “regional finals” ay tatanggap ng P10,000; ikalawang gantimpala , P7,000; ikatlong gantimpala, P5,000 at tatlong consolation prizes na tig-P1,000. May kasama ring sertipiko at Tai-Chi products.

Ayon kay Mayor Tito Sarion ng Daet at publisher ng BHM, layon ng patimpalak na makalikha ng kamalayan sa kahalagahan ng mga nagawa ng mga bayan at siyudad sa pag-unlad ng ekonomiya na nakalathala sa “competitiveness index” ng bansa.
Layon din nito na mahikayat ang mga mag-aaral na magpanukala ng mga ideya kung paanomatatamo ng kanilang bayan o siyudad at rehiyon ang competitiveness sa “socio-economic development.”

Ang “1st Bicol Essay Writing Competition” na ginanap nang nakaraang taon ay nakatuon sa buhay ng yumaong good governance icon at Kalihim Jesse Robredo ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Si Mylene C. Gludo ng Osmeña College sa lungsod ng Masbate ang itinanghal na kampeon sa tertiary category ng naturang patimpalak.

Ang patimpalak ay gaganapin sa pakikipagtulungan ng Kaya Natin Movement, DILG, Philippine Information Agency (PIA), Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Department of Tourism (DOT), Department of Agriculture (DA), National Economic Development Authority (NEDA), lokal na pamahalaang bayan ng Daet at Naga City.

Kaagapay din ang pamahalaang panlalawigan ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, Catanduanes at Masbate at lokal na pamahalaan ng mga siyudad at bayan sa rehiyon.

Katuwang rin bilang isponsor ang ABS-CBN-Naga, Golden Bean Feeds, Seaoil, Tai-Chi at Mister Donut.

Para sa mga taga-Masbate, maaaring humiling ng dagdag na detalye sa tanggapan ng PIA na nasa City Hall compound, Masbate City. (Ernie Delgado)

#

Balitang Masbate

PRC team, madayo guihapon sa Masbate dara an inda serbisyo sa mga propesyonal

CIUDAD SAN MASBATE, Nob. 22 (PIA) – Ginatos na propesyonal sa probinsya san Masbate na paso na an lisensya hali sa Professional Regulations Commission an makatipid sa gastos dahilan kay mapadara an komisyon san iya mga sinakupan para iproseso an panibag-o na lisensya san mga aplikante.

Maabot sa ciudad san Masbate an PRC team hali sa Legazpi City sa Miyerkules, Nob. 27, kag sa sulod san duha kaadlaw inda ipoproseso an mga aplikasyon para sa bag-o na lisensya san mga maestro/maestra, enhinyero, nars kag iba pa na propesyonal.

An mobile licensing service sa PRC sa maabot na semana pangduha na san ahensya sa Masbate City sa presente na tuig. Naghiwat san pareho na serbisyo an PRC san Hunyo sani na tuig.

An lisensya hali sa PRC an magahatag sa isad na propesyonal san otoridad na magpraktis san iya propesyon sa sulod san tulo katuig.

Matitipid san mga aplikante an dako na parte sa sobra tres mil de pesos na inda magagastos sa duha kaadlaw na pagtiner kag biyahe kun makadto pa sinda sa ciudad san Legazpi o Cebu para kumuha san bag-o na lisensya.

Kadamuan sa mga aplikante hali pa sa haragyo na munisipyo sa isla san Masbate kag isla san Ticao.

Apwera sa pagproseso san renewal san mga lisensya, ididistribwer man san PRC team an license cards na nauna na guin renewed.

Dagdag pa didi, magarehistro man an PRC team sa mga aplikante para sa masunod na Licensure Examination for Teachers.

Segun kan City Councilor Andrie Diez, nagbugkos pwersa an administrasyon ni City Mayor Rowena Tuason kag an PRC agod mahatag an serbisyo san PRC sa mga propesyonal sa Masbate.

An mga Masbatenyos na interesado sa nahunambitan na serbisyo san PRC pwede makipagkita kan Diez sa Legislative Buillding sa City Hall o tumawag sa mobile No. 09076555777 para dugang na mga detalye.

#

Balitang Masbate

Kapulisan sa Masbate na napinsala rin ng bagyo, nagbigay donasyon para sa Kabisayaan
BY: BY ERNESTO A. DELGADO

LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 21 (PIA) —Tiyak na marami ang masisiyahan sa ipinamalas ng kapulisan sa Masbate na mabilis sa pagtulong sa pag-ambag na rin sa pangngailangan ng mga biktima ng pananalasa ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Philippine National Police Masbate provincial director Jacinto Culver Sison, boluntaryong nagbigay ang kapulisan para sa relief drive na isinasagawa sa Kabisayaan kung saan mahigit 10 milyong katao ang sinalanta ng daluyong ni Yolanda.

Sinabi ni Sison na ang mga bungkos ng damit at iba pang kagamitan na ipinadala nila ay donasyon mula sa mga himpilan ng pulisya sa lungsod at 20 bayan ng Masbate.

Mabilis umano ang pagtugon ng mga pulis sa direktiba ng kanilang direktor na umalalay sa mga napuruhan ng bagyo sa pamamagitan ng pagdonasyon ng anumang bagay na kinakailangan ng mga biktima.

Ayon kay Senior Inspector Antonio Diño na hepe ng Police Community Relations Branch, kabilang sa mga nag-ambag donasyon ay mga pulis sa dakong timog ng lalawigan ng Masbate na hinagupit din ni Yolanda.

Ang mga pulis sa mga bayang naapektuhan sa ilalim ng Storm Signal No. 4 ay hindi nag-atubiling magbigay ng donasyon kahit ang ilan sa kanila ay nagtamo din umano ng pinsala sa tirahan.

Ang mga donasyon ay inihatid ni Diño sa Camp Simeon Ola sa Legazpi City at dadalhin ito ng PNP regional headquarters sa Office of Civil Defense sa Bikol upang maisama sa relief operations ng pamahalaan sa mga karatig na rehiyon.

Sinabi ni Sison na bukod sa Masbate, may katulad na relief drive ang kapulisan sa mga lalawigan ng Albay, Sorsogon, Catanduanes, Camarines Sur at Camarines Norte upang makapang-ambag sa internasyonal na relief effort. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)

#

Balitang Masbate

DSWD, may bagong kabalikat sa pagbabago sa asal ng mga benepisaryo ng 4Ps

LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 19 (PIA) – Mas mahusay na family development sessions ang inaasahan ng mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa lalawigan ng Masbate matapos magkasundo ang Department of Social Welfare and Development sa Bicol at ang isang non-government organization na magtambal sa pagpapaunlad sa asal ng mga benepisaryo.

Sa ilalim ng kasunduan, magsisilbi ang National Auxiliary Chaplaincy Philippines, Inc. o NACPHIL bilang patnubay sa pag-akay sa mga benepisaryo tungo sa pagiging mabuti at maunlad na mamamayan.

Ayon sa DSWD Bicol regional office, iaambag ng NACPHIL ang malawak na kasanayan nito para lalong paghusayin ang FDS o family development session na isinasagawa ng DSWD.

Ayon kay DSWD Regional Director Arnel Garcia, ang partnership ng DSWD at NACPHIL ay magbibigay kapangyarihan sa mga benepisaryo na magkamit ng bagong kasanayan at kaalaman.

Ang kasunduan ng dalawang panig ay nilagdaan sa DSWD office sa Legazpi City nang nakaraang Biyernes, Nob. 15.

Ang 4Ps ang human development program ng pamahalaang nasyonal na namumuhunan sa kalusugan at pag-aaral ng mga mahihirap na pamilya.

Sa Masbate na pinakamahirap na lalawigan sa Bikolandia, mahigit 88,000 o halos kalahati ng kabuuang household population nito ang benepisaryo ng 4Ps.

#

Relief Efforts for the Victims of Typhoon Yolanda (in photos)

Partial Report of Damage/Casualty of Typhoon Yolanda

 

 

 

Source: PDRRMC

Balitang Masbate

Masbate, naglunsad ng relief drive upang makatulong sa Yolanda victims sa Visayas

LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 14 (PIA)—Upang makapag-abot ng tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Visayas, naglunsad ng joint relief drive ang ilang grupo sa pangunguna ng Red Cross Masbate chapter at Bankers Association of Masbate.

Ang Red Cross ay tumatanggap ng donasyong cash na maaaring ideposito sa China Bank Account san Bulig San Masbateños na may No. 190-144111-0 sa pangalan na Amparo Perez & Ernie Torevillas.

Ang donations in kind katulad ng clothings, bottled water, canned goods at tarpaulins, ay maaaring deretsang ipadala sa Red Cross chapter office o alinmang bangko, paaralan, Ham’s Cup coffee shop at 2Go Express branch sa Masbate.

Samantala, tumatanggap na rin ng mga donasyon ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development sa lungsod ng Masbate.
Ang eksaktong address ng tanggapan ay Balay Valencia, Ibanez St., Masbate City at ang contact person ay si Ana Marie Castillo.

Bagama’t ilang bahagi ng Masbate ang nahagupit din ng bagyo, halatang hindi hadlang ang tinamo nitong pinsala upang magawa ng mga Masbatenyos na tumulong sa mga kababayan sa Visayas na nadelubyo. (PIA-Masbate)

#

Balitang Masbate

Mga bagong daycare centers sa Masbate, pinasinayaan

LUNGSOD NG MASBATE. Nob. 6 (PIA) – Pinasinayaan kahapon ang dalawang gusali na magsisilbing daycare centers sa dalawang liblib na nayon sa bayan ng Cataingan, lalawigan ng Masbate.

Kabilang sa mga dumalo sa inagurasyon ay ang municipal at barangay official ng Cataingan, mga kawani ng Department of Social Welfare and Development at mga kasapi ng bayanihan sa naturang mga barangay.

Ang bagong gusali sa barangay Badiang at Tagboan ay itinayo alinsunod sa programa ng pamahalaan na Kapit Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services at Kapangyarihan at Kaunlaran sa Mamamayan. Dahil dito, mismong mga taganayon ang namahala at nagsagawa sa konstruksyon ng dalawang gusali.

Kasabay ng turn-over ng mga susi sa mga barangay officials, nagpahayag ang mga volunteers ng pagnanais na muli nilang i-aalay ang bahagi ng kanilang oras at lakas sa pagsasagawa ng iba pang proyektong pangkaunlaran sa ilalim ng KALAHI-CIDSS-KKB.

Nagbigay-pugay naman ang bise-alkalde sa naisagawa ng mga taganayon ng Badiang at Tagboan. Nangako rin ang alkalde ng patuloy na suporta ng pamahalaang bayan sa KALAHI-CIDSS.

Ang dalawang gusali ay tinustusan ng pinagsamang pondo mula sa Australian Aid, pamahalaang bayan ng Cataingan, barangay council, at donasyon ng mga taganayon.

Bago magtapos ang buwan, magagamit na ang dalawang gusali ng mahigit 80 daycare pupils at ng kanilang daycare workers na sa nakalipas na ilang buwan ay nagtiyagang nagsagawa ng kanilang aralin sa loob ng barangay chapel.

Bukod sa Cataingan, ang KALAHI-CIDSS-KKB projects ay ipinapatupad sa mga bayan ng Mobo, Cawayan, Palanas at Monreal.

#

Balitang Masbate

Kabuhayan, pangunahing inaasam sa Masbate Rural Women Congress

LUNGSOD NG MASBATE, Okt. 31 (PIA)—Kabuhayan o trabahong pagkakakitaan ang pangunahing inaasam ng halos isangdaang kababaihan na nakibahagi sa pagtitipon kahapon sa lungsod ng Masbate ng Masbate Rural Women Congress.

Sa open forum ng pulong, nagkasundo ang mga kababaihan na nagmula sa 21 bayan ng Masbate sa paghayag na pare-pareho silang umaasam na magkaroon ng sariling kabuhayan upang makatulong sa kanilang mga asawa na maliit ang kinikita sa pagsasaka o pangingisda.

Ang Masbate Rural Women Congress ay isang samahan na suportado ng Department of Agriculture upang isulong ang karapatan ng kababaihan sa bukid na siyang gumagawa ng kalahati ng pagkain ng nasyon.

Ang buong araw na pagtitipon ng Masbate Rural Women Congress ay ipinatawag ng Regional Field Unit ng Department of Agriculture kaugnay ng paghahanda ng Gender and Development Plan ng kagawaran.

Ang GAD Plan ang blueprint o roadmap para mahango ang kababaihan sa mahirap na kalagayan na dulot ng ilang kultura sa bansa.

Alinsunod sa Bicol Regional Development Plan, magbibigay-kapangyarihan ang GAD Plan ng Departrment of Agriculture sa kababaihang kabilang sa sektor ng mga magsasaka at mangingisda hanggang bawat isa sa kanila ay nabubuhay ng marangal, walang pangamba at hawak ang kanyang karapatan at pangangailangan.

Inoobliga ng batas ang kagawaran na ilaan ang limang bahagi ng kabuuang annual budget nito para sa mga gawain at proyekto ng GAD Plan. (Ernie Delgado)

#

Balitang Masbate

Dahil sa banta ng diskwalipikasyon, mga nanalong kandidato sa Masbate, nagtanggal ng illegal posters

LUNGSOD NG MASBATE, Okt. 30 (PIA) – Sa pangambang sapitin nila ang diskwalipikasyon na ipinataw ng Commission on Elections sa ilang gobernador at alkalde na umano’y nag-overspending noong Mayo 2013 elections, magkumahog kahapon ang mga nanalo sa katatapos na barangay elections sa patanggal sa kanilang illegal posters.

Karamihan sa mga lumabag sa patakaran ng Comelec sa posters ay umupa ng mga taong tumulong sa pagtanggal ng kanilang posters na ibenandera sa labas ng mga lugar na itinalaga ng Comelec bilang common poster areas.

Nangamba ang mga bagong halal na barangay officials na matanggalan ng karapatang umupo sa konseho matapos magbanta si Masbate City election officer Anthony Villasis na maaring hindi papaupuin ang mga nanalo sa halalan dahil sa kanilang illegal posters.

Ayon sa isang tinedyer na inupahan ng kandidato, kumita siya ng P100 sa pagtanggal ng posters na mahirap umanong alisin dahil matindi ang pagkakadikit sa mga pader ng mga residential at commercial buildings.

#

Balitang Masbate

Libreng cataract operation, inihahandog ng Rotary Club sa Masbateños

LUNGSOD NG MASBATE, Okt. 14 (PIA)—Mahigit isang daang mamamayan ng Masbate na nanganganib na mabulag dahil sa katarata ang makikinabang sa libreng operasyon na isasagawa simula ngayong araw hanggang sa darating na Biyernes.

Ang medical mission ay handog ng service club na Rotary Club of Masbate at Rotary Club of Canterbury, Australia para sa mga maralitang Masbateños na nagdurusa sa karamdaman sa mata.

Sa census na isinagawa noong taong 2010, ang Masbate ay may populasyong 834,650. Tinatayang mahigit 20 porsyento ng populasyon ang may karamdaman sa mata at karamihan sa pasyente ay walang pambayad sa gamutan.

Sa kasalukuyan, tanging dalawang eye doctors na nakahimpil sa Metro Manila ang pumupunta sa Masbate upang manggamot ng ilang araw kada buwan.

Ayon sa pangulo ng Rotary Club of Masbate na si Jamon Espares, positibong tinugon ng Rotary Club of Canterbury ang kanilang hiling na magdala ng eye doctors sa Masbate upang makapaglingkod sa mga maralitang pasyente.

Ang cataract operations ay idadaos sa tatlong magkakahiwalay na lugar—sa Masbate Provincial Hospital, Aroroy District Hospital at Cataingan District Hospital—upang ayon kay Espares ay mapalapit sa tirahan ng mga pasyente.

Bukod sa cataract operation, bahagi ng medical mission ang gamutan sa mga may kapansanan sa pandinig.

Sa pamamagitan ng PIA, ipinapaabot ni Espares ang pasasalamat sa kanilang katuwang sa medical mission: Cataract Foundation of the Philippines, Department of Education, at pamahalaang panlalawigan at panlungsod ng Masbate. (Ernie Delgado)— with Alfred Josh.

#

Balitang Masbate

Masbate, handa na sa hamon ng pagsagip sa mga batang manggagawa

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 10 (PIA) – Nasiyahan ang kinatawan ng International Labor Organization sa na-accomplished ng Masbate sa kampanya laban sa child labor.

Sa pulong kahapon na ginanap sa lungsod ng Masbate kaugnay ng pagtatapos ng proyekto ng ILO na pinamagatang International Program for the Elimination of Child Labor o IPEC, sinabi ni ILO-IPEC program officer Bharati Pflug na tapos na ang misyon ng IPEC na pukawin ang kamalayan ng Masbatenyos sa child labor at batay sa kanyang pagtaya, committed at handa na ang lalawigan na pangatawanan ang pagsagip sa mga batang manggagawa.

Ilan sa kanyang mga pinagbatayan ay ang pagkakaroon ng Masbate ng isang provincial ordinance para tiyakin may anti-child labor program sa lalawigan.

Layunin ng programa na mabigyan ng desente at produktibong hanapbuhay ang mga magulang ng mga batang manggagawa upang sila ay makabalik sa paaralan. Sa kabilang banda, may kaparusahan naman para sa mga magpapatrabaho sa bata.

Nakabuo din ang Masbate ng isang sistema upang masubaybayan ang mga batang sangkot sa mga delikadong anyo ng child labor katulad ng paninisid ng laman-dagat, pagmimina at pangangalakal ng basura.

Sa ilalim ng tatlong-taong proyekto na IPEC, ang mga bayan ng Aroroy at Cawayan at lungsod ng Masbate ang ginawang pilot areas at sa tulong ng funding assistance ng ILO, napukaw ng binuong Provincial Anti-Child Labor Committee ang mga naturang lokalidad upang umaksyon laban sa child labor.

Batay sa isang survey na isinagawa sa Aroroy, Cawayan at Masbate para sa IPEC, may mahigit 9,000 ang mga batang nagtatrabaho o titigil na sa pag-aaral para magtrabaho.

Sa tesmonya ng mga pamilya ng mga batang manggagawa na dumalo sa pulong, lumitaw na ilang daan na rin ang nahango sa kanilang mapait na kalagayan dahil sa nabigyan na ng Department of Labor ang kanilang magulang ng hanapbuhay.

Ayon kay Bharati, napakarami pa ang dapat hanguin subalit sa kanyang narinig at nakita, kampanti siyang handa na ang Masbate na balikatin ang hamon.

#

Balitang Masbate

Mga bata, sentro ng pagdiriwang sa Masbate ngayong Oktubre

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 7 (PIA) – Bukod sa ipinagdiriwang ito sa Alemanya ng mga mahilig sa beer bilang “Octoberfest,” iba’t-ibang pyesta ng patronal saints din ang magugunita pagpasok ng buwan ng Oktubre. Subalit naiiba sa mga ito ang selebrasyon sa probinsiya ng Masbate.

Sa mga bata nakatutok ang atensyon ng probinsiya ngayong Oktubre habang ipinagdiriwang ng mga Masbatenyos ang “Piyesta ng mga Bata.”

Ayon kay Masbate Provincial Planning Officer Ramon Marcaida III, sa buwang ng “Piyesta ng mga Bata” iba’t ibang pagkilos o aktibidad ang gaganapin sa probinsiya bilang bahagi ng pagsisikap ng mga Masbatenyos na gawing mainam na tirahan para sa mga bata ang lalawigan.

Sa bahagi ng Masbate Provincial Nutrition Council, susubukan nitong pakilusin ang makinarya ng mga local government units hanggang sa barangay upang tugunan ang problema sa malnutrisyon na nakakapaminsala sa mahigit 150,000 pre-school children sa Masbate.

Taglay ang panawagang “Gutom at malnutrisyon, sama-sama nating wakasan,” ang pagtutulungan ay pangungunahan ng provincial nutrition council na binubuo ng mga ahensyang may kinalaman sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program at mga patakaran sa reproductive health.

Ang Oktubre ay ipinagdiriwang din sa bansa bilang National Children’s Month upang bigyan ng diin ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga bata sa loob ng pamilyang Pilipino at sa nation-building.

Para sa taong ito, ang ika-21 pagdiriwang ng National Children’s Month ay nakatuon sa kahirapan. Para sa Council for the Welfare of Children, ang poverty reduction ay magsisimula sa mga bata at ang edukasyon ang pinakamalaking pag-asa ng mga ito upang mabago ang kalagayan ng kanilang buhay.

Batay sa 2009 Official Poverty Statistics of the Philippines, kabilang ang mga bata sa mga pangunahing sektor na may pinakamalaking bilang ng mga mahihirap na populasyon sa bansa.

Sa taong 2009, lomobo sa 12.4 milyon mula sa 12.3 milyon noong 2006 ang populasyon ng mga bata na sadlak sa kahirapan, at ang Bikol ay pumapangalawa sa Caraga Region na may pinakamataas sa antas ng kahirapan sa bansa. Halos anim sa bawat sampung mga bata sa Bikolandia ay mahirap, at karamihan nito ay nasa Masbate.

Dahil dito, nananawagan si Council for the Welfare of Children Executive Director Brenda Vigo na lumahok ang lahat sa pagsusumikap na tugunan ang lahat ng antas ang kahirapan.

Ang tema ngayong taon ay “Kahirapan Wakasan, Karapatan ng Bata Ipaglaban.”

#

Balitang Masbate

Red tide warning, nakataas pa rin sa isang bayan sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Okt. 4 (PIA) – Muling nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagkain ng mga lamang dagat mula sa bayan ng Milagros sa Masbate.

Sa huling shellfish bulletin na inilabas kahapon ng BFAR, nanatiling positibo sa paralytic shelffish poison or red tide toxin ang baybaying dagat na sakop ng Milagros.

Kabilang sa ipinagbabawal pa ring kainin at ibenta sa mgha pamilihan ang mga lamang dagat kagaya ng alamang at talaba na makukuha sa baybaying dagat ng Milagros.

Ang isda, alimango, pusit at hipon ay ligtas namang kainin basta tanggalan ng bituka at hasang at linising mabuti bago lutuin at kainin.

Itinaas ang red tide alert sa Milagros sa pamamagitan ng shellfish bulletin No. 19 na inilabas ng BFAR noong Agosto 5.

Sa shellfish bulletin No. 24 na inilabas kahapon ng BFAR, ipinaalala ni BFAR Director Asis Perez na kabilang ang Milagros sa mga lugar na nananatiling mataas ang red tide toxin.

#

Balitang Masbate

Rep. Leni Robredo, nakiisa sa 13-taon ng lungsod ng Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Okt. 2 (PIA) – Naging kasiya-siya ang ika-13 founding anniversary ng Lungsod ng Masbate nung Lunes dahil naka-bounding ng mga Masbateños si Camarines Sur 3rd District Representative Leni Robredo.

Ang biyuda ni Interior Secretary Jesse Robredo ang guest of honor sa grand celebration sa araw ng anibersaryo ng lungsod ng Masbate.

Bago ito, isang forum din ang isinagawa hinggil sa good governance na dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaang lokal at ng people’s organizations sa lungsod na pinangunahan ng Kongresista nung Linggo, Setyembre 29.

Nauna nang idineklara ng Pangulong Aquino ang Setyembre a-30 na special non-working day sa Masbate City upang bigyan ang mga mamamayan nito ng buong pagkakataong ipagdiwang at makilahok sa mga okasyon sa pamamagitan ng naangkop na seremonya.

Noong Agosto 16, 2000, ang munisipyo ng Masbate ay na-convert na maging component city ng lalawigan ng Masbate sa pamamagitan ng Republic Act 8807.

Sa isang plebisito nang naturang taon, bumuto ang mahigit 7,800 pabor sa cityhood ng Masbate.

Setyembre 30 ng taong ding iyon, opisyal na iprinoklama ng Commission on Elections Regional Office ang Masbate bilang component city.

#

Balitang Masbate

Mag-anak mula sa Masbate, pumangalawa sa 2013 Huwarang Pantawid Pamilya

LUNGSOD NG MASBATE, Okt. 1 (PIA) – Isang pamilya sa lalawigan ng Masbate ang siguradong makapagbibigaypayo sa ibang mag-anak na desididong makatawid sa kahirapan.

Ang pamilyang Macanas sa bayan ng Cawayan ay nakamit ang pangalawang pwesto sa 2013 Huwarang Pantawid Pamilya na ginanap kamakailan ng Department of Social Welfare and Development.

Bukod sa karangalan, iginawad din sa pamilyang Macanas ang cash prize na P10,000 at plake sa awarding ceremonies na ginanap sa Taguig City noong Biyernes kaugnay ng pagtatapos ng pagdiriwang ng Family Week ng DSWD.

Ayon kay Pantawid Pamilyang Pilipino Program Masbate provincial coordinator Hesse Labisto, ang pamilyang Macanas ay hinirang bilang isa sa grand winners dahil naipamalas ng mag-anak ang kalidad na dapat ay taglay ng mga benepisaryo ng 4Ps.

Sinabi ni Labisto na ang 2013 Huwarang Pantawid Pamilya ay inilunsad ng DSWD upang kilalin ang mga 4Ps families na magsisilbing inspirasyon sa ibang benepisaryo upang makatawid sa kahirapan.

Layunin aniya ng patimpalak na iwasto ang pananaw ng mga 4Ps families sa pagpapaunlad ng pamilya at paglahok sa pamayanan.

Natunton ng mga hurado mula sa Philippine Press Institute at punong sangay ng DSWD ang pamilyang Macanas sa liblib na pamayanan sa Cawayan at sa kanilang panayam, pinatotohanan ng mga lider at ordinaryong mamamayan nito na role model kung ituring sa kanilang pamayanan ang pamilyang Macanas.

Kahangahanga umano ang mabuting disposisyon ng pamilyang Macanas sa gitna ng kahirapan.

Ayon kay Labisto, pumili ang mga hurado ng limang preliminary winners mula sa 3.9 milyong pamilya na benepisaryo ng 4Ps, at isa rito an pamilyang Macanas na pumapangalawa sa grand winner ang Mabanta family mula sa Lanao del Norte.

Ang 4Ps na kinapapalooban ng family development sessions at cash allowance na pang-eskwela at pangkalusugan ang pangunahing estratehiya ng administrasyong Aquino upang tulungan ang mga pamilya na makaahon sa kahirapan.

#

Balitang Masbate

Lapay Bantigue Dance Festival idadaos bukas sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Sept. 27 (PIA) – Walang patid na aliw ang naghihintay sa mga turista at manonood ng 2013 Lapay Bantigue Dance Festival na idadaos bukas sa Lungsod ng Masbate.

Labing isang contingents ang magpapamalas ng galing sa Lapay Bantigue Dance sa pag-asam na tanghaling kampeon ng festival.

Hindi lingid sa mga turista ang ganda ng Lapay Bantigue Dance matapos itong umani ng parangal sa Gayon Festival sa Bicol at Aliwan Festival sa Maynila.

Ang galaw ng mananayaw ng Lapay Bantigue ay hango sa ibong Lapay sa panahon ng kanilang pagliligawan.

Ang sayaw ay ginawa nung unang panahon ng mga residente ng bayabayin pamayanan ng Bantigue at nilapatan ng indigenous music ng bantog na kompositor.

Ang Lapay ay simbolo ng coastal resource conservation program ng lungsod ng Masbate dahil ang presensya ng ibong sa mga baybayin ng lungsod ay nangngangahulugan na maraming isda at iba pang yamang dagat na kanilang kinakain.

Ang magagandang mananayaw ay mag-aaral sa Masbate suot ang matitingkad at makukulay na kasuotan na dinsenyo ng local artists.

Ang contingents na ilang buwang puspusang nagsanay ay maglalabanan sa titulong 2013 Lapay Bantigue Dance Festival Champion, ala-una ng hapon magsisimula ang pagtatanghal.

#

Balitang Masbate

Masbate City Coastal Cleanup Day, ikakasa sa Set. 21

LUNGSOD NG MASBATE, Sept. 19 (PIA) – Daan-daang tao na ang kusang-loob na nagpapalista upang bumalik sa mga dalampasigan ng lungsod ng Masbate para sa taunang Masbate Coastal Cleanup Day sa umaga ng Sabado, Setyembre 21. Ang cleanup sa tabing-dagat ay bantog bilang pinakamalaking volunteer event sa lungsod.

Ang cleanup ay pinapangunahan ng pamahalaang panlungsod ng Masbate kaugnay ng advocacy nito na matigil ang polusyon sa water bodies at baybayin. Nang nakaraang taon, inuulat ng Masbate City Environment and Natural Resources Office na ilang tonelada ng basura at recyclables ang naalis mula sa dalampasigan sa pagsisikap ng higit sa 2,000 mga boluntaryo mula sa City Hall, mga paaralan, mga tanggapan ng pamahalaang pambansa at civic organizations.

Dahil kasama ito sa International Coastal Cleanup na pinapangunahan ng Ocean Conservancy at magaganap sa parehong araw, ang Coastal Cleanup Day sa lungsod ng Masbate ay magiging bahagi ng isa sa pinakamalaking volunteer events sa daigdig.

Iniimbitahan ang volunteers upang tumulong sa paglinis sa dalampasigan ng lungsod ng Masbate. Team leaders ang in-charge sa isang pangkat ng mga boluntaryo na nakatalaga sa isang tiyak na seksyon ng dalampasigan.

Sa cleanup day, ang lahat ng mga boluntaryo ay magtitipon sa Magallanes Coliseum. Maaaring magpalista hanggang alas 5 ng umaga at magsisimula ang gawain sa alas 6.

#

Balitang Masbate

Mahigit 140 kababaihan, nabigyan ng libreng pap smear test sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Sept. 16 (PIA) – Sa gitna ng lumulubong bilang ng mg kababaihang nagdurusa dulot ng cervical cancer, isang inisyatiba ang isinagawa noong Biyernes ng pamahalaang lungsod ng Masbate upang maprotektahan ang mga residenteng kababaihan mula nakamamatay ngunit nalulunasang sakit.

Libreng cervical screening sa anyo ng pap smear at acetic acid wash tests ang inaalok sa female constituents ng Masbate bilang bahagi ng
selebrasyon ng ika-13 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.

Sa talaan ng Masbate City Health Office, eksaktong 148 ang bilang ng mga babaeng kumuha ng pap smear test.

Ang proyekto ay brainchild ni City Mayor Rowena Tuason. Ang tests ay isinasagawa noong Setyembre 13 sa health office ng city hall.

Ayon kay city information officer Rodolfo Cortes, ang regalong pangkalusugan at wellness sa kababahan ay tiyak na hahaplos sa kanilang mga puso at makakabuti sa kanilang well-being.

#

Balitang Masbate

Pinoy expats, susuyuin na dumalaw sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Sept. 12 (PIA) – Maari nang markahan ng mga Masbatenyo ang kanilang kalendaryo: Ang 2015 ay taon ng mga Filipino expatriates na nagmula sa lalawigan ng Masbate.

Malaking kampanya ang binabalak ng isang people’s organization na ilunsad ngayong taon upang hanapin ang mga Pinoy expats at hikayatin silang dumalaw sa Masbate sa tag-araw ng taong 2015.

Binabalangkas na ng non-government organization na Masbate Advocates for Peace ang mga plano para sa isang online campaign na puntirya ang mga Masbateño expats at professionals na ibayong dagat na gumagamit ng email accounts at social networking sites katulad ng Facebook.

Ang panawagan na magbakasyon sa Masbate ay ilalagay din sa news websites na madalas ina-access ng Masbatenyos sa ibayong-dagat.

Malaking pagdiriwang ang ihahanda sa kabisera ng Masbate bilang pagkilala at pagbunyi sa mga nagawa at nakamit ng mga Masbatenyos bilang dayuhan sa ibang lupain.

Hindi pa malinaw kung ilang ang puntirya ng kampanya, subalit ang pangunahing target countries ay Estados Unidos, Canada at Australia.

Sa pulong ng Masbate Advocates for Peace kahapon, sinabi ng MAP convenor na si trial court Judge Igmedio Camposano na bukod sa hitik sa kasayahan at pasasalamat na hindi pa naranasan ng expats, ang 2015 summer homecoming ay bonding experience at lasting memories din para sa expats at kanilang kamag-anak at kaibigan sa Masbate.

Ito ang dahilan aniya kung bakit bagaman naakit na sila sa ibang bansa sa pamamagitan ng mataas na sinasahod o kinikita mahahalina pa rin silang dumalaw sa kanilang lupang tinubuan.

#

Balitang Masbate

Gamutan sa mata at tainga, libreng ihahandog sa Masbatenyo

LUNGSOD NG MASBATE, Sept. 11 (PIA) – Lumiwanag ang pag-asa ng mga Masbatenyos na may diperensya sa paningin at pandinig dahil sa isang medical mission ang isasagawa sa lalawigan ng Masbate sa susunod na taon.

Libre o walang bayad ang serbisyong medikal na ito na ang pangunahing pakay ay mga batang mag-aaral na mahina ang pandinig at mga magulang na may katarata ang mata.

Ang medical mission na itinakda sa darating na Oktubre 14 hanggang 18 ay isasagawa sa pagtutulungan ng Rotary Club of Masbate, Rotary Club of Canterbury, Australia, Cataract Foundation Philippines Inc., at ilang local governments units sa Masbate.

Ang Masbate Provincial Hospital, Cataingan District Hospital at Aroroy District Hospital ang pagdadausan ng operasyon.

Sinabi ng lider ng Rotary Club of Masbate na si Provincial Board Member Jamon Espares na ang mga may katarata na walang pambayad sa operasyon ay may pagkakataong maoperahan ng libre sa medical mission.

Sa ospital sa Masbate na nagtatanggal ng katarata, mahigit P16,000 ang sinisingil nito sa bawat matang ooperahan.

Sa kasalukuyan ay patuloy aniya ang pagsusuri sa mga nangangailangan ng cataract operation.

Nauna rito ang pagsasagawa ng pagsasanay sa public school nurses kung saan ipinaliwanag ni Mavis Campos ng Cataract Foundation Philippine Inc. na ang katarata ay parang ulap na tumatakip sa lente ng mata at humahantong sa pagdilim ng paningin. Ito anya ang pinaka-karaniwang sanhi ng pagkabulag.

Tinatayang 25,000 mamamayan sa Masbate ang may katarata.

Bukod sa operasyon sa katarata, gagamutin din ang mga nawawalan ng pandinig.

Sinabi ni Mavis na ang nakasanayang paggamit ng cotton buds o swab sa paglilinis ng taingan ang aniya’y karaniwang sanhi ng hearing loss dahil sa nalalagot nito ang ear drum.

Sa tambalang ito ng Rotary Club at Cataract Foundation Philippines Inc., at pamahalaang lokal, umakyat ang pag-asa na luminaw ang paningin at pandinig ng mga nanganganib mabulag at mabingi dahil sa katarata at maling kinagawian sa tainga.

#

Balitang Masbate

PCA nagmungkahi sa local governments upang yumabong ang coconut industry sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Sept. 9 (PIA) – Hinihimok ng Philippine Coconut Authority ang mga pamahalaang lokal sa lalawigan ng Masbate na magtatag ng coconut seedling nursery upang matulungan ang mga magniniyog sa pagpapalago sa kanilang industriya.

Ang mungkahi ay inihayag ni senior agriculturist Gerry Bacolod ng PCA Masbate Field Office sa kanyang pakikipag-usap sa mga magniniyog sa Barangay Maingaran sa lungsod ng Masbate kamakailan lamang.

PCA ang ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng Kagawaran ng Pagsasaka na responsable sa development ng niyog at iba pang palm oil industries sa buong potensyal nito kaugnay ng bisyon na gawing “efficient at globally competitive” ang industriya.

Tiniyak ni Bacolod na kung maitatag ang coconut nurseries sa Masbate, makakagawa ng mas mabuting klase ng coco seed nuts na sapat pangpalit sa mahinang klase ng katutubong niyog.

Nursery ang lugar kung saan ang mga halaman ay pinaparami at pinapalaki hanggang maaari na itong ilipat sa taniman.

Ang ekonomiya ng Masbate ay pinangingibawan ng agrikultura. Sa mga agrikulturang pananim, niyog ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan at kita ng mga tao. Tinatayang 60,000 MT ang copra production sa Masbate kada taon na nagkakahalaga ng 540 milyon pesos.

Ayon kay Bacolod, direktang pakikinabangan ng mga magniniyog sa Masbate ang mga seednut nurseries dahil mas mura umano ang gastusin nito kumpara sa pag-angkat ng seedlings mula sa ibang lalawigan.

Ang sampung ektaryang seed nut nursery aniya ay kayang maglaman ng 20,000 seed nuts.

Kamakailan ay pinagkalooban ng PCA ang mga magniniyog sa lungsod ng Masbate ng 30,000 Tacunan coco seed nuts.

Ang Tacunan ay mas mainam na klase ng puno ng niyog dahil ito’y namumunga ng hanggang 100 sa isang panahon ng pamumunga. Bukod dito, mas malangis ang copra nito at matibay ang puno laban sa bagyo.

Ang pamamahagi ng PCA ng mas mabuting klase ng niyog ay bahagi ng inilunsad nitong pangmatagalang programa upang buhayin ang industriya na unti-unting pinapatay ng pangangalakal ng tabla at kahoy nito at hindi pagpalit sa tumatandang puno nito.

#

Balitang Masbate

Singil sa terminal building fee sa Masbate City Port, itatakda ng hearing panel na binuo ng PPA

LUNGSOD NG MASBATE, Sept. 6 (PIA) – Ang isang inter-agency panel na binuo ng Philippine Ports Authority ang matatakda ng halaga ng terminal building fee na isisingil sa mga papaalis na pasahero sa Masbate City Seaport.

Ang panel ay binubuo ng mga kinatawan ng Department of Trade and Industry, Civil Aviation Authority of the Philippines, Department of Public Works and Highways, Department of Environment and Natural Resources at Maritime Industry Authority.

Sa pagdinig na ginawa ng panel na ginanap kamakalawa sa loob ng public terminal building, ipinanukala ni Port Manager Rosalinda Sumagaysay ang P35 na terminal building fee sa bawat pasaherong sasakay ng paalis na barko upang matustusan umano ang maintenance ng gusali.

Sa pagtasa ng PPA, mahigit P800,000 umano ang gastusin sa maintenance ng building bawat buwan.

Ayon kay Sumagaysay, P35 din ang panukalang terminal building fee para sa mga pantalan sa Legazpi, Tabaco City at San Andres.

Sa panig ng mga miyembro ng publiko na sumasalungat sa P35 dapat anila na babaan ang maintenance cost upang maibaba ang terminal fee.

Ang rekomendasyon ng hearing panel ang umano’y susundin ng PPA.

#

Balitang Masbate

Red tide alert, nakataas sa isang bayan ng Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Sept. 5 (PIA) – Nananatiling positibo sa dynoflagellate bloom o mas kilala sa red tide toxin ang baybayin ng bayan ng Milagros, Masbate.

Kasabay ng paglalabas ng abisong ito, ipinagbawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang paghuli, pagbebenta at pagkain ng mga alamang o shellfish na magmumula sa Milagros dahil ito’y makakasama sa kalusugan.

Gayunman, nilinaw ng BFAR na maari pa ring kainin ang mga isda, hipon, pusit at alimango.

Payo ng BFAR, tiyaking sariwa ang mga ito o tanggalin muna ang hasang bago lutuin para makaiwas sa pagkakalason.

Ang Milagros ay isang major source ng seafoods dahil sa yamang-dagat nito sa Asid Gulf. Ang bulto ng marine products nito ay iniluluwas sa kabisera ng Masbate, Metro Manila at Bicol mainland.

Natuklasan sa mga pagsusuri na isinagawa noong unang linggo ng Agosto na may red tide sa baybayain ng Milagros.

Kapuna-punang may pagsibol ng red tide sa Milagros magmula noong dekada 90. Sa obserbasyon ng lokal na pamahalaan sa Milagros, ang red tide ay maaring magtagal ng ilang linggo o ilang buwan bago ito maglaho.

Hindi pa rin maipaliwanag ng mga syentipiko kung ano ang nagiging sanhi ng pamumukadkad ng dynoflagellates.

Bukod sa Milagros, Masbate, nananatili pa ring positibo sa red tide ang Matarinao Bay sa Eastern Samar, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental at Balite Bay sa Mati, Davao Oriental.

#

Balitang Masbate

Pagpataw ng PPA terminal fee sa Masbate City, diringgin ngayon

LUNGSOD NG MASBATE, Sept. 4 (PIA) – Diringgin ngayong hapon ng publiko ang balak ng Philippine Ports Authority na patawan ng terminal building fee ang mga pasahero ng barkong paalis sa pantalan ng lungsod ng Masbate.

Ang public hearing ay magsisimula ala-una y medya ng hapon sa tanggapan ng PPA sa lungsod ng Masbate.

Layunin ng pagdinig na makuha ang damdamin ng bayan sa balak ng PPA na magpataw ng P35 sa bawat taong sasakay sa paalis na pampasaherong sasakyang dagat.

Nagpakalat na ng patalastas sa publiko ang port manager na si Rosenda Sumagaysay kaugnay ng pagdinig.

Ayon sa pamunuan ng PPA, ang malilikom sa terminal fee ay gagamitin ng ahensya sa pagbayad sa pagkakautang nito upang maipagawa ang isang komportableng gusaling pahingahan ng pasahero.

Ang pantalan ng Masbate ay na angkop sa roll-on-roll-off type na barko ay bagong – mukha pagkatapos ng pagpapalawak nito at pagtatayo ng passengers’ lounge.

Bagama’t inaasahan ang pagsalungat ng mga miyembro ng mga lokal na sangguniang at consumers advocacy groups, umaasa pa rin ang pamunuan ng PPA na magkakasundo din ang PPA at publiko sa angkop na hakbang para sa pag-unlad ng pantalan.

Ayon sa mga board member na umaalma sa pagpataw, uusisain nila ang PPA hinggil sa balak nito dahil dagdag na pasanin umano ito sa mamamayan ng Masbate.

#

Balitang Masbate

Alay lakad para sa kabataan, ginanap sa pagdiriwang ng ika-13 anibersaryo ng Masbate City

LUNGSOD NG MASBATE, Sept. 2 (PIA) – Sa layuning mapaginhawa sa kanilang kalagayan ang mga kapus-palad na kabataang Masbatenyo, ginanap kahapon ang isang walkathon kasabay ng pagbubukas ng isang buwang selebrasyon ng ika-13 anibersaryo ng lungsod ng Masbate.

Karamihan sa mahigit 1,500 na lumahok sa walkathon ay mga estudyante at empleyado ng pamahalaang lokal at mga ahensya ng pamahalaan nasyonal.

Ayon kay Masbate City Mayor Rowena Tuason na namuno sa walkathon, layun ng lakad na maikalat sa buong lalawigan ang kamalayan sa kalagayan ng mga out-of-school youth at makatulong sa disadvantaged sector na lipunan na makakuha ng isang mas mahusay na buhay.

Alay Lakad sa Kabataan ay nilikha sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 168 at siyang signature fund-raising project ng Alay Lakad Foundation Inc.

Sa buong bansa, mahigit sa 60,000 na out-of-school youth na natulungan ng Alay-Lakad Foundation sa pamamagitan ng scholarship grants, tulong pang-edukasyon at kabuhayan.

Sa lakad kahapon, marami sa mga lumahok at sponsor ang nagbigay ng donasyon bago at sa oras mismo ng lakad sa kabisera ng Masbate.

Ang tema ngayong taon ay “Lakad Bayan Para sa Kapayapaan.”

#

Balitang Masbate

DA, isinasakatuparan na ang economic empowerment ng ilang magsasaka na apektado ng communist insurgency sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Agosto 30 (PIA) – Makakaasa ang mga magsasaka sa ilang barangay sa Masbate na apektado ng communist insurgency na higit silang magiging produktibo dahil sa isinasakatuparan na ng Kagawaran ng Pagsasaka ang programang sagot sa kahirapan at magpapaunlad sa kapayapaan.

Nabatid sa tanggapan sa Masbate ng Department of Agriculture na ipinapatupad na ang mga proyekto sa Masbate sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA.

Ang PAMANA ang peace and development framework ng administrasyon Aquino na nagbibigay kapangyarihan sa mga mamamayan kung saan may armadong labanan upang matamasa nila ang pag-unlad pang-ekonomiya sa kanilang pamayanan.

Para sa Masbate, ang pagkakaloob ng production input at mechanization equipment ang pangunahing interbensyon upang mapabuti ang agricultural productivity sa dalawang munisipyo ng Mobo at Uson.

Ang Mobo ay may 11 barangays na sumasailalim sa PAMANA at nilaanan ng kabuuang P4.2 milyon pesos samantalang ang Uson ay pinag-ukulan ng P2.3 milyon para sa apat na barangays nito.

Ang Masbate ay isa sa anim na lalawigan sa Bicol na itinuturing bilang “priority” sa conflict-affected areas at ang mga bayan napasama sa programa ay pinili batay sa pamantayang itinakda ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, na siyang nangunguna sa pagpapatupad ng PAMANA.

Ang mga pamahalaang bayan sa naturang lugar ay sumang-ayon na mag-ukol ng counterpart funds para sa mga proyekto na inaasahang magpapatingkad sa kapayapaan.

Ang PAMANA ay bahagi ng Philippine Development Plan at Bicol Regional Development Plan para sa taong 2011 hanggang 2016 at hangarin nitong tumugon at palakasin ang peace-building, reconstruction at pag-unlad sa mga lugar na apektado ng labanan kaugnay ng layunin ng pamahalaang Aquino ang permanenteng matuldukan ang panloob na armadong labanan sa bansa.

#

Balitang Masbate

PPA, magsasagawa ng pagdinig sa ipapataw 
na terminal fee sa Masbate City

LUNGSOD NG MASBATE, Agosto 28 (PIA) – Magsasagawa ng pagdinig ang Philippine Ports Authority upang makuha ang damdamin ng bayan sa balak ng PPA na magpataw ng terminal fee sa mga taong pumapasok sa pantalan ng lungsod ng Masbate.

Ang pagdinig ay itinakda sa darating na Setyembre 4, araw ng Myerkules, sa PPA building sa Masbate City.

Nagpakalat na ng patalastas sa publiko ang port manager na si Rosenda Sumagaysay kaugnay ng pagdinig.

Ang pantalan ng Masbate ay na angkop sa roll-on-roll-off type na barko ay bagong –mukha pagkatapos ng pagpapalawak nito at pagtatayo ng passengers’ lounge.

Inalmahan naman ng ilang myembro ng sangguniang panlalawigan ang balak ng PPA na magpataw ng terminal fee sa outgoing passengers ng mga barko.

Ayon kay Board Member Jamon Espares, uusisain nila ang PPA hinggil sa balak nito dahil dagdag na pasanin umano ito sa mamamayan ng Masbate.

#

Balitang Masbate

Job fair, tampok sa pagdiriwang sa Masbate ng kaarawan ng TESDA

LUNGSOD NG MASBATE, Agosto 22 (PIA) – Isang job fair ang isinagawa sa lungsod ng Masbate kaugnay ng pagdiriwang ng Technical Education and Skills Authority sa kaarawan ng ahensya.

Daan-daang aplikante na dumaan sa pagsasanay ng TESDA ang humugos kahapon sa job recruitment na isinagawa ng retail giant Gaisano Inc. na nakatakdang magbukas ng shopping mall sa Masbate.

Binuksan kamakalawa ang pagdiriwang sa Masbate ang ika-19 na anibersaryo ng TESDA sa pamamagitan ng isang singing competition na sinalihan ng mga estudyante ng mga techvoc schools sa Masbate.

Bilang panghuling activity, ngayong umaga ay nag-tree planting ang mga empleyado ng TESDA sa bukirin ng Barangay Malinta, lungsod ng Masbate bilang kanilang ambag sa greening program ng administrasyong Aquino.

#

Balitang Masbate

Mahigit 60 narses ng pamahalaan, sinanay sa pagsaklolo sa mga may karamdaman sa mata at pandinig

LUNGSOD NG MASBATE, Agosto 14 (PIA) — Mahigit 60 narses ng mga pampublikong paaralan at mga pambayang sentro ng kalusugan sa probinsya ng Masbate ang magtatapos ngayong Huwebes sa dalawang araw na pagsasanay sa pagsusuri sa mga sakit sa mata.

Ang mga narses na ito ay magsasagawa ng pagsusuri sa mata ng mga mag-aaral at mga indibidwal na humihingi ng tulong sa mga pambayang sentro ng kalusugan upang matiyak ang may kapansanan sa paningin.

Sinabi ng lider ng mga tagapagsanay na si Mavis Campos ng Cataract Foundation Philippine Inc., ang mga may katarata na walang pambayad sa operasyon ay may pagkakataong maoperahan ng libre sa medical mission na isasagawa sa Masbate ng kanilang grupo sa darating na Oktubre.

Ayon kay Mavis, ang katarata ay parang ulap na tumatakip sa lente ng mata at humahantong sa pagdilim ng paningin. Ito ang pinaka-kariniwang sanhi ng pagkabulag.

Sa ospital sa Masbate na nagtatanggal ng katarata, mahigit P16,000 ang sinisingil nito sa bawat matang ooperahan.

Tinatayang 25,000 mamamayan sa Masbate ang may katarata.

Bukod sa pagsasanay sa optalmolohiya, tinuruan din ang mga narses ng paghadlang sa pagkawala ng pandinig.

Sinabi ni Mavis na ang nakasanayang paggamit ng cotton buds o swab sa paglilinis ng taynga ang umano’y pinaka-karaniwang sanhi ng hearing loss dahil sa nalalagot nito ang ear drum.

Ang libreng serbisyo ng Cataract Foundation Philippine Inc. ay suportado ng Rotary Club of Masbate at Rotary Club of Canberra City ng bansang Australia.

Sa tambalang ito ng Rotary Club at Cataract Foundation Philippines Inc., umaaliwalas ang pag-asa na may pagkakataon pang luminaw ang paningin at pandinig ng mga nanganganib mabulag at mabingi dahil sa katarata at maling kinagawian sa taynga. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)

#

Balitang Masbate

Mga kaswal na empleyado sa Masbate, itatalaga bilang barangay nutrition scholars

By Ernesto A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Agosto 12 (PIA) — Upang lubos na mapakinabangan ang kanilang serbisyo at talento, nagpasya ang alkalde ng lungsod ng Masbate na italaga ang ilang kaswal na empleyado sa City Hall ng Masbate bilang barangay nutrition scholars.

Sa pulong noong isang linggo ng city nutrition council, inihayag ni Mayor Rowena Tuason ang naturang balak para sa mga narses na temporaryong naninilbihan sa City Health Office.

Labis na kapaki-pakinabang aniya ang paninilbihan ng mga kaswal na narses kung sila’y makakatulong sa pagsugpo ng malnutrition sa 30 barangay ng lungsod.

Bilang barangay nutrition scholars, sila ay susubaybay sa nutritional status ng mga bata at magsisilbing tulay ng pamayanan sa nutrition program ng gobyerno at iba pang nauugnay sa nutrition.

Natatagpuan at nakikilala ng barangay nutrition scholar ang mga batang malnourished sa pamamagitan ng pagtitimbang sa lahat ng preschoolers at pakikipanayam sa mga ina.

Sa kinalabasan ng 2011 Operation Timbangan, lumitaw na halos 15 porsyento ng 14,774 na preschoolers ang kulang sa timbang. Lumitaw din na may 215 preschoolers o halos dalawang porsyento ng mga tinimbang na preschoolers ang labis sa bigat.

Ang prevalence ng malnutrition sa lungsod ng Masbate ang umano’y pinakamataas sa pitong lungsod sa Bikolandia.

Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, naaantala ang development ng mga malnourished na bata bukod pa sa sila’y ay madaling kapitan ng sakit bilang resulta ng hindi sapat na paggamit ng protina, calories at iba pang nutrients.

Upang masugpo ang malnutrisyon, hinubog ng pamahalaang ang Philippine Plan of Action for Nutrition, ang programa na dadalhin ng barangay nutrition scholar sa mga magulang ng batang kulang sa timbang at labis sa bigat. (MAL/EAD-PIA5 Albay)

#

Balitang Masbate

2 na guina dudahan na killers for hire, inaresto sa Masbate

CIUDAD SAN MASBATE, Agosto 1 (PIA) – Nagatuod an magkapira na pumuluyo sa probinsya san Masbate na nabalabagan san mga otoridad an duha na armado na tawo na guina tuodan na bayadan na parapatay tawo.

Naaresto kag nadis-armaran an duha na suspetsado sa munisipyo san Palanas, banda alas 6 san hapon mientras na an mga ini nakasakay sa isad na motorsiklo na waran plaka.

Segun sa provincial director san Philippine National Police na si Senior Supt. Heriberto Olitoquit, isad na concerned citizen an nagreport sa pulisya san Palanas pinaagi sa text na may riders-in-tandem na sakay san asul na Kawasaki Bajaj na kaduda-duda an pagtalibud sa Barangay Nabangig sa Palanas sa nasabit na oras.

Sa random checkpoint na dayon guin plastada san mga elemento san 1st Maneuver Platoon san Masbate Provincial Public Safety Company kag Palanas Police Station, narekupo sa duha na sakay san nahunambitan na motorsiklo an isad na granada kag isad na 357 magnum revolver na panas an serial number kag unom na bala.

An duha na suspetsado na pareho residente san marayo na munisipyo san Esperanza naga pangatubang sugad san kasong kriminal.

An armadong riders-in-tandem guina dudahan na miyembro san private armed groups sa Masbate na guina gukdan naman san mga otoridad. Segun sa intelligence reports, an private armed groups guina bayadan agod maglikidar san mga personalidad sa pulitika kag negosyo.

Guin umaw naman ni Senior Supt. Olitoquit an sibilyan na segun saiya bagay lang na irogon san mga pumuluyo saiya pagiging mapagmatyag kag pagbulig sa kapulisan na balabagan an krimen.

#

Balitang Masbate

Malacañang, iniutos na ipagpatuloy ang paghahanap sa mga pasahero ng lumubog na barko 

LUNGSOD NG MASBATE, Hunyo 17 (PIA)—Ngayong Lunes ang pang-apat na araw ng search and rescue operations sa dagat ng Burias Island upang mahanap ang mga nawawala sa trahedya na sinapit ng MV Lady of Mount Carmel subalilt mukhang mailap ang tagumpay para sa rescue teams.

Mahiwagang lumubog ang barko nung umaga nang Biyernes kahit maganda umano ang panahon habang naglalayag halos dalawang kilometro malapit sa Burias island. Animnapu’t isa ang nailigtas samantalang dalawa ang sinawimpalad sa pagkalonod sa pitumpong pasahero ng barko.

Ayon sa rescuers, mukhang lumalabo na ang pag-asa na matagpuan ang pitong nawawalang pasahero dahil nahihirapan ang navy divers na maabot ang sahig ng dagat ng Burias dahil sa sobrang lalim nito at napakalakas ng agos.

Bukod sa lalim at agos, lalo pang pinahihirapan ang SAR teams ng sumasamang panahon dulot ng tropical depression na si “Emong.”

Sa panayam ng media, inihayag ng director ng office of civil defense sa Bicol na si Bernardo Rafael Alejandro na inuutos ng Malacañang sa search and rescue teams na ipako ang kanilang pagsisikap sa paghahanap bago alamin ang sanhi ng trahedya.

Dahil sa direktibang ito ng Malacañang, sinabi ni Alejandro na ipagpapatuloy ang search and rescue operations hanggang ngayong araw ng Lunes bagama’t 48 oras lamang ang karaniwang itinatagal ng SAR operation para sa mga nawawalang biktima ng paglubog ng barko.

Kinilala ng OCD ang mga hinahanap pang pasahero na pawang mga taga-Masbate na sina Fe Rapsing,

Leticia Andaya, Jocelyn Danao, Abegail Barredo at Noan Manocan at sina Ariane at Jonas Comedor.

#

Balitang Masbate

322 kabataan sa Masbate, nakinabang sa DSWD-TESDA scholarship

LUNGSOD NG MASBATE, Hunyo 11 (PIA) – Ngayong linggo na magtatapos ng pag-aaral ang 322 kabataang Masbatenyo na binigyan scholarship batay sa tinatawag na Cash-for-Training Program o C4TP na magkatuwang na itinataguyod ng Department of Social Welfare and Development o DSWD at Technical Education Skills and Development Authority o TESDA.

Ayon sa TESDA assistant provincial director Angelo Llacer, ang mga iskolar ay nasa pagitan ng 18 at 30 taong gulang na nagmula sa mahihirap na mga pamilya na hindi kayang bayaran ang mataas na gastos sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Ang naturang mga pamilya ay nakatala sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, ang isa sa pangunahing poverty reduction strategies ng pamahalaan na nagbibigay ng conditional cash grant upang mapabuti ang kalusugan, nutrisyon at edukasyon ng mga maralita.

Ang paglutas sa matinding kahirapan at gutom ay pangunahing layunin ng administrasyon ni Pangulong Aquino.

Sinabi ni Llacer na ang 322 iskolar ay sumasailalim sa mga pagsasanay sa TESDA training centers at kilalang teknikal at bokasyonal na paaralan sa Masbate.

Ipinaliwanag ni Llacer na ang C4TP ay isang joint nationwide project ng DSWD at TESDA. Sa proyektong ito anya, ang DSWD ang nagbibigay ng pinansiyal na tulong sa mga iskolar na napili sa pamamagitan ng isang proseso at ang TESDA naman ang nagbibigay ng pagsasanay para sila ay magkaroon ng isang mas mahusay na hinaharap.

Ito ay nagsimula noong nakaraang Pebrero at magtatapos sa linggong ito.

Ang pagsasanay ay binubuo ng dalawang kategorya ang wage employment at self-employment kung saan ang bawat iskolar ay nilaanan ng P20,000 para sa gastusin sa pagsasanay, allowance at assessment fee.

Ang mga sumasailalim sa pagsasanay para sa self-employment ay binigyan ng tool kits.

Sinabi ni Llacer na ang C4TP ay isa sa mga pangunahing kontribusyon ng TESDA sa layuning ng pamahalaan na makapagbigay ng libreng edukasyon at mga kasanayan sa mga maralitang kabataan at matulungan silang makakuha ng matatag na pinagkukunan ng kita at palayain ang kanilang sarili mula sa pagkaalipin ng kahirapan.

#

Balitang Masbate

Target na rabies-free Masbate, iniurong sa taong 2015

LUNGSOD NG MASBATE, Hunyo 7 (PIA) – Ang 2013 na target para palayain ang Masbate sa kamandag ng aso ay tila mahirap pang matamo. May ilang kaso pa rin ang lumitaw sa islang lalawigan.

Inamin ng mga beterinaryo ng lokal na pamahalaan ang pag-urong, mula 2013 patungong 2015.

Ayon sa Masbate City Veterinarian Rolando Franzuela, target nilang makamit ang kalayaan ng lungsod mula sa nakamamatay rabies sa taong 2015.

Inamin ni Franzuela na sa nakaraang 2012, ang kanyang tanggpan ay nakapagtala ng dalawang nasawi dahil sa kamandag ng aso sa Masbate.

Tiniyak din nito na patuloy pa rin ang pagsisikap na puksain ang kamandag ng aso sa Masbate.

Sa nakaraang buwan ng Marso at Abril, nagawa aniya ng kanyang tanggapan ang bakunahan ang 3,726 na aso sa lungsod.

Ang malawakang pagbabakuna sa mga aso at pusa ay naging mabisang paraan sa pagsugpo sa rabies sa maraming mauunlad na bayan.

Ayon kay Franzuela, maraming international animal welfare ang tumutulong sa lokal na pamahalaan sa paglipol laban sa kamandag ng aso.

#

Balitang Masbate

Mga hakbang para sa matiwasay na pagbubukas ng eskwela, nakahanda na

LUNGSOD NG MASBATE, Mayo 30 (PIA) – Iniutos na ng pinuno ng pulisya sa probinsya ng Masbate ang pagpapatupad ng mga hakbang upang mapangalagaan ang mga estudyante sa panahon ng pagbubukas ng mga klase sa darating na Lunes.

Sa kanyang inilabas na command memorandum circular, binigyan-diin ni Sr. Supt. Heriberto Olitoquit na nararapat lang na masagot ng mga hakbang pangseguridad hindi lamang ang kaligtasan ng mga estudyante kundi maging ang suliranin sa trapiko.

Sinabi ni Olitoquit na hihigpitan ang seguridad sa pamamagitan ng pagpapatrulya malapit sa mga kampus, transport terminals at commercial establishments at pagtatalaga ng mobile at foot patrols sa mga pangunahing lansangan.

Kasama sa iniutos ni Olitoquit sa police foot patrols sa mga eskwelahan na maging alerto sa insidente ng bullying.

Ang mando ni Olitoquit ay sumasakop sa syudad ng Masbate at dalawapung bayan.

Nanawagan din ang police commander sa publiko na gawin ang karampatang pag-iingat upang makaiwas sa mga masasamang-loob na nais magsamantala sa sitwasyon.

Payo ni Olitoquit: siguruhin ang kanilang perang pambayad sa eskwelahan at mahahalagang gamit katulad ng cellphones.

Ayon pa sa opisyal, para makaiwas na manakawan kung nasa mataong lugar tulad ng pamilihan, terminal ng mga sasakyan at kampus, huwag na munang magsuot ng mamahaling alahas at huwag nang magdala ng electronic gadgets.

#

Balitang Masbate

PRC team dadayo sa Masbate para maghatid serbisyo sa mga propesyonal

LUNGSOD NG MASBATE, Mayo 28 (PIA) – Tinatayang mahigit isang libong propesyonal sa probinsya ng Masbate na magwawakas na ang lisensya mula sa Professional Regulatory Commission ang makakatipid sa gastos dahil magpapadala ang komisyon ng mga tauhan para magproseso ng mga aplikante sa panibagong lisensya.

Darating sa lungsod ng Masbate ang PRC team mula sa Legazpi City sa Hunyo 5 at mananatili ng tatlong araw para magproseso sa mga aplikasyon sa panibagong lisensya ng mga guro, enhenyero, nars at iba pang propesyonal.

Matitipid ng mga aplikante ang malaking bahagi ng mahigit 3 libong pisong magagastos sa dalawang araw na pananatili at biyahe kung tutungo sila sa syudad ng Legazpi o Cebu para makakuha ng panibagong lisensya.

Marami sa mga aplikante ay manggagaling sa malalayong bayan sa pulo ng Masbate at isla ng Ticao.

Ayon kay City Councilor Andrie Diez, nagsanib pwersa ang administrasyon ni Masbate City Mayor Socrates Tuason at ang PRC upang maihatid ng PRC ang serbisyo nito sa mga propesyonal sa Masbate ngayong taon.

Ang mobile licensing service ng PRC sa darating na Hunyo ay pangatlong beses na ng ahensya na dumayo sa lungsod ng Masbate simula nung taong 2011 at 2012.

Ang lisensya mula sa PRC ay nagbibigay sa isang propesyonal ng pahintulot na magpraktis ng kanyang propesyon sa loob ng tatlong taon.

#

Balitang Masbate

Biyaheng Cebu-Masbate, sisimulan na ng Cebu Pacific
By Ernesto A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Mayo 27 (PIA) — Isang linggo mula ngayon ay sisimulan na ng Cebu Pacific ang paglipad nito mula Cebu patungong Masbate.

Ayon sa mga namumuno sa Masbate, ang budget carrier ay magsisimulang bumiyahe sa lungsod ng Masbate sa darating na Sabado, Hunyo 1, at ATR 72-500 ang eroplanong gagamitin ng airline.

Mapapalakas umano ng Cebu Pacific ang turismo at kalakalan sa pagitan ng Masbate at Cebu sa pamamagitan ng bagong biyahe dahil mabibigyan ang mga lokal at dayuhang turista ng pagkakataon na magtungo sa dalawang destino.

Ayon sa pamunuan ng Cebu Pacific, apat na beses sa isang linggo na lilipad ang airline mula Cebu hanggang Masbate at ito’y sa mga araw ng Martes, Huwebes, Sabado at Linggo.

Sa advisory na magkahiwalay na ipinalabas ng kumpanya at ng Masbate City Hall, eksaktong 6:15 ng umaga aalis ang Cebu Pacific sa Cebu at 7:10 ng umaga darating sa Masbate. Ang biyaheng pabalik ay aalis nang 7:30 ng umaga at lalapag sa Cebu eksaktong 8:25 ng umaga.

Ang Masbate ay kilala sa kanyang scuba diving spots at rodeo festival.

Ang pamasahe sa rutang Cebu-Masbate ay P688. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)

#

Balitang Masbate

Comelec Bicol nirekomenda ang pagbibigay kompensasyon sa pamilya ng namatay na pulis dahil sa halalan
By Joseph John J. Perez
 LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 23 (PIA) — Inirekomenda ng Commission on Elections (Comelec) sa Bikol ang pagbibigay ng kompensasyon para sa pamilya ng namatay na pulis sa Masbate na una nang kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Hiningi ni Comelec regional election Director Romeo Fortes sa pamamagitan ng isang memorandum para kay Chairman Sixto Brillantes Jr. na bigyan ng benepisyong pinansyal ang pamilya ng yumaong si Police Officer 2 Jesus Apostol na nahulog sa dagat at inatake sa puso habang nagbibigay seguridad sa pagdadala ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine at mga kagamitan sa halalan sa Masbate halos isang linggo bago gawin ang halalan.

“Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 9640 tinukoy lang ang insurance at pinansyal na benepisyo sa mga guro na nakaranas ng aksidente o namatay habang tinutupad ang gawaing pang-halalan,” sabi ni Fortes. Ang halalan sa bawat sulok ng bansa ay hindi magtatagumpay at magiging mapayapa kung wala ang sigla ng mga tauhang unipormado,” ayon kay Fortes.

“Kung hindi sa kanilang katapangan, ang seguridad ng ating Board of Election Inspectors (BEI) ay manganganib pati na rin ang mga PCOS machines,” ani Fortes. Ang kanilang partisipasyon ay dapat bigyang pansin, dadag pa niya.

“Dapat lang na bigyan sila ng kaparehas ng benepisyo na binibigay sa mga guro,” sabi ni Fortes.

Inirekomenda ni Fortes ang kaparehas na kompensasyon na binibigay sa mga BEI sa pamilya ni Apostol dahil sa nangyari ang kanyang kamatayan habang tinutupad ang gawaing pang-halalan.

Sinabi rin ni Fortes na kailangan ding bigyan ng kaparehas na benepisyo ang mga deputized agencies ng Comelec kung magkaroon man ng aksidente o kamatayan.

Si Apostol ang pinuno ng pangkat ng pinagsanib na pwersa ng Regional Public Safety Batallion at San Pascual Municipal Police Station sa Masbate. Aksidente siyang nahulog sa dagat habang nakasakay sa bankang de motor habang nagbibigay seguridad sa pagdala ng mga PCOS machines sa mga presinto sa San Jacinto. Nawalan siya ng malay at kalaunan ay namatay.

Una nang sumulat si PNP Bicol regional director Police Chief Superintendent Clarence Guinto sa Comelec sa pamamagitan ng Office of the Regional Election Officer sa Bicol sa paghingi ng kompensasyon para sa pamilya ni Apostol, ayon kay Fortes.

Si Apostol kasama si Police Officer 1 Agerico Afable ng Borongan, Samar na binaril at napatay ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin habang binabantayan ang PCOS machine sa Barangay Calingatngan ay kinilala bilang mga bayani ni DILG Secretary Mar Roxas sa ginawang flag raising ceremony sa Camp Crame sa Quezon City ngayong linggo. (MAL/JJJP-PIA5 Albay)

 
#

Balitang Masbate

Pulis na nasawi sa eleksyon, itinanghal na bayani
By Ernesto A. Delgado
 
LUNGSOD NG MASBATE, Mayo 21 (PIA)– Itinanghal kahapon ni Interior Secretary Mar Roxas bilang “bayani” ang pulis na namatay habang naglilingkod sa katatapos na halalan sa probinsya ng Masbate.

Ayon sa hepe ng National Police Commission sa Masbate na si Myrna Guban, kinilala ni Roxas ang kabayanihan ni PO2 Jesus Apostol nang ang kalihim ng DILG ay magsalita sa lingguhang flag raising ceremony sa Camp Crame sa Quezon City.

Si Apostol ay inatake sa puso nang ito’y mahulog mula sa bangka at maduro ng makamandag na dikya habang naghahatid ng precinct count optical scan o PCOS machine sa bayan ng San Pascual sa Burias Island.

Si Apostol ay isa sa dalawang pulis na nasawi habang tumutupad ng kanilang tungkulin sa eleksyon. Ang isa pa ay si PO1 Agerico Afable ng bayan ng Borongan sa probinsya ng Samar na binaril ng hindi nakilalang mga armado habang ito’y nagbabantay sa PCOS machine sa isang presinto sa Barangay Calingatngan.

Ibinahagi ni Guban sa local na media na tinawag ni Roxas ang dalawang pulis na “simbolo ng pagsasakripisyo ng Philippine National Police at isang inspirasyon” sa buong tropa.

Ayon umano kay Roxas, tinupad ng dalawang namayapang pulis ang kanilang tungkulin at binayaran nila ito ng pagsasakripisyo kaya ang dalawa aniya ay bayani ng ating bansa.

Binati ng Kalihim ang buong kapulisan sa aniya’y ipinamalas nilang kakayahan sa pagpanatili sa katahimikan, kaayusan at katotohanan sa May 13 mid-term elections.

Ang katatapos na halalan ay itinuturing na masmapayapa kumpara sa eleksyon nung 2010 at 2007. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)

 
#

Balitang Masbate

Gun ban, may bisa hanggang Hunyo 12; Dalawa pang armado, naaresto
By Ernesto A. Delgado
 
LUNGSOD NG MASBATE, Mayo 20 (PIA)– Bagamat tapos na ang halalan at naiproklama na ang mga nanalo, ang pagbabawal na iniutos ng Commission on Elections sa pagdadala ng baril ay mananatiling may bisa sa Masbate at ibang bahagi ng bansa.

Ang paalalang ito sa publiko ay ibinigay kanina ng hepe ng Philippine National Police sa Masbate kasabay ng pagsisiwalat sa pagkakaaresto sa dalawang armadong lalaki dahil umano sa paglabag sa naturang gun ban.

Ayon sa PNP provincial director na si Senior Supt. Heriberto Olitoquit, ang dalawang suspek ay inaresto nung nakaraang Biyernes sa loob ng Masbate Provincial Hospital compound kasunod ng pagkakasamsam ng kanilang .45-caliber pistol at .38-calibre revolver at mga bala para sa naturang armas.

Ayon sa pusliya, ang isang 22 taong gulang na lalaki ay kasapi ng Citizen’s Armed Forces Geographical Unit o CAFGU at nakatalaga sa 22nd Infantry Brigade na nakabase sa Barangay Malinao, Libmanan, Camarines Sur.

Sa isang banda, ang 18 taong gulang na naaresto ay nagmula sa Barangay Halabang Taytay, Esperanza.

Nagsumbong ang ilang residente sa pulisya tungkol sa dalawang armado na umano’y natanawang pumasok sa sa ospital kaya hindi na nakapalag ang dalawa nang makuha ng mga operatiba ang kanilang mga armas.

Paalala ni Olitoquit, “Ang nationwide gunban na nagsimula nung Enero 13 ay mananatiling umiiral hanggang sa katapusan ng election period sa Hunyo 13.” (MAL/EAD-PIA5 Masbate)

 
#

Balitang Masbate

Kaalyado san gobernador san Masbate, bumandera sa karera pagka-meyor
By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Mayo 16 (PIA) — Proklamado na an tanan na mga gumana sa karera sa pagka-meyor sa pirilian sa probinsya san Masbate, kag kadamuan sa mga ini mga kaalyado san elihido na gobernador.

Sa kabilugan na 20 na munisipyo san probinsya, 13 sa inda guin pamunuan san mga meyor na kalinyada ni Governor Dayan Seachon-Lanete.

Pito lang an kaalyado san mamierdi na pangontra ni Lanete na si Rep. Tony Kho an pinalad na gumana sa inda reelection bid, mientras upat sa incumbent mayor na tagasuporta ni Kho an wara makalusot sa eleksyon.

Si Kho na naging gobernador san Masbate tuna 1998 hasta 2007 kag kumandidato yana na pirilian kontra kan Lanete agod bawion an gahum sa kapitolyo na nasungkit naman ni Lanete san mapierdi sani an asawa ni Kho san 2010.

Sa pag-analisar san mga pulitiko sa Masbate, mas lalo kumusog an hawid ni Lanete sa pwersa sa pulitika sa probinsya kay apwera na mayorya san meyor na gumana kaalyado niya, lampas sa katunga san mga masunod na maingkod sa junta probinsyal o sangguniang panlalawigan kaalyado san gobernador.

Wara pa maproklamar si Lanete kag san iya bise gobernador na si Vicente Revil, sa guihapon base sa kabilugan na boto na ipinakita san Comelec Transparency Server, lampas 21,000 na boto an abante ni Lanete kan Kho. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)

#

Balitang Masbate

Apisar san tensyon, damo na botante an bumuto sa ciudad san Masbate
By Rogelio Lazaro
 
CIUDAD SAN MASBATE, Mayo 13 (PIA)– Sa tunga san banta san saramok kag wala tuo na alegasyon san vote-buying, matawhay an botohan sa poblacion san ciudad san Masbate.

Isad ka-oras antes mag-abre an polling precincts sa Restituta Medina Elementary School sa barangay Ibingay didi kanina, haros lima na bus na an kahalaba san pila san mga botante.

Wara maibitari na naobserbaran san mga botante an dako na diperensya san eleksyon yana kumpara san nakaligad na pirilian.

Primero, dili pareho san eleksyon san tuig 2010, wara san mga kabataan na nagapantunol san sample ballots kag campaign posters kag leaflets sa agihan kag sulod san eskwelahan.

Ikaduha, tama an hiwag san poll watchers kag padayon sinda na selinsyo kag dili makiaram sa mga botante.

Pangtulo, padayon man an mga nagabantay na pulis sa distansiya na guin takda san Commission on Elections.

Kag pinaka-impotante sa tanan, wara san makikita na hayag na nagapamakal san boto sa agihan san polling centers na haros talamak naman na guina himo san nakaligad na botohan.

Apisar sani, wara man naibetaran na mag-init an ulo san kadamuan san mga nagapila na botante san udongon san election inspector an botohan sa unom na presinto sa Restituta Medina Elementary School banda alas 8:00 kanina.

Nagmalfunction an Precinct Count Optical Scanner o PCOS machine na ginagamit sa nasambit na unom na presinto kaya naghalaba san waros walo na bus an pila san botante.

Guin testingan san PCOS technician an man-iba-iba na paagi san pagsaksak san balota.

Kumalma lang ang mga botante pakatapos san haros isad kaoras na pagpahuway san makina kag umandar guihapon ini. (RAL)

 
#
 

BALITANG MASBATE

Mabilis na tulong, naibigay mga biktima ng sunog sa Masbate
By Ernesto A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Mayo 9 (PIA) — Agad na nakatanggap ng pagkalinga mula sa pamahalaan at Red Cross ang mahigit 80 pamilyang nawalan ng tahanan sa sunog na tumupok ng ilang dosenang kabahayan noong Martes, Mayo 7, dito.

Sa mga ulat ng lokal istasyon ng radyo na dyME, inilikas ng mga kaanib ng Masbate City Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga nasunugan sa Barangay Hall at Day-Care building kung saan ang mga biktima ay binigyan ng pagkain at kagamitang pantulog tulad ng banig, unan at kumot.

Kaagapay ng disaster council sa pag-aksyon ang lokal na chapter ng Red Cross na namahagi rin ng relief goods sa mga nasunugan na nabigong maisalba ang kanilang mga personal na kagamitan dahil sa napakabilis umano ng kumalat na apoy.

Bandang alas 2:15 ng hapon nang maglagablab ang isa sa kabahayan na kanugnog ng city fish port at pamilihang bayan. Sa lakas na ihip ng hanging amihan, mabilis na tumawid ang apoy at nilamon nito ang mahigit 70 magkakadikit na kabahayan bago ito naapula ng mga bumbero.

Ayon sa mga biktima, walang napaulat na nasawi o nasaktan sa sunog subalit natupok ang tinatayang P3-milyong halaga ng ari-arian ng mga pamilyang karaniwang pagtitinda sa palengke ang ikinabubuhay.

At kung may konsolasyon silang natanggap sa gitna ng trahedya, ito anila ay ang mabilis na pag-aksyon ng pamahalaan sa kanilang kagipitan.

Napag-alaman kay Disaster Risk Reduction and Management Officer Jerry Guadayo na inaasikaso na ng kanyang tanggapan ang pamamahagi ng materyales sa konstruksyon.

Ayon kay Guadayo, iniutos ni City Mayor Socrates Tuason ang pamamahagi ng yero, coco lumber, pako at iba pang materyales na kailangan sa agarang pagtayo ng mga tahanan ng mga nasunugan upang mabawasan ang abala sa kanilang paghahanapbuhay.

Bukod sa pamahalaang panlungsod, kumilos na rin ang Department of Social Welfare and Development at pamahalaang panlalawigan upang makatulong sa mga nasunugan. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)

 
#

Balitang Masbate

Pulis, pinaghahandaan na ang rodeo festival at semana santa

LUNGSOD NG MASBATE, Marso 11 (PIA) – Hindi lang ang pagdis-arma sa private armed groups at pagtugis sa mga kriminal ang pinagkakaabalahan ngayon ng pulisya sa lalawigan ng Masbate.

Sa pulong na ipinatawag ng Commission on Elections nung nakaraang Biyernes, sinabi ni Masbate Police Provincial Director Heriberto Olitoquit na pinaghahandaan na rin ng mga pulis ang pagsisimula ng bakasyon sa mga paaralan at pagdiriwang ng Semana Santa, Rodeo Masbateño, Flores de Mayo at piyesta sa mga kanayunan.

Bilang karagdagan sa random checkpoints at patrols na isinasagawa kaugnay ng election period, sinabi ni Olitoquit na magtatayo rin ng police assistance desks sa mga matataong bahagi ng lalawigan.

Gayunpaman, binigyang diin ni Olitoquit na nanatiling pangunahing tungkulin nila ang pagbuwag sa private armed groups na sinisisi sa asasinasyon ng apat na kandidato, kabilang ang isang tumatakbong bise-alkalde.

Ang sunod-sunod na pamamaslang ang nagbunsod sa Comelec na pulungin ang Provincial Joint Security Coordinating Committee (PJSCC).

Ayon kay Provincial Election Supervisor Noriel Badiola, isinasaalang-alang ng Comelec ang paglalagay sa Masbate sa ilalim ng poll body.

#

Balitang Masbate

Maagang paglutas sa pamamaslang sa 2 kandidato sa Masbate, iniatas sa special task force

LUNGSOD NG MASBATE, Marso 5 (PIA) – Isang special investigation task group ang binuo ng pulisya upang mapabilis ang paglutas sa pamamaslang sa dalawang kandidato sa lalawigan ng Masbate na naganap sa loob lamang ng 24 oras nang nakaraang linggo.

Inihayag ng spokesperson ng Masbate police na Haidelyn Pimentel na kumikilos na ang pinakamahusay na imbestigador ng task group para agad na makilala at maareasto ang dapat na managot sa pamamaril na ikinasawi nina Barangay Captain Isagani Lupango at Municipal Councilor Ladislao Macuha at ikinasugat ng isang eyewitness.

Si Lupango na pangulo rin ng Association of Barangay Captain ay tumatakbong vice mayor sa bayan ng Mobo. Si Macuha naman ay nagnanais na muling mahalal sa kanyang posisyon sa bayan ng Balud.

Ayon kay Masbate Police Provincial Director Heriberto Olitoquit, bagama’t pulitika ang tinitingnan nilang dahilan ng pamamaslang, hindi rin isinasantabi ng pulisya ang iba pang maaaring motibo.

Batay sa ulat ni Olitoquit, si Lupango ay papalabas sa sabungan sa kanyang bayan bandang alas 4:40 ng hapon noong Sabado nang barilin ng isang di pa nakikilang lalaki.

Sa tinamong sugat sa tiyan at hita, si Lupango ay nalagutan ng hininga sa isang ospital sa lungsod ng Masbate.

Bandang alas 3:30 ng hapon nang sumunod na araw ng Linggo, si Macuha naman ang tinambangan at binaril ng mga di kilalang kalalakihan habang ang konsehal ay may kinakausap sa barangay San Andres, Balud.

Agad na nalagutan ng hininga si Macuha samantalang kritikal naman ang kalagayan ni Florido Villalobos matapos na tamaan din ito ng bala habang kausap si Macuha.

Ayon kay Olitoquit, mismong si Police Deputy Regional Director Arnold Albis na tumatayo ding commander ng Regional Special Operations Task Group ang mangangasiwa sa pag-iimbestiga ng task group.

Hangad ng mga opisyal na agad na malutas ang pagpaslang sa dalawang kandidato dahil umano sa hinahamon ng kasong ito ang pagsisikap ng mga otoridad na mahadlangan ang marahas na hakbang sa panahon ng kampanya at halalan.

#

Balitang Masbate

2 bahay natupok sa Masbate sa pagsisimula ng fire prevention drive

LUNGSOD NG MASBATE, Peb. 28 (PIA) – Tinupok ng apoy ang dalawang bahay sa pangkomersyong bahagi ng lungsod ng Masbate kamakalawa habang muling nanawagan ang mga awtoridad sa mga residente na maging maingat sa mga darating na mga buwan ng tag-araw.

Ayon kay Supt. Rodolfo Abella ng Masbate City Police Station, ang sunog sa Mabini Street ay nagsimula bandang alas 5:35 ng hapon sa isang residential building at sa paypay ng pakanlunrang hangin, ito’y mabilis na tumawid sa katabing bahay.

Gayunpaman, tiniyak ni Abella na walang naiulat na nasawi o nasaktan.

Ayon sa tagapagsalita ng Masbate City Fire Station na si Victor Pascual, paulit-ulit silang nagbibigay ng babala sa mga residente tungkol sa sunog dahil sa papalapit na ang mga buwan ng tag-init.

Binigyan diin ni Pascual na ang mga buwan sa tag-init ay mga buwan ng pag-iwas sa sunog.

Sinabi ni Pascual na habang inaapula ng mga bombero ang apoy pinamahalaan naman ng iba’t ibat pangkat ng pulisya ang dumadagsang ususero at trapiko ng sasakyan kaya matagumpay na nailigtas sa kapahamakan ang mga nakatira sa dalawang bahay.

Aniya, sa pagtutulungan ng mga kaanib ng Bureau of Fire Protection at pulisya, naapula ang apoy sa loob ng 30 minuto.

Ang Fire Prevention Month ay ipinagdiriwang tuwing Marso dahil ito ang simula ng tag-init, ang panahon na madaling magliyad ang mga tahanan.

#

Balitang Masbate

Church leaders, Comelec at concerned citizens nananalangin ng divine intervention

LUNGSOD NG MASBATE, Peb. 25 (PIA) – Ipinamalas ng religious leaders sa Masbate nang nakaraang Sabado ang kanilang suporta sa Commission on Elections sa pamamagitan ng panalangin sa Lumikha na mamagitan upang matiyak ang kapayapaan sa panahon ng kampanya at sa araw ng botohan sa Masbate sa Mayo a-13.

Sina Pastor William Sahagun ng Masbate Baptish Church at Masbate Bishop Jose Bantolo ang kabilang sa religious leaders na nakiisa kay Comelec Regional Director Romeo Fortes sa prayer rally na ginanap sa isang coliseum sa lungsod ng Masbate. Naroon din si Pastoral Council for Responsible Voting chairperson Henrietta de Villa at Masbate Advocates for Peace convenor Judge Igmedio Camposano.

Ang eleksyon sa Masbate ay pinangangambahang mauwi sa karahasan dahil sa maigting na pag-aagawan sa kapangyarihan ng ilang lokal na pulitiko.

Pinangunahan ni Pastor Sahagun ang sabayang pagbibikas ng ecumenical prayer, na nagsumamo sa kalangitan na tulungan ang Masbate upang maisagawa ang mapayapa at malinis na halalan.

Ipinanalangin din na ang Comelec at Philippine National Police at iba pang tanggapan ng pamahalaan na may kinalaman sa halalan ay ipatupad ang batas sa eleksyon ng walang pag-aalinlangan, patas at walang kinikilingan.

Hiniling din na bigyang lakas ang mga botante upang sila’y hindi magbenta ng kanilang boto at hindi magpadala sa pananakot ng mga kandidato o ng kanilang mga tauhan.

Ipinagdasal din sa itaas ng mga kandidato ang level ng kampanya sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang platform of government sa halip ang nakasanayang character assassination.

Bago ang prayer rally, nagmartsa sa pangunahing kalsada ng lungsod ang mahigit 3,000 tao upang ipabatid sa mundo na ninanais ng mamamayan ng Masbate ang katapusan ng patayan dahil sa pulitika na nagsisilbing balakid sa pag-unlad ng lalawigan.

Kabilang sa ilang pulitiko ang sumali sa pagmamartsa ay sina incumbent governor Dayan Lanete at ang dating gobernador Olga Kho na tumatakbo para sa pwesto sa Kongreso ng ikalawang distrito ng Masbate.

Bago naghiwalay ang mga sumali sa prayer rally, ang mga kandidato ay lumagda sa isang kasunduan na hindi sila gagamit ng dahas at pandaraya sa eleksyon.

#

Balitang Masbate

Masbate news: Dies mil, magatalibud sa Masbate para sa matuninong kag patas na eleksyon

CIUDAD SAN MASBATE, Peb. 19 (PIA) – Dili mahamubo sa dies mil katawo an ginalaom na magamartsa sa ciudad san Masbate sa maabot na Sabado, Pebrero 23, sa pagporbar na ipakita an inda pagsuporta kag paghangyo san trangkilo kag waran daya na pirilian sa Mayo.

An magamartsa na mga estudyante, pulis, militar, empleyado san gobierno kag pribado, negosyante, lider san manlain-lain na simbahan kag san sin-o man na naga maw-ot san social change sa Masbate, pagapangunahan ninda Comelec Chairman Sixto Brillantes, PPCRV chairperson Henrietta de Villa, kun inda batunon an imbetasyon san Masbate Advocates for Peace o MAP.

Ang MAP guina komponer san mga propesyonal, negosyante, militar, pulis kag ordinaryo na pumuluyo na naga maw-ot na mabugto an serye san saramok kawsa san pag-aragaw san gahum san mga lokal na pulitiko.

Segun kan MAP convenor Judge Igmedio Camposano, an tulo ka-kilometro na pagamartsa sa kamino san cuidad magatuna eksakto alas sais san aga.

Sa nakaligad na mga dekada, guina sabi na ang pulitika sa Masbate guina desisyunan paagi sa punta sa badil kag dili paagi sa balota.

Antes umabot an bulan san Enero, duha na nagadalagan para sa sangguniang bayan sa munisipyo san Aroroy kag Balud an napatay.

Agod maibetaran an pag-ilig san dugo, nagdagdag na san pwersa an pulis kag militar.

Sa pirilian san tuig 2010, an MAP an nanguna sa pinaka-primero na pagmartsa para sa matuninong kag patas na eleksyon na guin tambungan san lampas sa kwatro mil katawo sa ciudad san Masbate.

An dako na hunga san mga nagamasid kun an irog sani na pagmamartsa sa kamino san ciudad san Masbate an dalan para matapos na an madugo na kasaysayan san pulitika sa Masbate.

 
#

Balitang Masbate

Kabuhayan iginawad sa mga nagbabagong buhay na parolado, probationers sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Peb. 12 (PIA)–Napasakamay ng 12 parolado at probationers sa Masbate ang isang malaking dahilan kung bakit iiwasan na nilang bumalik sa piitan.

Sa isang simple at maikling okasyon na ginanap sa Parole and Probation Office nang nakaraang Huwebes, iniabot ng hepe ng Department of Labor and Employment ang sari-saring kasangkapan na makakatulong upang magamit nila ang kanilang kasanayan sa paghahanapbuhay.

Sa batas ng Pilipinas, ang probationer ay nahatulan sa kanyang nagawang krimen subalit suspendido ang kanyang sentensya at ginawaran ng pansamantalang kalayaan sa pangakong maganda ang kanyang pag-aasal.

Sa kabilang dako, ang parolado ay pinalaya sa piitan bago pa matapos ang kanyang sentensya at mananatili siya nasa pagsubaybay ng otoridad. Maaari siyang ibalik sa kulungan sa oras na kayang labagin ang kondisyon ng kanyang paglaya.

Iniaabot ni DOLE provincial officer Carlos Onding ang welding machines, electric plainer, grinder, water compressor, motorboat engine, fishnet at carpentry tools para sa may kasanayan sa welding, pag carwash, pangingisda at pagkarpintero.

Bukod sa mga naturang kasangkapan, ilan sa mga benepisyaryo na mahina ang kasanayan ang binigyan ng tinatawag ng DOLE na “kabuhayan starter kit.”

Ayon sa mga benepisyaryo na ating hiningan ng reaksyon, ang mga libreng kasangkapan sa hanapbuhay ang nagbigay sa kanila ng pag-asa na tuluyang makapagbagong-buhay.

#

Balitang Masbate

Pedestrians at mga motorista, inabutan ng “thank you” letters ng mga pulis

LUNGSOD NG MASBATE, Peb. 7 (PIA) – Pulis, nag-abot ng thank you letters, mistulang musika sa pandinig ng kapulisan sa Masbate ang napaulat na pagsirit ng public satisfaction rating ng Philippine National Police kaya nagdulot umano ang balitang ito ng adrenalin rush sa mga unipormadong lingkod bayan dito.

At upang ipabatid sa taumbayan ang kanilang tugon sa publiko, kahapon ay nag time out muna ng ilang minuto ang ilang pulis sa pagganap sa kanilang tungkulin bilang crime busters.

Ang mga unipormadong pulis na ito ay personal na nag-abot sa pedestrians at mga motorista sa lungsod ng Masbate ng kanilang sulat na naglalaman ng kanilang pasasalamat kaugnay ng lumabas na opinion polls na anim sa bawat sampung Pinoy ay kuntento sa performance ng PNP nang nakaraang taon.

Tricylces drivers, estudyante, vendors at mga motorista ang karamihan sa naabutan ng kanilang “thank you” letters.

Ang 50% net satisfaction rating ng PNP ang resulta umano ng opinion survey na isinagawa ng Social Weather Stations.

Itinuturing naman ng Masbate police deputy provincial director for operations na si Supt. Jeffrey Fernandez na panibagong driving force ang ganitong satisfaction rating kaya makakaasa umano sa mga unipormadong tauhan ng mas pinag-ibayong paglilingkod at pangangalaga sa mga buhay at ari-arian ng taumbayan.

#

Balitang Masbate

PNP sa Bikolandia, nangangalap ng dagdag na tauhan

LUNGSOD NG MASBATE, Peb. 6 (PIA) – May bagong pagkakataon ang nangangarap na maging alagad ng batas na makapasok sa Philippine National Police dahil nangangalap ito ng mahigit 400 na dagdag na tauhan at 15 nito ay huhugutin sa Bicolandia.

Batay sa patalastas na inilabas kahapon ng deputy provincial director ng PNP sa Masbate na si Supt. Jeffrey Fernandez, ang mga interasado ay maaring maghain ng kanilang aplikasyon sa municipal police stations.

Ang matatanggap na aplikante ay panunumpain sa darating na Marso 1 at sasabak sa isang taong pagsasanay bago sila gawaran ng ranggong police officer 1.

Ipinaalala ni Fernandez na ang aplikasyon ay dapat maihain ngayong araw o bukas, Pebrero 7, ang huling araw na ito ay tatanggapin sa police stations.

Ang detalye ng sari-saring dokumento na kailangan isumite ay malalaman sa police stations at sa website ng PNP (www.pnp.gov.ph).

Ayon kay Fernandez, ang PNP ay nangangalap ng 454 na karagdagang tauhan dahil hindi umano sapat ang 519 na kinalap para sa huling semestre ng taong 2012 bunsod ng pagkaalis sa serbisyon ng maraming unipormadong tauhan nang nakaraang Disyembre.

PNP.GOV.PH: Philippine National Police
www.pnp.gov.ph
Philippine National Police

Balitang Masbate

DILG, tutustusan ng P43.65M ang water supply projects sa 11 bayan sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Peb. 5 (PIA) – Eksaktong 11 bayan sa Masbate na salat sa inuming tubig ang nilaanan ng Department of the Interior and Local Government ng panustos sa kanilang water supply projects.

Sa ilalim ng Sagana at Ligtas na Tubig sa Lahat o SALINTUBIG Program ng kagawaran, may kabuuang P43.65M ang inilaan sa 11 bayan na tinukoy ng National Anti-Poverty Commission na kasama sa 455 “waterless” municipalities sa bansa.

Ayon sa kalatas na natanggap dito, ang 11 benepisaryo sa Masbate ay ang mga bayan ng Aroroy, Balud, Cawayan, Mandaon, Milagros, Monreal, Palanas, Placer, San Jacinto, San Pascual at Uson.

Ayon kay Edna Apalit ng DILG Masbate, ang SALINTUBIG Program ang kontribusyon ng DILG sa pagsisikap na mabigyan ng maiinom na tubig ang buong kapuluan.

Ang programa din anya ang ambag ng DILG sa hangarin na malinaw na nakasaad sa Philippine Development Plan ng administrasyong Aquino.

#

Balitang Masbate

300 humanitarian workers ikinalat ng Red Cross sa Ticao Island

LUNGSOD NG MASBATE, Peb. 4 (PIA) – Inaalok ng Red Cross sa mga maralitang pamilya sa Ticao Island na bahagi ng lalawigan ng Masbate ang sari-saring skill building services upang sila’y makatawid sa hamon na dulot ng kahirapan at climate change.

Mahigit 300 humanitarian workers ng Red Cross ang naiulat na nagbabahay-bahay sa mga depressed areas sa Ticao Island upang turuan ang mga tagabaryo ng mga simpleng paraang magpapagaan sa pamumuhay at paghahanda sa malupit na klima.

Bukod sa kabahayan, dinalaw din ng mga humitarian workers ang mga paaralan upang giyahan ang mga guro at mag-aaral sa mga pagsasanay bilang paghahanda sa panahon ng sakuna na dulot ng lindol, bagyo at iba pa na dulot ng kalikasan.

Sa pagtuturo ng humanitarian workers, natututo din umano ang mga bata ng basic hygiene katulad ng paghuhugas ng kamay upang makaiwas sa mga nakakahawang sakit.

Ang humanitarian workers ay sinangkapan ng Red Cross ng health kits. Sinikap din ng Red Cross na maitatag ang pasilidad sa water sanitation sa mga baryo na may mataas na bilang ng nagkakasakit dahil sa maruming tubig.

Maituturing ng ilang na maliit na hakbang lamang ito, subalit para sa mga humanitarian workers, pangmatagalan at malaking pagbabago ang idudulot nito sa gawi ng mga tagabaryo.

Ayon kay Marie Jane Oxemer na nagsisilbing coordinator ng limang-taong proyekto, ang 300 humanitarian workers ay binigyan ng pagsasanay ng Red Cross nang taong 2010.

Sinabi ni Oxemer na mananatili ang proyekto hanggang sa susunod na taon.

Ayon pa sa kanya, katulong sa proyekto ng Red Cross ang local government units sa Ticao Island at ang pamahalaan ng Espanya.

#

Balitang Masbate

Isa pang most wanted sa Bicolandia nasukol ng PNP election task force

LUNGSOD NG MASBATE, Enero 25 (PIA) – Arestado sa Burias Island ang isang most wanted sa Bicolandia matapos itong abutan ng mahabang kamay ng batas kamakalawa.

Si Pedro Mahayag, Jr. na halos isang taong pinagtaguan ang mga tumutugis sa kanyang murder case sa kanyang hometown sa Pio V. Corpuz ay nasukol sa bayan ng Claveria ng election task force ng Philippine National Police.

May patong na P90,000 kanyang ikadarakip, si Mahayag ang pangalawang regional most wanted na nahulog sa kamay ng PNP Regional Special Operations Task Group ngayong Enero.

Dalawang Miyerkules lamang ang nakalipas nang maaresto ng kaanib ng RSOTG ang pangwalong regional most wanted na kinilala sa pangalang Felix Espinosa, Jr.

Katulad ni Mahayag, si Espinosa na naaresto sa bayan ng Aroroy ay pinaaresto ng hukuman dahil sa kasong pagpatay.

Ayon sa RSOTG commander Sr. Supt. Arnold Albis, umaasa silang babagsak sa kanilang kamay ang iba pang tinutugis na kriminal sa Masbate bago idaos ang halalan sa May 13 upang mahadlangan ang posible umanong pag-anib nila sa mga partisan armed groups (PAGs).

Ang pagdis-arma sa PAGs ay upang hindi ito makapaghasik ng gulo sa panahon ng eleksyon ang umano’y pangunahing misyon ng RSOTG.

#

Balitang Masbate

28 mangingisda na dumayo saTicao Island, arestado

LUNGSOD NG MASBATE, Enero 24 (PIA) – Inaresto kahapon ng mga pulis ang 28 katao na lumabag umano sa batas nang sila’y mangisda sa dagat na sakop ng Ticao Island.
Bukod sa pag-aresto, nakumpiska rin ng mga pulis ang limang lantsa at lambat na ginamit ng mga mangingisda na napag-alamang nagmula sa bayan ng Mobo na bahagi ng isla ng Masbate.

Ang Ticao at Masbate ang pinakamalaking isla na bumubuo sa lalawigang ng Masbate.

Ayon sa namuno sa mga umarestong pulis na si Insp. Dedimo Ibañes, inaakusahan nila ang 28 mangingisda ng paglabag sa Philippine Fisheries Code dahil umano sa paggamit ng ring-net na itinuturing na active gear kaya hindi maaaring gamitin sa teritoryo ng Ticao Island.

Iniulat ng Provincial Police Office sa lungsod ng Masbate na dalawa sa mga lantsa ay pagmamay-ari ng barangay captain ng Marintoc sa Mobo at ang nalalabing tatlo ay propyedad na isang retiradong provincial treasurer.

Kinilala sa ulat ang barangay captain na s Ely De Mesa at ang retiradong treasurer na si Avelino Badillo.

Kasalukuyang nasa pag-iingat ng police station sa bayan ng Batuan ang mga arestadong mangingisda at kumpiskadong lantsa, lambat at iba pang paraphernalia.

Sa nakalipas na dekada, naramdaman ang masamang epekto ng overfishing sa coastal waters ng Masbate kaya pinaigting ng mga alagad ng batas ang pagbabantay laban sa labis na nakakasirang mga paraan ng pag-ani sa yamang-dagat.

#

Balitang Masbate

Kanlungan umano ng mga armadong grupo sa Masbate, sinalakay ng pulis

LUNGSOD NG MASBATE, Enero 15 (PIA)—Isang kilalang kanlungan ng mga armadong grupo na naninilbihan umano sa mga makapangyarihang pulitiko sa lalawigan ng Masbate ang sinalakay ng mga operatiba ng Philippine National Police nang nakaraang Sabado.

Sa ulat ng Regional Special Operations Task Group (RSOTG), naaresto at nadisarmahan ng mga operatiba ang dalawang pangunahing kasapi ng pangkat Arizobal sa kanilang lungga sa Sitio Masisi, BarangayGregorio Aliño, bayan ng Dimasalang.

Ayon kay RSOTG commander Senior Supt. Arnold Albis, ang dalawang armado ay ang magkapatid na sina Ariel Arizobal , 39 anyos, at Armie Arizobal, 34.

Dinala sa provincial headquarters ng pulis ang magkapatid at agad na sinampahan ng kaso sa piskalya. Ayon kay Albis, maaaring pansamantalang makalaya ang dalawang akusado kung papayagan silang makapagpiyansa.

Ihahaing ebidensya laban sa dalawa ang mga nasamsam sa magkapatid na isang hand grenade, isang rifle grenade, dalawang .45-cailber pistols at isang .38-calber revolver.

Bukod sa mga granada at mga baril, nakumpiska rin umano sa dalawang suspek ang mga bala para sa iba’t ibang mga armas, kabilang ang munisyon para sa 5.56mm assault rifle.

Ayon kay Masbate Police Provincial Director Heriberto Olitoquit, nagawang makakuha ang RSOTG ng search warrant sa lugar ng mga Arizobal.

Ang paglusob ay bahagi aniya ng kampanya na lansagin ang mga partisan armed groups na nagbabanta sa pagdaos ng matiwasay na halalan sa Masbate.

Ang Masbate ay may mahabang kasaysayan ng pamamaslang sa panahon ng eleksyon dahil sa mainit na karera sa pulitika at dahil sa paglipana ng mga hindi lisensyadong baril at mga armadong grupo na kontrolado ng mga pulitiko.

Nang nakaraang buwan, dalawang tumatakbo sa sangguniang bayan sa bayan ng Aroroy at bayan ng Balud ang pinaslang ng mga pribadong armadong grupo.

Bago pa nagsimula nang nakaraang Linggo ang limang buwang election period, nagdagdag na ang pulis at militar ng kanilang pwersa upang pigilin ang pamamaslang ng mga armadong grupo sa mga karibal ng kanilang mga panginoon.

 
#

Balitang Masbate

Ilang barangay officials, force multiplier sa crackdown vs. loose firearms

LUNGSOD NG MASBATE, Enero 3 (PIA) – Bagama’t ilan sa mga naunang kaso ng illegal possession of firearms sa Masbate ay barangay officials ang akusado, ang ibang opisyal naman ng barangay ay tumutulong sa pulisya sa crackdown nito sa loose firearms.

Ang ganitong partnership ay nagbubunga ng maganda sa ilang bahagi ng lalawigan na suliranin ang hindi lisensyadong baril ngayong panahon ng halalan.

Pinakahuling halimbawa nito ang pagkumpiska ng mga opisyal ng Barangay Royroy sa bayan ng Batuan sa isang submachine gun.

Ayon sa ulat ni PNP Masbate Provincial Director Heriberto Olitoquit, nasamsam ang isang 9mm-caliber Ingram mula sa isang sibilyan na kinilalang Ali Llabares alias “Butchoy” na nanininarahan sa nasabing Barangay.

Sinabi ng police official na naturn-over na ni Barangay Kagawad Ely Abaño Sr. ang kumpiskadong baril sa Batuan Municipal Police Station.

Ayon kay Olitoquit, inihahanda na ng pulisya ang kasong kriminal laban kay Llabares dahil sa illegal possession ng submachine gun.

Ang Masbate ay isa sa mga itinuturing ng Department of the Interior and Local Government bilang “high risk areas” ngayong panahon ng eleksyon dahil marami umanong baril mula sa black market ang nasa kamay ng mga sibilyan at pinangangambahan umanong gamitin sa mainit na tunggalian ng ilang makapangyarihang pulitiko.

Patuloy din na kumakatok ang mga pulis sa pintuan ng bahay ng mga may-ari ng baril na hindi naiharap sa licensing renewal.

Ayon sa Masbate Police provincial operations officer Chief Insp. Roderick Campo, layunin ng hakbang na ito ng pulisya sa Masbate na malaman ang status ng mahigit 2,000 firearms na may expired licenses sa Masbate.

Sinabi ni Campo na may 2,178 ang hindi nag-apply para sa renewal ng kanilang mga baril at sa pamamagitan ng pagbisita sa kanila inaasahang malalaman aniya ng pulisya kung bakit hindi nila ito na-renew at kung nasaan na ang mga nasabing baril.

Ang mga hindi lisensyadong armas at mga baril na hindi na renew ang lisensya na hindi naisuko sa pulisya ay target aniya ng operasyon ng pulisya.

 
#

 

Balitang Masbate

Repair ng Masbate airport, tiniyak ng CAAP

LUNGSOD NG MASBATE, Dis. 27 (PIA) – Naglaan ng P15 million ang Civil Aviation Authority of the Philippines para sa pagsasaayos ng runway sa Masbate City na inaasahang maisasagawa sa lalong madaling panahon.

Ito ang tiniyak ni CAAP chief of staff Artemio Orozco sa kanyang sulat na natanggap ng tanggapan ni Masbate City Mayor Socrates Tuason.

Sumusulat si Orozco sa ngalan ni CAAP Director William Hotchkiss bilang sagot sa pakiusap ng alkalde na kumpunihin ang paliparan sa kanyang lungsod upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at eroplanong gumagamit nito.

Ayon kay Orozco, isinasagawa na ang detailed engineering ng proyekto at kaagad idadaos ang bidding nito upang ito aniya ay agad maipatupad.

Sa kasalukuyan, ang Zest Air at Air Philippines ang bumibiyahe rutang Manila-Masbate-Manila araw-araw.

Inihayag din ni Tuason sa kanyang sulat kay Hotchkiss na hinihintay lang umano ng Cebu Pacific na maayos ang naturang runway at apron nito bago bumiyahe ang airline ng rutang Cebu-Masbate-Cebu.

Mas gaganda aniya ang kalakalan ng Masbate at Cebu sa oras na matupad ang Cebu-Masbate flights ng Cebu Pacific.

#

Balitang Masbate

Serye ng ng karahasahan sa mga punong barangays tinatalakay ngayon sa pulong ng peace council

LUNGSOD NG MASBATE, Dis. 17 (PIA) – Tinatalakay ngayon sa pulong ng Masbate Peace and Order Council ang mga insidente ng karahasan na nararanasan ng ilang punong barangays sa kamay ng mga pinaghihinalaang private armed groups.

Ang pulong na nagsimula ilang minuto ang nakalipas ay ipinatawag ni Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete kasunod ng likidasyon kay Edwin Amaro na kandidato sa sangguniang bayan ng Aroroy. Ang biktima na kapitan din ng Barangay Luy-a at nasa tiket ng Nationalist People’s Coalition ay binaril sa harap ng kanyang bahay ng hinihinalang mga kasapi ng private armed group.

Tatalakayin din ang mga insidente ng harassment o panliligalig na ginawa kamakailan ng mga armadong grupo sa ilang iba pang punong barangays sa lalawigan.

Ayon kay Interior and Local Government Masbate Provincial Director Renato Alaurin, tatasahan aniya ng hunta ang crime index noong nakaraang eleksyon ng taong 2004, 2007 at 2010 upang makagawa ang hunta ng estratihiya sa paghadlang sa karahasan na pinangangambahan dahil sa papalapit na 2013 elections.

Ang Masbate ay kasama sa 15 areas na itinuturing ng Philippine National Police na “high risk” kaugnay ng halalan sa Mayo at ang mga sariwang kaso ng pag-atake sa ilang punong barangay ay nagpapatibay sa pangambang ito.

#

Balitang Masbate

438 wanted persons naaresto sa 10 buwan

LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 29 (PIA) — Inihayag ngayon ng pinuno ng Masbate Provincial Police Office na eksaktong 438 wanted persons sa lalawigan ang naaresto sa nakaraang 10 buwan.

Sinabi ni Senior Superintendent Heriberto Olitoquit na 11 sa mga naaresto mula Enero hanggang Oktubre ay kabilang sa listahan ng top 20 regional most wanted persons dahil sa iba’t ibang krimen katulad ng murder, rape, homicide, abduction at robbery.

Dalawa din aniya sa mga naaresto ay kabilang sa listahan ng 20 top provincial most wanted persons. Isang provincial most wanted person umano ang namatay sa enkwentro sa mga alagad ng batas.

Ayon kay police provincial director, ang 13 most wanted persons ay pawang may patong na pabuya sa nagturo sa kanilang pinagtataguan. Ang accomplishment na ito umano ang pinakamataas sa rehiyon kaugnay ng “Operation Manhunt Charlie” ng Bicol Police Regional Command.

Ibinigay ni Olitoquit ang kredito sa naturang accomplishment sa aniya ay masigasig na pakikipagtulungan ng mga pamayanan sa mga operasyon ng mga pulis.

Ayon kay Olitoquit, kung walang impormasyon na ibinigay ang concerned citizens at ang commitment ng mga police stations na subaybayan at tugisin sila, maitutuloy ng perpetrators ang kanilang pag-iwas sa batas.

#

Balitang Masbate

123 baril narekober sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 27 (PIA) – Tiniyak ngayon ng pinuno ng Philippine National Police sa Masbate na itutuon ng kapulisan sa lalawigan ang kanilang operasyon sa mga walang lisensyang baril upang mapigilan ang paggamit ng mga ito sa darating na eleksyon.

Sa pagtaya ng pulisya, marami ang baril na dapat na malikom dahil ayon sa hepe ng PNP sa Masbate na si Sr. Supt. Heriberto Olitoquit, baril ang karamihang armas sa krimeng nagaganap sa lalawigan.

Patunay nito ang 123 baril na ayon kay Olitoquit ay nasamsam o narekober ng pulisya sa magkakahiwalay na operasyon mula Enero hanggang sa nakaraang buwan.

Kalahati aniya sa mga nasamsam na baril ay high powered.

Ayon kay Olitoquit, naaresto at nakasuhan ang 82 katao na nag-iingat sa mga nasamsam na baril.

Idinagdag pa ni Olitoquit na ito ang pinakamataas na accomplishment sa kampanya laban sa loose firearms sa rehiyong Bikol.

#

Balitang Masbate

58 bagong pulis idinagdag sa pwersa ng PNP sa Masbate kaugnay ng SAFE 2013

LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 26 (PIA) – Nagsimula na ang paghahanda ng Philippine National Police upang makamit ang SAFE 2013 o safe and fair elections sa Masbate sa pamamagitan ng pagdagdag ng 58 bagong pulis sa lalawigan.

Ikinalugod ni PNP Provincial Director Heriberto Olitoquit ang pagdating ng 58 pulis na ipinadala mula sa police regional headquarters sa Legazpi City dahil mapupunan aniya nito an manpower na kailangan sa pagpapanatili sa kaayusan sa lalawigan sa panahon ng holidays at midterm elections.

Ang Masbate kasama ang Maguindanao at Abra at pitong iba pang lalawigan na mahigpit na banbantayan ng PNP dahil bukod sa lubhang mainit na labanan ng mga makapangyarihang lokal na pulitiko ay may kasaysayan din ng magulong halalan.

Sa pagharap sa kanya ng 58 bagong pulis na pawang police officer 1, nagpaalala si Olitoquit na sila’y maglingkod sa bayan na walang pinapanigang sinuman.

Binalaan din ni Olitoquit an mga ito sa pagkakasangkot sa mga gawaing kriminal.

Binigyan-diin ng opisyal na matatamo lamang nila ang respeto ng pamayanan kung sila’y maglilingkod sa propesyonal na paraan.

#

Balitang Masbate

17 katao na ilegal na nanghuhuli ng tamban, inaresto

LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 23 (PIA)—Inaresto ng mga otoridad ang 17 mangingisda at kinumpiska ang kanilang fishing vessel matapos mahuli ang mga ito na gumagamit ng ipinagbabawal na lambat sa pagsilo ng tamban sa dagat ng bayan ng Balud, Masbate.

Bagaman ang F/B Kim-2 ay nasa labas ng Visayan Sea kung saan pinaiiral ang moratoryo sa tamban at mackerel, ang mga tripulante ng naturang fishing vessel ay nanghuli ng tamban hindi kalayuan sa dalampasigan ng Barangay Jintotolo sa pamamagitan ng “hulbot-hulbot,” bagay na bawal sa R.A. 8550, ang fishery code ng bansa.

Bawal sa fishery code ang hulbot-hulbot sa loob ng municipal waters na sumasakop sa 21 kilometro ng dagat mula sa dalampasigan kaya ayon sa lider ng arresting team na si Police Senior Inspector Baltazar Valenzuela may paglabag ang mga suspek dahil ang lokasyon nila ay limang kilometro lamang mula sa dalampasigan.

Maalalang inalerto ng tanggapan dito ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga otoridad sa posibleng paglusob ng fishing vessels sa fishing grounds sa Bikol na karugtong ng Visayan Sea dahil may pinaiiral na moratoryo sa tamban at mackerel sa Visayan Sea.

Ang 17 suspek na pinamumunuan ng kanilang skipper na kinilalang si Eddie Artillero ay sinampahan na ng kaso sa piskalya ng Masbate.

Ayon kay Valenzuela, dawit sa kaso ang 50-anyos na may-ari ng F/B Kim-2 na kinilalang si Berlito Obidos, residente ng Balud.

#

Balitang Masbate

PNP sa Masbate nagbigay ng ultimatum sa gun holders

LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 22 (PIA) – Pinaigting ng kapulisan sa Masbate ang kanilang kampanya na malisensyahan o malikom ang halos 2,000 baril na walang lisensya sa lalawigan, na inaasam ng mga otoridad na maisakatuparan bago ang bagong taon.

Ayon sa Philippine National Police director sa Masbate na si Sr. Supt. Heriberto Olitoquit, ang kampanya sa Masbate ay bahagi ng paghahanda sa halalan sa susunod na taon.

Batay sa datus na iniharap kahapon ni Olitoquit sa pulong ng Masbate Provincial Law Enforcement Coordinating Council, may 2,178 baril na hindi na-renew ang lisensya sa pagtatapos ng taong 2011 at hanggang kahapon, 188 pa lamang ang tumugon sa kanilang panawagan sa firearms holders na kumuha ng panibagong lisensya.

Dahil dito, sinimulan na ng hepe ng police provincial operations branch na si Chief Insp. Rhoderick Campo ang pagdadaos ng pulong sa bawat bayan upang personal na maipaabot sa 1,990 may-ari ng baril na hanggang Disyembre 16 na lamang ang palugit sa kanila ng police national headquarters.

Ang firearms holders na hindi tutugon aniya ay magiging target ng police operations.

Ayon pa kay Campo, bukod sa firearms holders na hindi nag-renew ng lisensya, target din ng police operations ang mga may hawak ng loose firearms, karamihan nito ay “paltik” o produkto ng pabrika na hindi otorisadong gumawa ng baril.

#

Balitang Masbate

Negosyo sa agrikultura sa Masbate ipapakita sa OFWs

LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 20 (PIA) – Umaasa ang Masbate na maipakita ang oportunidad sa agrikultura sa lalawigan sa pagpapadala nito ng delegasyon sa United Arab Emirates para sa isang pagtitipon ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ang delegasyon na binubuo ng tatlong tao ay tutulak bukas patungong UAE upang samahan ang kanilang counterparts mula sa mga lalawigan ng Oriental Mindoro, Cavite, Laguna, Batangas at Antique sa pagsisimula ng sampung araw na pakikipagpulong sa mga OFWs sa Abu-Dhabi.

Si Agriculture Secretary Proseso Alcala at ang pangulo ng Union of Local Authorities in the Philippines na si Governor Alfonso Umali Jr. ang mangunguna sa buong misyon na binuo ng Atikha, isang nong-government organization na nagtatrabaho para sa OFWs.

Ito ay bahagi ng pagsisikap ng administrasyong Aquino na mahikayat ang OFWs na mamuhunan sa agrikultura sa Pilipinas upang mapaunlad ang sakahan sa bansa at patnubayan sila sa pagpalago ng perang kanilang pinagpagurang kitain sa ibayong dagat.

Magsisilbing punong-abala sa mga gaganaping pagtitipon si Philippine Ambassador Grace Princesa at ang bayanihan, isang network ng mahigit 40 migrant organizations sa UAE.

Ayon kay Amy Danao ng Masbate delegation, ipapakita nila sa mahigit 500 OFWs sa Abu Dhabi ang mga oportunidad at ang inihandang tulong ng pamahalaan sa mga OFWs na desidedong mag negosyo sa lalawigan.

Bukod dito, ipapakita din ng delegasyon ang mga produkto sa ilalim ng “One town, One Product” program na maaring angkatin para sa kunsumo ng OFWs sa UAE.

#

Balitang Masbate

Moratoryo sa Visayan Sea ipapatupad simula bukas

LUNGSOD NG MASBATE, Nobyembre 14 (PIA)—Handa na ang mga otoridad sa pagpapatupad sa apat na buwang moratoryo sa panghuhuli ng sardines at mackerel sa Visayan
Sea.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Director Asis Perez, magpapatrolya sa Visayan Sea ang anim nitong barko upang pigilin ang pangingisda, panghuhuli, pag-iingat, pagbili at pagbenta ng sardines at mackerel sa panahon ng moratorium na magsisimula bukas, Nobyembre 15 at magwawakas sa March 15.

Nasa dakong gitna ng Pilipinas ang Visayan Sea at napapaligiran ito ng inland provinces ng Masbate, Cebu, Iloilo at Negros Occidental. Isa sa pinakamalalaki at produktibong fishing ground ng bansa.

Ang prosedimyento sa pagpapatupad ng moratorium batay sa Fisheries Administrative Order No. 167 ay ipinaliwanag ni Perez sa magkahiwalay na pulong na ginanap sa Masbate at Bohol nang nakaraang Oktubre 28 at Nobyembre 8.

Ayon kay BFAR Masbate provincial chief Jesus Badillo, nakipag-usap aniya si Perez sa law enforcement coordinating councils at mga lokal na pamahalaan ng mga apektadong lalawigan upang makuha ang kanilang suporta at matiyak ang tagumpay ng moratoryo.

Ayon kay Badillos, pangmatagalang pakinabang ang idudulot ng moratoryo sa mangingisda.

Kung hindi magagambala ang sardines at mackerel sa kanilang pangingitlog, ayon kay Badillos makakaasa ang mangingisda na parami ng parami ang kanilang magiging huli.

#

Balitang Masbate

Kakaibang paraan ng pagpulso sa mga kliyente hinggil sa mga serbisyo sa city hall isinagawa sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Nobyembre 12 (PIA) – May pagkakataon na ang sinumang may transaksyon sa city hall ng Masbate na ngumito o sumimangot upang maipahayag ang kanilang saloobin hinggil sa pakikitungo sa kanila ng mga empleyado.

Upang malaman ang client satisfaction sa city hall, hinihikayat ni City Mayor Socrates Tuason ang bawat kliyente na magbigay ng grado sa opisinang kanilang pinagtransaksyunan o dinalaw.

Ang grado ay sa pamamagitan ng paghulog ng icons ng smileys sa kahon na inilagay sa bawat opisina. Ang icons ng smileys at kahon ay makikita sa bawat pintuan ng opisina at katabi ng logbook ng mga kliyente.

Kung nasiyahan sa serbisyo, icon ng nakangiti ang ihuhulog at kung hindi kuntento ang icon na nakasimangot an kanilang ihuhulog.

Ayon kay Marlon Ditan ng Office of Strategy Management, tanging ang kanyang tanggapan ang maaring magbukas sa kandado ng bawat kahon at magbibilang ng score ng bawat opisina.

Ang score aniya ay gagawing batayan sa programa kaugnay sa pagsisilbi sa mamamayan.

Ayon kay Ditan, ang hakbang na ito ay bahagi ng Performance Governance System sa city hall.

#

Balitang Masbate

Masbate City may sariling modernong weather forecasting equipment

LUNGSOD NG MASBATE, Nobyembre 8 (PIA) – Naglagay ng sariling weather station ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Masbate bilang bahagi ng pagsisikap nito na mapabuti ang weather monitoring sa lokalidad.

Ang automated weather station na ipinagkaloob ng League of Cities of the Philippines at Aboitiz & Company. Inc. ay inilagay sa himpilan ng Disaster Risk Reduction and Management Office ng City Hall ng Masbate.

Ayon kay Mayor Socrates Tuason, ang installation ng weather tracker ay magpapahusay sa kakayahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office na harapin ang weather-related concerns.

Ang modernong weather tracking equipment aniya ay magpapadali sa real-time monitoring ng weather disturbances upang sa gayon ay mapanatiling alerto ang mga pamayanan sa posibleng kalamidad na dulot ng bagyo at malakas na ulan.

Ang weather station ay may sensors upang sukatin ang mga parametro tulad ng lakas at direksyon ng hangin, temperatura sa hangin; air humidity; air pressure; at rain volume, duration, at intensity.

Ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Council Jerry Guadayo mas mapapabuti ang accuracy ng weather forecasting ng kanyang opisina dahil sa sariling modernong weather equipment.

#

Balitang Masbate

BFAR chief Perez hinimok ang judges at prosecutors sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Nobyembre 8 (PIA) – Hinikayat ni Director Asis Perez ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang judges at prosecutors na makibahagi sa kampanya sa konserbasyon sa yamang-dagat ng Masbate.

Sa kanyang pakikipagpulong sa mga huwes ng environment courts at mga kaanib ng National Prosecution Service, binigyan diin ni Perez na bilang co-owners ng yamang-dagat, tungkulin ng mga huwes at prosecutors na pangalagaan ang yamang-dagat ng isla ng Masbate.

Upang idiin ang kanyang punto, inihambing ni Perez ang relasyon ng mga huwes at prosecutors sa yamang-dagat at relasyon ng mag-asawa.

Tinawag ni Perez ang isang babaeng empleyado at kanyang tinanong: “Di po ba dahil kayo ang nagmamay-ari sa inyong asawa, kayo ang nag-aalaga sa kanya” kung iba ang nag-aalaga sa inyong asawa, aba may problema po kayo.”

Ang pakikipagpulong ni Perez na ginanap sa lungsod ng Masbate nang nakaraang linggo ay kasunod ng mga reklamo ng municipal fishers sa lalawigan na madali umanong nakakalusot ang mga big time fishers na illegal na pumapasok sa municipal waters.

Sa datus ng BFAR, sa 88 kasong isinampa sa korte sa nakalipas na huling labing limang buwan, siyam pa lamang ang nadesisyunan at walo sa siyam ay ibinasura ng korte.

#

Balitang Masbate

Task force sa Masbate tutugisin ang nagpupuslit ng troso

LUNGSOD NG MASBATE, Nobyembre 7 (PIA) – Binuo kahapon sa Masbate ang isang task force na pipigil sa illegal na pagtotroso sa lalawigan at pagpupuslit ng “hot lumber” mula sa mga karatig na isla.

Kumpleto ang mga kaanib sa unang pagtitipon ng Masbate Anti-Illegal Logging Task Force kahapon kung saan tinukoy ng task force ang mga bahagi ng lalawigan na binabagsakan ng mga troso at lumber na ipinupuslit umano mula sa Samar at Romblon.

Ayon kay Provincial Environment and Natural Resources Officer at task force chairman Tito Migo, sasailalim sa seminar ang mga kaanib ng task force upang magkaroon sila ng kakayahan sa pagpatupad ng kanilang bagong tungkulin sa task force.

Mismong si Pangulong Aquino ang nag-utos sa pagbuo ng anti-illegal logging task forces sa bansa, mga rehiyon at mga lalawigan upang ipatupad ang total log ban na kanyang idineklara sa Executive Order No. 23.

Sa kaso ng Masbate Anti-Illegal Task Force, bukod sa mga orihinal na kasapi ng task force na mga hepe ng Department of the Interior and Local Government, Department of National Defense, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, idinagdag na kaanib ang environment and natural officer ng pamahalaan panlalawigan at mga hepe ng National Prosecution Service, National Police Commission at Philippine Information Agency dahil ayon kay Migo, makakatulong ang mga naturang ahensiya sa task force.

#

Balitang Masbate

Roll-on, Roll-off ferries at bus nakatulong sa maginhawang biyahe sa Masbate


LUNGSOD NG MASBATE, Nob 5 (PIA) — Maraming roll-on, roll-off ferries at bus ang nakatulong ng malaki sa pagsusulong ng transportasyon sa Masbate para sa kaginhawaan ng mga biyahero.

Ang pagbubukas ng daungan sa Pio Duran, Albay noong nakaraang taon ay nagbigay daan din sa dagdag na kumpanya ng bus at roll-on, roll-off ferries na idugtong ang Masbate sa Metro Manila.

Bago ito, isang kumpanya ng ro-ro ferries at bus lamang ang nagsi-serbisyo sa biyaheng Metro Manila-Masbate sa pamamagitan ng daungan ng Pilar, Sorsogon.

Ang daungan ng Masbate ay para sa ro-ro ships na nakapaglulan ng mga bus at iba pang sasakyang panglupa dahil ang islang lalawigan ay bahagi ng nautical highway.

Ayon sa port authorities, hindi na naulit ang mahabang pila ng pasahero sa Masbate City Port dahil dulot ng kumpetisyon, mismong sa iba’t ibang bayan naglulan ng pasahero ang mga bus.

Pagdating ng mga bus sa Masbate Port ay isang mabilis na inspeksyon ang isinagawa ng security forces ng daungan bago sila ilulan sa mga barkong roro.

Bukod sa sapat ang 27 mga bus para ilulan ang mahigit isang libo’t tatlong daang pasahero nang araw na iyon, ang anim na biyahe ng mga barkong roro ay sapat din upang maitawid ang lahat ng bus sa mga daungan ng Pio Duran at Pilar.

At dahil maaraw at kalmado ang dagat, lahat ng pampasaherong sasakyang pandagat kabilang ang fastcrafts at motorized boats ay ligtas na nakabiyahe nang mga araw na nagbalik Metro ang mga bakasyonista.

Bukod sa roll-on, roll-off transport services, may dalawang biyahe ng eroplano upang ihatid sa Metro Manila ang mga bakasyonista na halatang na napahanga sa zero incident ng kaguluhan o aksidente sa Masbate sa panahon ng Undas.

Sa pahayag ni Maan Añonuevo, isa sa ilang libong bakasyonista na nakaranas ng maginhawang biyahe pabalik sa Metro Manila nitong Sabado, noong taong 2009 nang siya ay nagbakasyon para sa Undas at Pasko, naranasan niya ang mahabang pila sa inspeksyon, gutom at puyat, ngunit ngayong taon, siya ay humanga sa nakitang pagsulong ng transportation sa Masbate kaya’t ngayon pa lamang, ayon sa kaniya, siya ay may plano na para magbakasyon sa Masbate sa darating na Pasko. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)

#

Balitang Masbate

Pabrika ng delatang sardinas balak itayo sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 31 (PIA) – Aalokin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang alinmang sa mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Masbate ng tulong teknikal at pinansiyal upang maitayo sa isla ang pabrika ng delatang sardinas.

Ang panukala ng BFAR regional office ay inihayag ni bureau Director Asis Perez sa kanyang pakikipagpulong sa mga huwes at mga kaanib ng National Prosecution Service na ginanap sa isang hotel sa lungsod ng Masbate nang nakaraang Lunes, Oktubre 29.

Ayon kay Perez, ang pabrika ay magbibigay ng dagdag na trabaho sa mga residente at dagdag na kita sa fisherfolks.

Sa panayam ng PIA kay BFAR Regional Director Dennis del Socorro, kanyang ipinaliwanag na ang dagat na nakapalibot sa Masbate ay major fishing grounds na pinagkukunan ng sardinas.

Hangad aniya ng BFAR na matupad ang pabrika sa taong 2014.

Ang local government unit ay may kapangyarihan na lumahok sa negosyo, katulad ng pabrika.

Sa ilalim ng 2011-2016 Bicol Regional Development Plan, inaasam ng pamahalaan na mapayabong ang gross regional domestic product sa pamamagitan ng paglapat ng mga estratihiya, kabilang ang promosyon ng mga pabrika.

#

Balitang Masbate

30 barangays sa Masbate tumalima sa procurement reforms

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 30 (PIA) – Makakaasa ang publiko na idadaan na sa bidding ang lahat ng procurements ng mga barangay ng Masbate makaraang malikha ang bids and awards committee (BAC) sa bawat isa sa 30 barangay ng lungsod.

Ginabayan ng Masbate City Accountant’s Office ang mga punong barangay sa pagbuo ng BAC sa seminar na idinaos nang nakaraang Oktubre 16 upang magkaroon ang huli ng kakayahang tumalima sa bagong batas kaugnay ng reporma sa government procurement.

Ayon kay Masbate City assistant accountant Joey Zaldy Gallego, makakaasa ang publiko na bukod sa hayag at may kumpetisyon sa biddings na idadaos ng BAC, mabilis din ang ganitong proseso at may pananagutan ang mga kasapi ng lupon.

Ang lupong aniya ay binubuo ng lima hanggang siyam na kaanib at pinamumunuan ng punong barangay.

Ang barangay ay may taunang laang-salapi na nagmumula sa bahagi nito sa buwis na nalilikom nito sa negosyo sa kanyang teritoryo at mga tulong pinansiyal na natatanggap mula sa ibang tagataguyod.

Sa lumang prosideyento, tanging ang punong barangay at ingat-yaman lamang ang humahawak ng procurement ng basikong yunit ng pamahalaan.

Ayon kay Gallego, hindi na pahihintulutan ng Commission on Audit ang ganitong transaksyon pagsapit ng 2013, ang taong mahigpit na ipapatupad ng COA ang R.A. 9184 o ang Government Procurement Reform Act.

Magsisilbing modelo ng 520 barangay sa 20 bayan ng lalawigan ng Masbate ang mga barangay sa lungsod na pinaka-unang tumalima sa naturang batas.

Ang pamahalaan lungsod ng Masbate ang isa sa mga pinakaunang tumanggap ng Seal of Good Housekeeping na iginagawad ng Department of the Interior and Local Government sa mga lokal na pamahalaan na tumatalima sa mga reporma sa pamamamalakad.

#

Balitang Masbate

Conference ng judges at prosecutors sa Masbate tatalakay sa illegal fishing

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 29 (PIA) – Isang pagtitipon ng mga huwes at prosecutors ang gaganapin ngayong araw sa lungsod ng Masbate upang talakayin ang batas sa proteksyon ng yamang dagat.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, idadaos ang pagtitipon upang mapalakas ang kampanya ng pamahalaan na mapangalagaan ang yamang dagat laban sa mga mapanirang paraan ng paghuli ng isda katulad ng pagpapasabog ng dinamita, paggamit ng trawl at iba pang hindi akma sa municipal waters, at panglalason.

Kabilang sa mga resource speakers sina BFAR Director Asis Perez at Associate Justice Diosdado Peralta na tatalakay sa rules and procedure on environmental cases.

Ang pagtitipon at itataguyod ng Integrated Coastal Resource Management Project ng BFAR.

#

Balitang Masbate

Isa pang job fair idadaos sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 24 (PIA)—Dalawang araw makaraang idaos ng pamahalaang panlalawigan ng Masbate ang una nitong job fair, isa pang job placement ang isasagawa sa lungsod bukas, at sa pagkakataong ito, ang Masbate city government ang magsisilbing host sa recruitment agency at job applicants.

Ayon kay Masbate City Public Employment Services Officer Judel Briones, ang job placement na idadaos sa Masbate Coliseum bukas ay isang special recruitment activity ng MMML Recruitment Agency dahil naghahanap ito para sa mga trabaho sa ibayong dagat.

Ang MMML Recruitment Agency ay may tanggapan sa Naga City at ilang beses na rin itong lumahok sa mga naunang job fairs na pinangunahan ng administrasyon ni Masbate City Mayor Socrates Tuason.

Ang Technical Education and Skills Development Authority, Department of Trade and Industry, National Statistics Office, National Bureau of Investigation, Caritas Masbate at iba pang ahensya ng pamahalaan at non-government organization ay magbibigay ng kanilang serbisyo sa job applicants.

Sa kabilang dako, tagumpay ayon sa information office ni Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete ang job fair na idinaos ng lalawigan nang nakaraang Lunes dahil marami umanong recruiters at job applicants ang lumahok.

 
#

Balitang Masbate

2 impormante nakatanggap ng pabuya mula sa PNP

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 23 (PIA)—Natanggap ng dalawang sibilyan ang pabuya ng Philippine National Police dahil sa kanilang pagsuplong sa kinaroroonan ng dalawang pugante na humantong sa pagkaaresto sa dalawa na nangunguna sa pinaghahanap ng batas sa lalawigan.

Ayon sa PNP provincial director na si Senior Supt. Heriberto Olitoquit, ang dalawang high-profile targets ng manhunt ay sina Francis Balmes y Atanoso at Godofredo Rufo y Salgado.

Si Balmes na ranked number 4 sa provincial most wanted persons ay naaresto sa Brgy Espinosa, Masbate City. Walang piyansa ang kaso ni Balmes na murder.

Sa kabilang dako, si Rufo na ranked number 5 sa provincial most wanted ay nahauli noong Hulyo 13 sa Sitio Toos, Brgy Maolingon, Mandaon, Masbate . Bukod sa murder, may kasong robbery at dalawang frustrated homicide si Rufo.

Natanggap kamakailan ng bawat impormante ang P15,000 na pabuya, ayon kay Olitoquit.

Pinapurihan ni Olitoquit ang dalawang impormante sa kanilang tapang na makipagtulungan sa pulisya upang madakip at mapanagot sa batas ang dalawang pugante.

Tiniyak ni Olitoquit ang kaligtasan ng dalawang impormante, kabilang ang pagtatago ng kanilang pagkakakilanlan.

#

Balitang Masbate

Job fair idinadaos sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 22 (PIA) – Idinadaos ngayong araw sa Masbate ang isang pagtatanghal upang matulungan ang mga Masbateños na makakuha ng trabaho.

Patuloy na nagsisidatingan ang mga job applicants sa job fair idinadaos ng pamahalaang panlalawigan sa isang covered court sa lungsod ng ito.

Ayon kay Masbate Provincial Employment Services Officer Jose Perez, mahigit 10 kumpanya na naghahanap para sa trabaho sa lokal at ibayong dagat ang dumating upang lumahok sa job fair.

Ang Technical Education Skills Development Authority, Department of Trade and Industry, National Statistics Office, National Bureau of Investigation, Caritas Masbate at iba pang ahensiya ng pamahalaan at non-government organization ay nagbibigay ng kanilang serbisyon sa job applicants.

#

Balitang Masbate

Mga miyembro ng PNP Masbate kinilala sa kanilang kagalingan

LUNGSOD NG MASBATE, Okt 19 (PIA) — Binigyang pugay ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) Masbate Police Provincial Office ang ang ilan sa kanilang miyembro dahil sa ipinakitang kagalingan ng mga ito.

Ayon kay Chief Insp. Edgar Delfin, tagapagsalita ng PNP Masbate Provincial Office, pito rito’y mula sa Masbate City Police Station sa pangunguna ng kanilang hepe na si Police Supt. Rodolfo Abella, siyam naman ay mula sa Mandaon Municipal Police Station sa pangunguna nang noo’y kanilang officer-in-charge na si Sr. Insp. Emerson Elcalnir.

Ang mga kawaning ito ng pulisya sa Masbate ay binigyang pugay dahil sa kanilang matagumpay na operasyon na ikinahuli ng dalawa sa most wanted persons sa lalawigan.

Ayon pa kay Delfin, ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng malakas na determinasyon at mataas na hangaring sa kanilang pananagutan, pagkakaisa sa ilalim ng kanilang hanay para tuparin ang trabahong nakaatang sa kanilang balikat, dedikasyon bilang tagapagpatupad ng batas at pagtalima na rin sa kautusang hulihin ang mga pinagahahanap ng batas. (MAL/RAL-PIA5) 

Balitang Masbate

Mangingisda sa Naro Island tuturuan sa tamang pagsasaka ng gulaman

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 17 (PIA) – Hindi na sila mabubuhay sa isda lamang, kundi pati sa gulaman o damong dagat.

Dahil sa maliit na kinikita nila sa pangingisda, ituturo sa mga mangingisda sa Naro Island sa bayan ng Cawayan, lalawigan ng Masbate ang pagsasaka ng gulaman na binibili ng mga kumpanyang nag-luluwas ng produkto sa ibayong dagat.

Ang alternatibong hanapbuhay ay proyekto ng Department of Labor and Employment sa pakikipagtulungan ng International Labor Organization.

Batay sa 2009 official statistics, ang mangingisda ang pinakamahirap na sektor sa bansa, bagay na itinuturing na dahilan umano kung bakit ang mga anak ng mangingisda ay naghahanapbuhay na murang edad.

Sinabi ni DOLE provincial officer in charge Carlos Onding na ituturo sa mga residente ng Naro ang tamang pagsasaka ng damong dagat para maging sapat ang kanilang kinikita at ang mga batang tumigil sa pag-aaral para maghanapbuhay ay maibalik aniya sa paaralan.

Ayon sa ILO coordinator Willy Awitan, kumuha na ang ILO ng serbisyo ng isang research group upang alamin kung paano mapalaki ang kikitain ng mga residente sa pag-aalaga ng gulaman.

#

Balitang Masbate

Job fair idadaos sa Oktubre 22

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 16 (PIA)—Tumutulong ang lokal na pamahalaan sa mga Masbateños na makakuha ng trabaho.

Sa unang pagkakataon, pangungunahan ng pamahalaang panlalawigan ang pagdaos ng job fair na itinakdang sa Oktubre 22, Lunes, sa covered court ng Barangay Kalipay sa lungsod na ito.

Ayon kay Masbate Provincial Employment Services Officer Jose Perez, kinumpirma ng Philippine Overseas Employment Administration at Department of Labor and Employment na mahigit 10 kumpanya na naghahanap para sa trabaho sa lokal at ibayong dagat ay lalahok.

Ang Technical Education and Skills Development Authority, Department of Trade and Industry, National Statistics Office, National Bureau of Investigation, Caritas Masbate at iba pang ahensya ng pamahalaan at non-government organization ay magbibigay ng kanilang serbisyo sa job applicants.

#

Balitang Masbate

Barangay assembly sa Masbate binigyang-kapangyarihan ng gising na mga mamamayan

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 15 (PIA)—Pinatunayan ng mamamayan ng Barangay Ibingay (populasyon: 6,836) na hindi sila natutulog sa kanilang tungkulin at papel na maghikayat ng mabuting pamamalakad sa gobyerno nang lumahok ang mahigit 200 katao sa barangay assembly na ginanap kahapon.

Napuno ng mga dumalo ang kalahati ng basketball court sa Restituta Medina Elementary School at sumentro ang kanilang pagtalakay at pagsang-ayon sa financial reports, peace and order, infrastructures, solid waste management at kahandaan sa sakuna na inuulat nina Barangay Chairwoman Flor Rejuso at ng mga kagawad.

Ipinaliwanag ni city local government operations officer Thelma Zaragoza ng Department of the Interior and Local Governments na ang pagtitipon ang abenida para makalikom sa publiko ng reaksiyon o feedback hinggil sa mga isyu sa pamayanan at mobilisahin ang kanilang suporta sa mga programa at proyekto ng gobyerno.

Ayon sa 53-taong-gulang na si Myrna Guban na isa sa mga dumalong mamamayan, kinaligtaan niya ang masarap na pag-idlip sa hapon ng Linggo upang kanyang maihayag ang kanyang saloobin sa pagtitipon.

Bukod sa Ibingay, walong iba pang baryo sa lungsod—Bagumbayan, Kinamaligan, Tugbo, Nursery, Centro, Malinta, Magallanes at Biyong—ang nagdaos din ng katulad na pagtitipon ng mamamayan, na pang-lima sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Aquino.

Local Government Code at proklamasyon ng Malacañang ang nag-uutos na idaos ang barangay assembly sa ikalawang Linggo ng Oktubre at unang Sabado ng Marso.

Ang Ibingay umano ang magsisilbing modelo sa 550 barangays sa lalawigan ng Masbate na karamihan ay hindi nagdaos ng barangay assembly kahapon.

Balitang Masbate

DTI pinaalalahanan ang motorcycle owners na mahilig sa eleventh-hour

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 12 (PIA) – Pinaalalahanan ngayon ng tanggapan ng Department of Trade Industry sa lungsod ng Masbate ang mga motorcycle owners na malapit nang magtapos ang panahon na maari silang kumuha ng Import Commodity Clearance sticker para sa kanilang protective helmets.

Sa isang panayam, nanawagan si Doroteo Albao Jr. ng DTI regulatory unit sa mga may-ari ng motorsiklo na ipasuri at palagyan na ang kanilang helmet ng ICC sticker para makaiwas sa karaniwang paghugos ng mga magkukumahog bago ang Disyembre 28, 2012 na deadline.

Ang ICC sticker na inilabas ng Bureau of Product Standards ang nagpapatunay sa worthiness ng helmet. Ang helmets na nabili bago ang Hulyo 2012 ay walang ICC stickers kaya dapat itong ipasuri at palagyan ng sticker sa DTI.

Nauna nang nagbabala ang Land Transportation Office na simula Enero 1, 2013, ang motorcycle riders na mahuhuling hindi nakasuot ng helmet na may ICC sticker ay sisitahin ng LTO enforcers at pagmumultahin batay sa bagong Motorcylce Helmet Act.

Napuna ni Albao na sa nakalipas na mahigit tatlong buwan na pagsusuri ng DTI, halos 20% pa lamang ng mahigit 10,000 motosiklo na narehistro sa LTO ang kumuha ng ICC sticker.

Madali lang aniya ang transaksyon sa mga magpapasuri na dala ang helmets at valid ID.

#

Balitang Masbate

Masbate kumilos kontra overfishing; ang manghuli ng maliliit na sardinas parurusahan

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 11 (PIA) – Pagkabilanggo at pagmulta ang sasapitin ng sinumang manghuli ng maliliit na sardinas sa karagatan ng lungsod ng Masbate.

Ito ang tiyak na pagdudusahan ng lalabag sa Ordinansa Bilang 139-2012 na isinabatas ng lungsod upang mabigyan ang maliliit na sardinas ng santuwaryo mula sa iresponsableng pangingisda.

Bantog ang administrasyon ni Masbate City Mayor Socrates Tuason na wala itong sinasanto sa pagpapatupad ng mga batas na may kinalaman sa yamang dagat.

Sa buong lalawigan ng Masbate, tanging ang lungsod ang may malinis na record sa illegal fishing sa loob ng maraming taon mula ng ibilang sa flagship programs ng pamahalaang lungsod ang komprehensibong pangangalaga sa yamang dagat ng lungsod.

Ayon sa otoridad sa fish conservation, nanganganib ang suplay ng sardinas o lawlaw – ang pinakamalaking kawan ng isda sa planeta – dahil sa mapagsamantalang mga basnig ng mga kumpanyang naglalata ng sardinas para sa lokal at eksport na merkado.

Mga opisyal ng baybaying baryo sa lungsod ang nagpapatupad ng ordinansa na magbibigay sa maliliit na sardinas ng panahon na lumaki upang matiyak ang sapat na suplay ng paboritong sari ng isda sa mga susunod na taon.

Ang karagatan ng lungsod ay halos karugtong ng Burias Strait na binabalak isara ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang mabigyan ng tatlong buwan ang sardinas na mangitlog at makapagparami.

Ang Burias Strait na nasa pagitan ng Burias Island at Kanlurang baybayin ng mga lalawigan ng Camarines Sur, Albay at Sorsogon ay isa umanong pangunahing pinagmumulan ng sardinas ng mga delatahan sa Mindanao at Metro Manila.

#

Balitang Masbate

Masbate football program pinahanga ang soccer federation executive

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 10 (PIA) – Ilan sa mga susunod na manlalaro ng Azkals ay maaring manggaling sa Masbate.

Ganito ang nakinikita ni Philippine Football Federation Executive Director Aquilino Pastoral III dahil aniya sa namalas niyang dami ng magagaling na manlalaro ng soccer sa Masbate na hinahasa para sa malaking liga.

Pinuri ni Pastoral ang samahan ng tatlong nasa likod ng aniya ay solidong football development program sa Masbate: ang Masbate Football Federation, ang pamahalaang lokal ng Masbate, at ang lokal na liderato ng Deparment of Education.

Ayon kay Pastoral, hindi pumapalya ang Masbate sa pagpapadala ng mga manlalaro sa mga pambansang torneo sa football.

Bukod sa karangalan, naging tiket rin aniya ng maraming Masbatenyos ang kanilang kahusayan sa football upang makakuha ng scholarship sa mga unibersidad.

Si Pastoral ay dumalaw sa Masbate kaugnay ng kanyang pagsubaybay sa Kasibulan Project, ang talent pool ng mga hahalili sa mga mahihinog para sa maglaro sa Azkals.

#

Balitang Masbate

Wellness program upang pagandahin ang pagganap ng mga kawani sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 9 (PIA) – Ang pagkakasakit ng mga kawani bunga ng tensyon at salaulang estilo ng pamumuhay ang isang karaniwang suliranin na inaasahan ng pamahalaang panlalawigan na malulutas sa ilulunsad nitong employees wellness program.

Ayon kay Merien Cervantes tagapagsalita ni Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete, ang programa ay bahagi ng paghadlang sa stroke, cancer, diabetes, sakit sa kidney at atay, high blood pressure at sakit sa baga mga karamdamang dulot ng unhealthy diet, kakulangan sa ehersisyo, paninigarilyo at pagkahumaling sa alak.

Kung walang sakit ang empleyado, hindi ito aniya liliban at sa halip ay mapagtutuunan nito ang kanyang trabaho, bagay na magreresulta sa mas magandang pagganap.

Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang bawat araw na pagliban o kawalan ng konsentrasyon ng kawani dahil sa sakit ay katumbas sa halos anim na beses na pagkawala ng kanyang produktibidad sa isang taon.

Bilang panimula ng wellness program, bubuksan aniya ng gobernador ang isang Zumba class para sa mga kawani at mga miyembro ng kanilang pamilya.

Ang sayaw na Zumba na kinahihiligan sa iba’t –ibang panig ng mundo ay isang powerfull cardio exercise na pinasikat ng musikanong Latino.

 
#

Balitang Masbate

Mga may katandaan at guro sa Masbate may pinatunayan sa Teachers’ Day at Elderly Week

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 8 (PIA) – Mukhang naging kasiya-siya ang pagdiriwang sa Masbate ng World Teachers’ Day at Elderly Filipino Week nang nagdaang linggo.

Sa World Teachers’ Day noong Biyernes, ginamit ng mga guro sa lungsod ang kanilang isang araw na bakasyon sa pagtuturo sa pagtitipon kung saan nagtagisan sila sa pagtakbo, paglaro ng parlor games at pagsayaw.

Hindi nagpahuli sa uso ang mga gurong folk dancers nang sa halip na ang signature folk dance ng Masbate na Lapay Bantigue, humataw sila ng Gangnam Style, ang musika ng South Korean rapper na Psy na naging internet sensation.

Sa pagtatapos naman ng Linggo ng Katandaang Pilipino kahapon, pinatunayan ng senior citizens sa Masbate na kahit na retirado o semi-retired na sila sa paghanapbuhay, malakas pa rin hindi lamang ang kanilang mga tuhod kundi maging ang kanilang diwa sa nation-building.

Sa talumpati ng retiradong huwes na si Jacinta Tambago sa kasayahan na inihandog ng Masbate Senior Citizens Association at ng City Social Welfare and Development Office, sinabi nito na naninindigan ang senior citizens sa Masbate sa kanilang patulong na paglahok sa development efforts sa lalawigan at sa bansa.

Marami sa mahigit dalawang libong dumalo sa kasayaha na ginanap sa Magallanes Coliseum dito ang umuwi na mas mayaman ng ilang libong piso matapos masungkit ang cash prizes na iginawad sa mga mutya ng kanilang asosasyon sa bawat barangay.

Iginawad din ang premyo bilang konsuwelo sa mga senior citizens na dumalo sa araw-araw na symposium na ginanap noong Oktubre 1-6 at tumalakay sa iba’t-ibang isyu na apektado ang sektor ng katandaan.

Bukod sa mga naiambag ng Expanded Senior Citizens Act of 2010 sa pag-angat sa buhay ng mga may katandaan, binigyan-diin din sa symposium ang mga lifelines na makukuha ng senior citizens sa lokal na pamahalaan.

Ang tema ng kanilang pagdiriwang ay “Nakatatanda: Sa Bisa ng RA 9994, May Dangal, Nagkakaisa, Buhay ay Gumiginhawa.”

 
#

Balitang Masbate

Diskwento Caravan idadaos ng DTI sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 5 (PIA) – Ibebenta ang mga pangunahing bilihin sa presyong may bawas sa ‘Diskwento Caravan’ ng Department of Trade and Industry sa lungsod ng Masbate sa darating na Oktubre 19 at 20.

Ang ‘Diskwento Caravan: Consumers Month edition’ ay dalawang araw na baratilyo upang handugan ng kasiyahan ang mamimili kaugnay ng pagdiriwang ng Consumers Month ngayong Oktubre.

Ayon kay Doroteo Albao ng tanggapan DTI sa Masbate, kabilang sa mga produkto na ipagbibili ng mga mangangalakal na lalahok ay de-latang kalakal, langis pangluto, sabong panlaba, tinapay at prenosesong karne.

Ang Diskewnto Caravan ay itataon sa tiangge ng mga produkto mula sa mga sakahan na idinadaos sa lungsod tuwing Biyernes at Sabado.

#

Balitang Masbate

Kahandaan sa eleksyon ng pulisya sa Masbate sinusuri ng Crame

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 4 (PIA) – Sumasailalim ngayon sa pagsusuri ang buong pwersa ng Philippine National Police sa lalawigan ng Masbate upang alamin ang kahandaan nito sa pagganap sa tungkulin lalo na sa panahon ng eleksyon.

Ayon kay Masbate Police Provincial Director Heriberto Olitoquit, isang pangkat mula sa national headquarters ng PNP ang dumating sa Masbate upang isagawa ang pagsusuri sa Provincial Police Office, Provincial Public Safety Company at police stations sa nag-iisang lungsod at 20 bayan sa lalawigan.

Ayon kay Olitoquit, ibabatay ng PNP sa resulta ng pagsusuri ang mga gagawing hakbang upang lalong mapabuti ang pagganap ng pulisya sa Masbate, lalo na sa darating na mid-term elections.

Kabilang sa mga isinasagawa ay simulation exercises upang masukat ang kanilang kakayahan sa panahon ng hostage negotiations, pag-aresto, pag-posas, scene of the crime operation and investigation, first-aid, bomb disposal, first responder, camp defense at fire control.

Ang inspection team mula sa Camp Crame ay pinangungunahan ni Police Senior Supt. Romulo Esteban ng Directorate for Plans.

#

Balitang Masbate

Peace group ng paring kakandidato nagpapatuloy sa pagtaguyod sa payapang halalan sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 3 (PIA) – Salungat sa espekulasyon, ang pangkat na binuo bago ang nakaraang halalan sa Mayo 2010 upang mangaral ng payapang labanan sa pulitika sa Masbate ay hindi maghihinay-hinay sa kanyang adbokasiya makaraang si lead convenor Fr. Leo Casas ay tumiwalag sa grupo upang tumakbong gobernador ng probinsya.

Sa katunayan, sinimulan na ng Masbate Advocates for Peace (MAP) ang second wave of peacemaking campaign nito sa bayan ng Mobo, isang senyales na tanggap ng grupo ang pagsabak ni Casas sa pulitika.

Ayon kay Municipal Judge Igmedio Emilio Camposano, fellow convener ng MAP, wala siyang nakikitang masama sa pagtakbo ni Casas sa pagka-gobernador dahil nagsumite na ang huli ng kanyang resignasyon sa MAP nang nakaraang linggo.

Katulad ng 2010, dadalhin aniya ng MAP ang kampanya nito sa bawat bayan, kung saan magsasagawa ito ng pagtitipon ng mamamayan upang magkaroon ng community-based discussion kung paano haharapin ang banta ng armadong taga-suporta ng mga pulitiko.

#

Balitang Masbate

Mga bata VIPs sa mahabang pista sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 2 (PIA) – Painting, dance, voice at cooking lessons at munting kawani drama ang ilan lamang sa mga idadaos sa Masbate upang pasayahin ang mundo ng mga musmos ngayong Oktubre na ipagdiriwang sa lalawigan bilang “Buwan ng mga Bata.”

Nagbuklod ang iba’t –ibang ahensya, non-government organizations at pamahalaang lokal upang maidaos ang mahabang pista kung saan ang mga bata ang ituturing na VIPs.

Bukas ang pormal na simula ng pista at magsisilbing curtain raiser ang isang Misa na idadaos sa pasilyo ng Kapitolyo at reading camp na pangungunahan ni Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete.

Ito ang pangatlong pagkakataon na idadaos ng Masbate ang taunang pista sa ilalim ng administrasyon ni Lanete at sa pagtangkilik ng Unicef o United Nations Children’s Fund.

Sponsor ang Unicef sa pagsulong ng Masbate sa karapatan ng mga bata sa kalinga ng lipunan. Ang tema ng kasalukuyang pista ay: Bright Child ay Siguraduhin, Responsableng Pamamahayag ay Palaganapin.”

Sa mga susunod na araw, ang mga itatampok na aktibidad ng mga bata ay: munting kawani, kung saan gaganap na mga pinuno ng pamahalaang panlalawigan ang mga bata sa buong araw ng Oktubre a-13 sa isang pagsasadula ng pagpapatakbo ng pamahalaan; football training, katutubong laro, mural painting, baby crawling race, youth summit, dance, voice, public speaking at cooking lessons, draw and tell contest, concert, free haircut at food treat.

Ang mga seryosong aktibidad sa pista ay: civil registry counseling kung saan ikikintal sa mga magulang ang kahalagahan ng pagpaparehistro ng kapanganakan ng bata, pagkilala sa mga lisensyadong foster parents, libreng serbsiyong medical at dental, at forum hinggil sa child sponsorship program, charity groups Caritas, Plan International at Mumho nagtataguyod ng mga proyektong pambata, at health care program.

Kabilang sa mga nag-ambag sa pista ang Rotary International, Kiwanis Club at Apo Fraternity, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Education, National Statistics Office, Philhealth Corp. at Red Cross.

#

Balitang Masbate

Comelec sa Masbate handa na sa paghain ng mga pulitiko ng dokumento ng kandidatura

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 1 (PIA) – Handang-handa nang tumanggap ang Commission on Elections sa Masbate sa mga sertipiko ng kandidatura ng mga tatakbo sa local races sa 2013.

Ginawa ng hepe ng Comelec sa Masbate ang pagtiyak sa kanilang kahandaan sa mga isusumeting candidacy papers ngayong araw kasunod ng pagbukas kaninang alas 8 ng umaga ng mga tanggapan ng ahensiya sa halalan sa syudad ng Masbate at sa 20 bayan sa lalawigan ng Masbate.

Ayon kay Masbate Election Supervisor Alberto Cañares III, may kabuuang 237 posisyon ang maaring puntiryahin ng mga aspirante sa Masbate at ang mga ito ay ang isang goberbor, isang bise gobernador, tatlong kinatawan sa mababang kapulungan ng kongreso, 10 kasapi ng sangguniang panlalawigan, isang alkalde ng lungsod, isang bise alkalde ng lungsod, 20 alkalde ng bayan, 20 bise alkalde ng bayan, 10 konsehal ng lungsod at 160 kagawad ng sangguniang bayan.

Ang tanggapan ng Comelec ay tatanggap aniya ng candidacy papers hanggang alas 5:00 ng hapon ng Oktubre 5, araw ng Biyernes.

Samantala, sinuspendi aniya ang pagrehistro ng mga bagong botante mula ngayon hanggang Biyernes upang bigyan daan ang mga aspirante na makapahain ng kanilang dokumento ng kandidatura.

#

Balitang Masbate

Lapay Bantigue Festival itatanghal ngayon sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Setyembre 28 (PIA)–Mas maaaliw ang mga turista kung sila ay nasa lungsod ng Mabsate ngayong araw dahil masisilayan nila ang galing ng mga katutubong mananayaw sa pagsabak nila sa 2012 Lapay Bantigue Festival na magsisimula ngayong 11:00 ng umaga sa Masbate Athletic Ground.

Sampung pangkat mula sa mga kolehiyo, hayskul at mababang paaralan ang maghaharap sa hangaring matanghal na bagong kampeon ng sayaw na nakilala ng mundo sa Aliwan Festivals ng Maynila, Sinulog Festival ng Cebu at Gayon Bikol Festival.

Tiniyak ng event steering head na si Masbate City Planning Officer Rowena Tuason na handa na ang mga mananayaw, instrumento, at propsmen ng bawat pangkat na ipamalas ang kanilang galling kaya magiging mahigpit at kasiyasiya ang paghaharap ng mga batikan sa sayaw na Lapay Bantigue .

Ang Lapay Bantigue ay katutubong dance art festival na nagsimula sa indayog at mayuming galaw ng umaali-aligid na ibong tagak o lapay na naglipana sa Barangay Bantigue, isang baybaying pamayanan sa lungsod ng Masbate.

Kamanghamangha ang kawan ng lapay o tagak kaya nagganyak ang mga katutubo na lumikha ng folk dance na magpahanggang ngayon ay nanatiling mahalagang aspeto ng katutubong kultura ng mga tao ng Barangay Bantigue at ng buong Masbate.

Ang Lapay Bantigue folk dance ay makailang ulit nang tinanghal na kampiyon sa Gayon Festival. Natunghayan na rin ng mga Pinoy ang galing ng mga mananayaw nito nang katawanin nito ang Bikol sa Aliwan Festival of Festivals sa Maynila noong 2008.

Ang paghaharap ng mga pangkat sa Lapay Bantigue Festival ngayon ay pararangalan ni Department of Tourism Regional Director Maria Ong-Ravanilla na magtatalumpati bago ang tagisan ng mga folk dancers.

Ang festival ngayong araw ay bahagi ng makulay at hitik sa aliwan na pagdiriwang ng ika-12 na kaarawan ng lungsod ng Masbate.

#

Balitang Masbate

Masbate Prevention of Blindness Program susuportahan ng isang Australian organization

LUNGSOD NG MASBATE, Setyembre 27 (PIA) – Makikisanib pwersa ang Fred Hollows Foundation sa pamahalaang lokal ng lalawigang ng Masbate sa pagsagip sa paningin ng mga Masbateños na nagdurusa sa sakit sa mata.

Ang layuning ito ang pormal na inihayag ni Fred Hollows Foundation program manager Barnaby Caddy na pumunta kahapon sa Masbate at nakipagpulong sa mga health care service providers at mga namumuno sa lalawigan.

Ang Fred Hollows Foundation ay isang nonprofit at humanitarian organization na naglilingkod sa panggamot ng sakit sa mata at pagkabulag sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa nakalipas na dalawang dekada, nasuportahan nito ang mga programa at serbisyo na abot kamay ng mahihirap sa pamamagitan ng pakikisanib pwerssa sa eye care professionals at pamahalaan sa tulong na suporta mula sa corporate sponsors.

Ayon kay Caddy, tutulungan ng Fred Hollows ang pamahalaang panlalawigan sa pagbuo at pagpapatupad ng isang Provincial Prevention of Blindness Plan.

Kabilang aniya sa maaring maging laman ng programa ang eye examinations/screening; sight restoring surgeries, pagsasanay ng eye health personnel sa Masbate, probisyon ng ophthalmic equipment, at pagtayo o pag-upgrade sa eye health facilities.

Ayon kay Caddy, ang mga maaring agapang sakit sa mata na sa maraming kaso ay nauuwi sa pagkabulag ay laganap sa low-income areas katulad ng Masbate.

Magiliw na pagtanggap ang tugon ng lalawigan sa suporta na iginawad ng Fred Hollows sa Masbate.

Katunayan, nagpasa ang Sangguniang Panlalawigan at si Governor Rizalina Seachon-Lanete ng resolusyon upang ipahayag ang kanilang pangako sa programa.

#

Balitang Masbate

Director General Villanueva tinaguriang TESDA ‘godfather’ ang Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Setyembre 26 (PIA) – Mula 2005 daan-daang out-of-school youths at tambay na kababaihan at kalalakihan ang nabigyan ng pagsasanay sa ilalim ng technical education and skills development program ng pamahalaang lungsod ng Masbate.

Makaraang mabalot ng kasanayan, naging maamo sa kanila ang oportunidad na magkaroon ng hanapbuhay o gawain sa Masbate at labas ng bansa.

Ang pamahalaang lungsod ay nadilig ng papuri mula sa nagpapasalamat na mga pamilya ng mga nakatapos ng pagsasanay at mga non-government organizations, kabilang ang samahan ng mga may kapansanan.

Sa ika-18 walong taong anibesaryo ng Techinical Education and Skills Development Authority nang nakaraang Agosto 24, kinilala ni TESDA Director General Emmanuel Joel Villanueva ang pamahalaang lungsod ng Masbate at dalawa pang local government units bilang “Kabalikat” ng ahensiya.

Tinanggap ni Masbate City Mayor Socrates Tuason ang tropeo at sertipiko sa idinaos na palatuntunan sa Women’s Center ng TESDA sa Taguig City.

Ang dalawa pang LGUs na ginawaran ng Kabalikat Awards ay ang Bogo City sa Cebu at General Santos City.

Ang Kabalikat Award ay iginagawad bawat taon bilang pagkilala sa mga naiambag sa pagtataguyod at paglililinang ng middle-level manpower ng bansa sa anyo ng kasanayan, diwa at budhi.

#

Balitang Masbate

Masbate lilikha ng pangkat kontra trafficking ng kababaihan at mga bata

LUNGSOD NG MASBATE, Setyembre 25 (PIA) – Pamamanihalaan ng pamahalaang panlalawigan ang laban ng Masbate kontra sa trafficking at karahasan sa mga kababaihan at mga bata.

Sa pagtitipon kahapon ng mga kinatawan ng mga ahensya at non-government organizations na umuusig sa human trafficking at pang-aabuso sa kababaihan at mga bata, inihayag ni Masbate Provincial Social Welfare Officer Amy Danao na maglalabas si Governor Rizalina Seachon-Lanete ng kautusan na lilikha ng Joint Provincial Inter-Agency Council Against Trafficking and Violence Against Women and Children. 

Ang joint council ay magsisilbi umano bilang punong pangkat sa Masbate sa paglaban sa human trafficking at karahasan sa mga kababaihan at mga bata na sa ngayon ay binabalikat ng pamahalaang lungsod ng Masbate, line-agencies at sangay dito ng Plan Philippines.

Kabilang sa mga magiging tungkulin ng joint council ang paglikha ng sistema sa koordinasyon sa paniniktik; imbestigasyon at pagsagip; pagtatag ng mga patakaran at programa sa pagtatanggol sa kababaihan at mga bata na nabiktima ng trafficking at karahasan.

Tatayong pinuno ng joint council ang gobernador at kabilang sa mahigit 20 na magiging kapanig niya ang mga kinatawan ng Department of Justice, Philippine National Police, Department of Labor and Employment, Department of Education, Department of the Interior and Local Government, Department Transportation and Communication, Plan Philippines, Caritas Masbate at Philippine Information Agency. 

Batay sa opisyal na datus, hindi lamang iilan ang kaso ng trafficking at pang-aabuso sa kababaihan at mga bata ang naitala sa Masbate sa mga nakalipas na taong pinaigting ng lungsod ng Masbate at Plan Philippines ang pagmamanman at imbestigasyon.

Ayon kay Nieves Logronio ng Plan Philippines, nagiging hamon ang modus operandi ng mga sindikato na nagbabago upang malulusutan ang bitag ng inilatag ng anti-trafficking task force sa mga puwerto ng Masbate.

#

Balitang Masbate

Kanlungan ng human trafficking victims, ipinapanukala sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Setyembre 24 (PIA) – Isinusulong sa lalawigang ng Masbate ang pagtayo ng gusali na magsisilbing temporary shelter ng mga nasasagip na biktima ng human trafficking at illegal recruitment.

Ayon kay Masbate Provincial Social Welfare Officer Amy Danao, ang pondo para sa konstruksyon ay manggagaling sa P39 milyon na iuukol ng lalawigan bilang Gender and Development Fund para sa susunod na taon.

Sa mga nagdaang taon ang temporary shelter na itinayo ng pamahalaang lungsod ng Masbate ang nagsisilbing tanging kanlungan ng mga biktima ng human trafficking at illegal recruitment na nasabat sa Masbate City Port habang sila’y ibinabiyahe mula sa iba’t-ibang bayan ng Masbate mainland at Cebu patungong Luzon mainland.

Ayon kay Danao, lalong bumigat ang pangangailangan na magtayo at magpatakbo ng mas malaking temporary shelter ang lalawigan nang 36 katao ang nasagip mula sa illegal recruitment nang nakaraang linggo.

Ang grupo at ang itinurong nag-recruit sa kanila na 67-anyos na lalaki at nagmula sa bayan ng Placer, Masbate at patungong Nueva Ecija nang masabat sa Masbate City Port ng anti-trafficking task force ng Masbate.

#

Masbate pulis nagsanay sa paniniktik ng bomba

LUNGSOD NG MASBATE, Setyembre 24 (PIA) – Ano pa ba ang mas mabuting paraan sa paghahanda at paglaban sa terorismo kundi ang turuan ang mga pulis sa paniniktik sa bomba?

Sa nakaraang linggo dalawang araw (Lunes-Martes) na dumaan sa pagsasanay ang mga hepe ng police stations sa lungsod at 20 bayan sa Masbate kung paano titiktikan at tuklasin kung ang manika o bag pack ay may lamang bomba o pampasabog.

Ayon sa mga nagturo na mula sa Explosives Ordinance Division ng Police Regional Office sa Legzapi City, bukod sa manika at bag pack ang bomba ay karaniwan ding inilalagay sa bomber sa bike, thermos at aklat. 

Itinuro din sa seminar ang mga materyales na ginagamit sa pagbuo ng bomba.

Nakasama ng mga hepe sa pagsasanay na isinagawa sa Police Provincial Office dito ang kanilang mga imbestigador at operations officers.

Tiniyak ni Masbate Police Provincial Director Heriberto Olitoquit na bukod sa seminar sa bomb detection, patuloy na magsasagawa ng pagsasanay alinsunod sa hangarin ni Police Director General Nicanor Bartolome na maiangat ang kakayanan ng mga pulis sa pagtugon sa mga kritikal na insidente.

#

Balitang Masbate

Bantay Dagat na nagsagawa ng search and rescue kay Robredo pinapurihan ng Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Setyembre 20, (PIA)—Wala pang sampung minuto ang agwat ng himpilan ng Masbate City Bantay Dagat sa bahagi ng Masbate Pass na binagsakan ng eroplano ni Local Government Secretary Jesse Robredo nang nakaraang buwan.

Kaya ang pitong bangkang de motor ng Bantay Dagat ang nakasagip sa nakalutang na pirasong bahagi ng pakpak ng Piper Seneca na nagsilbing giya sa pagtukoy sa binagsakan ng eroplano.

Sa pangunguna ni Masbate City Mayor Socrates Tuason, sinuyod ng Bantay Dagat ang ibabaw ng dagat. Anim sa mga tripulante na may kasanayan sa deep-sea diving na tanging compressor ang gamit para makahinga sa ilalim ang sumisid hanggang hatinggabi.

Sa kabila ng di matatawarang pagsisikap, hindi nakayanan ng maninisid ang hamon na dulot ng malakas na kuryente ng dagat at ang dilim ng gabi.

Sa huli, mismong sa bahagi ng dagat na itinuro ng Bantay Dagat nakuha ng professional divers ang fuselage ng sinamampalad na eroplano.

Ang mabilis na pagtugon at kagitingang ipinamalas ng mga tripulante ng Bantay Dagat hanggang sa makuha ang labi ni Robredo at ng dalawang piloto ang bahagi ng untold stories sa naganap na trahedya noong Agosto 18. Dahil dito, sa idinaos na flag-raising ceremonies sa City Hall noong Lunes ay pinapurihan ng pamahalang lungsod ang mga tripulante ng Bantay Dagat.

Inabutan ni Tuason ng sertipiko ng papuri ang 43 tripulante, na karamihan ay boluntaryong nagbabantay sa kadagatan ng lungsod ng Masbate.

Ang skipper ng King Onyot Boat na si Arturo Magallanes Jr. ang isa sa tumanggap ng komendasyon at sa ngalan ng kanyang mga kasamahang mga bangkero at maninisid, ipinahayag ni Magallanes na sa kabila ng orgulyo na dulot ng papuri, ramdam pa rin nila ang pait ng pagkabigo na masagip ang Cabinet member na bukod sa malapit na kaibigan ng alkalde ng Masbate ay nagpakita umano ng genuine concern sa lalawigan ng Masbate.

Sa palagay naman ng marami sa Masbate, kung ang sirkumstansya ang pagbabatayan , nang araw ng trahedya anila ay marahil walang nakatakdang himala para kay Robredo at sa dalawang piloto.

Marahil ang himala anila ay para lamang sa lone survivor—ang 27-taong gulang na aide-de-camp ni Robredo na si Senior Inspector June Paulo Abrasado.

#

Crackdown sa loose firearms top priority ng police sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Setyember 20 (PIA) – Pinakilos ni Philippine National Police Masbate Director Heriberto Olitoquit ang lahat ng police stations sa mga bayan kaugnay ng paghihigpit sa mga baril na walang lisensya.

Sa kanyang pahayag sa Philippine Information Agency, sinabi ni Senior Supt. Olitoquit na iniutos niya na ilagay ang firearms crackdown sa pinakamataas na prayoridad ng lahat ng pwersa ng pulisya sa lalawigan.

Kabilang sa target ng crackdown ang 2,178 na baril na itinuturing ng loose firearms kasunod ng pagkabigo ng mga may-ari na i-renew ang kanilang mga lisensya mula sa PNP.

Bukod sa crackdown sa loose firearms, isinusulong din sa Masbate ang total gun ban dahil mapipigil umano nito ang pagdanak ng dugo sa darating na eleksyon.

Itinakda ng Commission on Elections ang filing ng certificate of candidacy ng mga tatakbo sa May 13, 2013 elections sa Oktubre 1-5.

Ang maagang total gun ban at crackdown ay pagsisikap umano ng huwag nang maulit ang kasaysayan ng eleksyon sa Masbate kung saan ilang beses na ang mahigpit na political rivalries sa Masbate ay nauwi sa madugong sagupaan ng mga armadong supporters ng mga kandidato.

#

Balitang Masbate

Mahigit 2 libong baril na pasô ang lisensya naitala sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Setyembre 19 (PIA) – Ayon sa talậ sa buwan ng Hulyo 2012 makikitang umabot sa 2,178 mga baril na may pasong lisensya ang naitala sa lalawigan ng Masbate.

Sa ulat ng Masbate Police Provincial Office, sinabi ni PNP Provincial Director Sr. Supt. Heriberto Olitoquit na sa ilalim ng PD 1866 na inamyedahan ng RA 8294, ang kalibre o baril na paso na ang lisensya ay kinokonsiderang unlicensed firearms at ang pag-iingat nito’y isang nang paglabag sa batas na may kaparusahang pagkakabilanggo at ito’y maaring kumpiskahen.

Ayon pa kay Olitoquit, pinapayuhan niya ang may hawak nitong 2,178 baril na i-renew ang mga lisensya ng mga ito, at yung hindi na interesadong mag-renew ng lisensya kailangan nilang ilagak ang mga ito sa kani-kanilang municipal police station o sa provincial headquarters para makaiwas sa anumang pananagutan.

Pinaalalahan din ng provincial director na ang sinumang hindi magre-renew ng lisensya o kaya’y i-surrender ang mga ito sa kinauukulan, ang pulisya ay maaring kumuha ng search warrant laban sa mga kilalang firearms holders.

Sa layuing ng pulisyang mabawasan ang gun-related crimes at masamsam ang mga loose firearms, ang pamunuan ng Police Provincial Command dito sa lalawigan ng Masbate ay nagbigay ng direktiba sa lahat ng chief of police sa lalawigan na palakasin ang Oplan Bilang Boga, kasama sa kampanya ang home visit at payuhan ang mga may hawak ng baril na paso ang lisensya na i-renew ito o kaya’y i-surrender sa pulisya.

Ang pagkilos na ito ni Olitoquit ay bunsod nang mababaang bilang ng mga gun-holders na tumatalimang mag-renew o kaya’y isuko ang mga baril na expired na ang lisensya sa himpilan ng pulisya.

Balitang Masbate

Maka-makahirap na plataporma ng administrasyong Aquino ipinamalas sa Masbate symposium

LUNGSOD NG MASBATE, Setyembre 18 (PIA) – Nagdaos kahapon ang pamahalaang lungsod ng Masbate ng symposium upang ipabatid ang kasunduan ng Pangulong Aquino sa maralitang tagalungsod.

Pinasimunuan ni Masbate City Mayor Socrates Tuason, tinalakay sa symposium na matamang pinakinggan ng mahigit 100 stakeholders mula sa mga pamayanan, sektor ng kalakal at lokal na pamahalaan ang mga pro-urban poor na serbisyo at programa ng Presidential Commission on Urban Poor, Social Housing Finance Corp., at Housing and Land Use Regulatory Board at National Housing Authority.

Nilinaw ni Olympia Micor ng PCUP ang 10-point agenda ng Pangulong Aquino sa maralitang tagalungsod, lalo na ang may kaugnayan sa polisiyang walang eviction at demolition kung walang relocation, basic services, trabaho, kooperasyon sa lokal na pamahalaan at housing budget.

Magkatuwang na sinagot ni Micor at nina Antonio Alvarado ng SHFC at Agnes Begino ng HLURB ang mga frequently-asked questions ng madla.

Ang NHA ay nagbigay ng laang-gugulin P280 milyon para sa proyektong pabahay para sa 1,400 na pamilyang naninirahan sa itinuturing na danger zones sa lungsod.

Ang mga bahay ay itinatayo sa lupang pag-aari ng pamahalaang lungsod at ayon kay City Mayor Tuason ito ay inaasahang matatapos bago matapos ang taon.

Balitang Masbate

Mga bata, matatanda namulot ng mga basura bilang paglahok sa Coastal Cleanup day  

LUNGSOD NG MASBATE, Setyembre 17 (PIA) – Marami sa mga humugos sa baybayin ng lungsod ng Masbate nang nakaraang Sabado upang lumahok sa 27th International Coastal Cleanup ay maykatandaan at retirado na.

Ang ilan ay mga bata katulad ng 12-taong gulang na si Judylyn Hermosa.

Ang mag-aaral sa Espinosa Elementary School na si Hermosa ang naghila sa isang size 13 rubber shoe mula sa Valencia Beach upang matimbang at maitala.

Nature lover si Judylyn at ayon sa kanya nag-eenjoy siya sa baybay-dagat ng lungsod at nais niya matiyak na ito ay mananatiling busilak.

Tatlong taon na siyang lumalahok sa coastal cleanup subalit ayon sa kanya nagtataka siya kung bakit palagi siyang may napupulot na basura at ang mga kapwa volunteers. Ngunit sa bawat paglipas ng taon, pakonti ng pakonti ang basurag napupulot kaya kailangan anya niyang suruyin ang baybayin upang hanapin ang mga ito.

Para kay Judylyn, ang ganitong pangyayari ang isang magandang sinyales.

Ayon kay Masbate City Mayor Socrates Tuason na nagpasimuno sa cleanup, ang taunang paglilinis ay magsasanay sa mga kasapi ng publiko na pangalagaan ang dagat ng lungsod laban sa polusyon lalo na’t ang dalawang marine sancutaries nito ay nadiskubreng pinaka-resilient sa climate change sa buong Central Philippines.

Ang lungsod ng Masbate ay biniyayaan ng 300 kilometro kuwadradong dagat, 560 ektaryang coral reefs, 400 ektaryang seagrass at 1,240 ektaryang mangrove.

Ayon sa secretariat, bandang alas 6 n.u. mahigit sa 500 katao na ang nagparehistro sa cleanup.

Mahigit isang dosenang mag-aaral ng Masbate National Comprehensive High School ang natuto ng mahalagang aral nang sila’y lumahok sa cleanup bilang bahagi ng kanilang community service hours, isang school requirement.

Si Ramesis Abejero na retiradong municipal agriculturist ay nais anya niyang linisin ang basura upang walang marine life na mamatay dahil sa pagkakalunok at naimpatso sa plastik.

Nais din anya niyang manatiling sagana sa isda at iba pang pagkain mula sa dagat ang kanyang mga apo at ang susunod na henerasyon.

#

Balitang Masbate

Mga may katandaan at guro sa Masbate may pinatunayan sa Teachers’ Day at Elderly Week

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 8 (PIA) – Mukhang naging kasiya-siya ang pagdiriwang sa Masbate ng World Teachers’ Day at Elderly Filipino Week nang nagdaang linggo.

Sa World Teachers’ Day noong Biyernes, ginamit ng mga guro sa lungsod ang kanilang isang araw na bakasyon sa pa…

gtuturo sa pagtitipon kung saan nagtagisan sila sa pagtakbo, paglaro ng parlor games at pagsayaw.

Hindi nagpahuli sa uso ang mga gurong folk dancers nang sa halip na ang signature folk dance ng Masbate na Lapay Bantigue, humataw sila ng Gangnam Style, ang musika ng South Korean rapper na Psy na naging internet sensation.

Sa pagtatapos naman ng Linggo ng Katandaang Pilipino kahapon, pinatunayan ng senior citizens sa Masbate na kahit na retirado o semi-retired na sila sa paghanapbuhay, malakas pa rin hindi lamang ang kanilang mga tuhod kundi maging ang kanilang diwa sa nation-building.

Sa talumpati ng retiradong huwes na si Jacinta Tambago sa kasayahan na inihandog ng Masbate Senior Citizens Association at ng City Social Welfare and Development Office, sinabi nito na naninindigan ang senior citizens sa Masbate sa kanilang patulong na paglahok sa development efforts sa lalawigan at sa bansa.

Marami sa mahigit dalawang libong dumalo sa kasayaha na ginanap sa Magallanes Coliseum dito ang umuwi na mas mayaman ng ilang libong piso matapos masungkit ang cash prizes na iginawad sa mga mutya ng kanilang asosasyon sa bawat barangay.

Iginawad din ang premyo bilang konsuwelo sa mga senior citizens na dumalo sa araw-araw na symposium na ginanap noong Oktubre 1-6 at tumalakay sa iba’t-ibang isyu na apektado ang sektor ng katandaan.

Bukod sa mga naiambag ng Expanded Senior Citizens Act of 2010 sa pag-angat sa buhay ng mga may katandaan, binigyan-diin din sa symposium ang mga lifelines na makukuha ng senior citizens sa lokal na pamahalaan.

Ang tema ng kanilang pagdiriwang ay “Nakatatanda: Sa Bisa ng RA 9994, May Dangal, Nagkakaisa, Buhay ay Gumiginhawa.”

Advertisements

Watch and listen to the Rodeo Festival 2013 plugs.

Mark the dates, April 1 – 15, 2013.  See you in Masbate, the “Home of Philippine Rodeo.”

Rodeo Festival 2013 Video Plug

Rodeo Festival 2013 Radio Plug

Contact